IKALAWANG KABANATA

62 6 0
                                    

IKALAWAWILBERT

ZOELLA's POV

Nag-init ang pisngi ko sa ginawa ni Caleb. Paano ba kasi? Hinawakan niya ang kamay ko no’ng palabas na kami ng school. Hindi ko naman inaasahan na gagawin niya ’yon e.

Tatanungin ko na sana siya kung bakit niya iyon ginawa pero bigla itong nagpaalam at tumakbo na palayo.

“Ano kaya ’yon?” tanong ko sa sarili ko at napa-kamot na lamang sa aking batok.

Bago mag-uwian kanina, ay may mahalagang sinabi si Ma’am Calosa sa amin, ang adviser namin.

“Okay, class. Alam naman nating lahat na graduating students na kayo. At nape-pressure na kayo dahil dito. So, as your adviser, ipinagpaalam ko sa ating principal ang retreat na hinihiling ninyo!” Nagsigawan kaming lahat at ang iba ay napa-tayo at pumalakpak pa sa tuwa.

“At tatlong araw tayo sa Hacienda Alcazar!” dagdag pa nito.

“Ma'am, saan po ’yung Hacienda?” tanong ni Ian.

“Sa Lucban, Quezon, anak. So ano? Ecxited na ba kayo?”

Next month na ang retreat namin. Matagal na naming hiniling ’yon kay maam dahil nga graduating na kami at sa wakas matutuloy na! OMG talaga!

Habang nagla-lakad biglang sumulpot si Wilbert sa harap ko.

“Oh, Wilbert?” Napatigil ako dahil hinawakan ako nito sa braso.

“Zoe.” Naguguluhan ko siyang tiningnan. Ano’ng meron? Bakit parang kinakabahan siya?

Halatang-halata kay Wilbert kapag may ginawa siyang kasalanan o kinakabahan siya. Bigla na lang kasi itong namumula na akala mo ay ipinahiya sa harap ng maraming tao.

“Huwag ka muna umuwi,” wika nito at palingon-lingon pa sa likod ko kaya tumingin ako ro’n.

Wala namang kaka-iba. Ano ba’ng nangyayari kay Wilbert? Patuloy pa rin siya sa paglingon sa likod ko. Kunot-noo kong inalis ang kamay niya sa braso ko.

“Ano ba’ng nangyayari sa ’yo?”

“Huwag mo muna ako iwan, please lang.” Bigla akong niyakap ni Wilbert. Kaya pumikit ako nang mariin, ano na namang trip nito?

“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko habang yakap niya pa rin.

“Uuwi na pero...”

“Pero?”

“W-wala,” mahina niyang sabi at binitawan ako.

Inayos ko ang aking uniporme at tumindig na nang maayos. Nagka-tinginan kami, kasabay no’n ang tawanan namin.

“Tara na nga.” Pagaaya ni Wilbert. Ngumiti siya at inilahad ang kamay niya sa ’kin.

“Ililibre mo ba ako?”

“Ayaw mo?” Pagkasabi niya no’n ay agad kong hinawakan ang kamay ni Wilbert. Pareho kaming natawang dalawa. Siraulo ka talaga, Zoella.

Naka-pila na kami sa isang fast food chain  nang ma-realize kong magka-hawak pa rin pala kami ng kamay. Napatingin ako ro’n, sa sobrang higpit nang hawak niya sa 'kin ay parang ayaw na ni Wilbert na talagang mawala ako sa kaniya.

Walang gusto si Wilbert sa ’kin. Hindi ako ’yung mga tipo niyang mahalin o ligawan. Matagal na kaming magkaibigan kaya nalilito talaga ako bakit ganito siya ka-sweet sa ’kin.

Napatingin ’yung cashier sa magka-hawak naming kamay, nginitian nito si Wilbert at saka naman ako. Naku! Baka akala nito mag-jowa kami ni Wilbert! Bestfriends lang po kami!

Sino ba naman kasing mag-aakalang magkaibigan lang kami kung ganito siya, sa 'kin?

Hiyang-hiya akong yumuko.

“Ano sa 'yo?” bulong ni Wilbert.

“Kahit na ano,” Iyon na lamang ang nasabi ko dahil nahihiya ako.

Umupo na kami at doon lang niya binitawan ang kamay ko. Nagkatinginan kami at saka tumawa.

Makita ko lang tumawa 'tong si Wilbert parang okay na sa ’kin ang lahat. Nakakalimutan ko ng sandali ang problema ko kapag tumatawa sya o ngumingiti.

G’wapo si Wilbert, at habulin ng babae. Napaka-chikboy ng lalaking 'to. Naalala ko pa, nagku-k’wento sya sa ’kin tungkol doon sa walo niyang babae. Hahaha, napaka babaero e! Sadyang tahimik lang sya at hindi halata.

Napaka-amo ng kaniyang mukha kapag seryoso, akala mo napaka-bait pero maloko rin minsan.

Dumating na ’yung in-order niya para sa 'min. Iniabot nito sa ’kin ang para sa ’kin. Nagkatitigan pa kami bago kumain.

“Zoella,” aniya. Napatingin ako sa kaniya dahil may kinuha ito sa loob ng bag niya. “Regalo ko.” Iniabot ni Wilbert sa ’kin ang isang maliit na box.

“Regalo? Para saan naman 'to?” Kinuha ko ’yung box at pinagmasdan.

“Para sa ’yo.” Ngumiti ako. Whaaa first fime ko makatanggap ng regalo. Nakakatuwa.

“Buksan mo.” Utos niya sa ’kin kaya napa-nguso ako.

Ngumiti ako saka dahan-dahan binuksan ’yung maliit na box.

“Wow.” Iyon lang nasabi ko at kinuha ang laman ng box, isang bracelet na may star na pendant, at iba't ibang. Kahit maliit ay napaka-ganda nito.

“Iyan ang simbolo ng pagka-kaibigan natin, ha?” aniya. Habang ipinapakita ang suot niyang bracelet na kapareho ng akin.

Tumayo ako at niyakap siya.

“Salamat, Wilbert!” pagkasabi ko n'on ay hinalikan ko siya sa pisngi.

Ngumiti lang si Wilbert at kumain na ulit.

“Hindi mo isusuot sa ’kin?” Napatingin agad ito sa 'kin at ngumisi.

“Akin na nga,” sabi niya at isinuot sa kamay ko ang bracelet. “Bagay na bagay sa ’yo.” Tinitigan ko ang bracelet. May napansin ako sa star.

“May nakaukit na pangalan ko riyan.” Inunahan niya ako. “At dito sa ’kin, pangalan mo. Ang sweet ko ba?” Nagtaas-baba siya ng kilay.

“Oo na ikaw ang sweet, bwiset.” Nagtawanan kami at kumain na lang.

Pagkatapos kumain ay hinatid niya ako sa sakayan. Niyakap niya ako at nagpaalam na siya.

Huminga ako nang malalim. Isang araw na naman na kasama ko si Wilbert. Hindi nakakasawa.

Napatingin ako sa bracelet na bigay ni Wilbert. Hinding-hindi ko siya makakalimutan dahil dito. Araw-araw ko siyang maaalala kada titingin ako sa bracelet na ito.

Wilbert Linville, my boy bestfriend.

***

SECTION X (ON GOING)Where stories live. Discover now