Chapter 22

259 71 3
                                    

"Saan tayo?" tanong ko habang naglalakad kami palayo sa lugar na iyon.

"Saan mo ba gusto?" nakangiting balik tanong niya. "May gusto ka bang puntahan?"

Umiling ako, "ang lakas ng loob mong magyaya! Wala ka naman palang plano!"

"Hinahamon mo ba ako?" aniya tsaka ako tinaasan ng kilay.

"Well," ngumisi ako nagkibit balikat.

Tumawa siya dahilan para mawala ang ngisi ko.

"Klent!" I hissed.

Muli ay tumawa siya ng mahina bago yumuko para bahagyang lumapit sa tainga ko.

"Sssshhh," he hushed and chuckled.

"What?" hinarap ko siya.

"God! Coli, look around! Ang ingay mo!" tawa niya.

Sa sinabi niyang iyon ay mabilis kong nilibot ng mga mata ko ang paligid.

What?

Paano ko nakalimutang nandito pa kami sa loob ng building? At hindi lang iyon! May mga nadaraanan pa kaming mga cubicle na may mga taong busy na nagtatrabaho!

"Bakit ba kasi dito tayo dumaan?" tanong ko.

"Malapit na exit?" ngumisi siya, "bakit? Hiya ka?"

"Whatever!"

Nang makalabas kami ay medyo nakahinga ako ng maluwag.

"So, saan nga tayo?" tanong ko ulit.

"Upo muna tayo," anito na ginawa nga namin.

Nang makaupo kami ay siya namang pagkuha niya sa phone niya. Sa ganoong pwesto ay pinanood ko lang siya ng tahimik. Ang eksena ay nagtitipa siya hanggang may ilang tawag pa siyang ginawa bago ulit ako binalingan.

"Kaya mo ba ako isinama ay gusto mo nang may nakatanga sa'yo habang busy sa phone mo?" I asked.

"Sinabi ko bang tumanga ka sa akin?" tinaasan pa ako nito ng kilay at nang makitang sasagot na ako ay tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kanang kamay niya. "I know I'm handsome, but you honestly don't have to stare at me, you know?"

Ang mga sinabi niyang iyon ay natagalan bago tamang naiproseso ng utak ko.

"What did you just say?"

Tanda ko ang mga salitang iyon. Hindi man parehas, pero iyon 'yon! 'Yon ang unang mga salitang sinabi sa akin ni Devin kung hindi ako nagkakamali. That was when he caught me staring at him- oh shut up mind! Hindi lang siya ang maaring magsabi no'n! Hindi sa kaniya ang salitang iyon!

"Ang sabi ko gwapo ako, bingi ka na rin ngayon? Patingin nga!" sagot niya at umaktong lalapit para i-check ang tainga ko.

"Hoy! Tumigil ka nga!" lumayo ako sa kaniya.

Tumawa siya, "so kumusta, Coli?"

Sa tanong niyang iyon ay hindi ko naiwasang pakatitigan siya. Medyo nag-mature siya na mas ikinagwapo niya. At kagaya dati, kapansin-pansin pa rin ang alaga niyang pangangatawan.

Kailan ko nga ulit siya nakausap ng ganito?

"I'm fine," ngumiti ako tsaka dumiretso ng tingin sa harapan namin, "ikaw?"

"Well, maraming nagbago, but I'm here, doing good, at least."

Muli akong napabaling sa kaniya.

"What happened?" I gulped.

"What what happened?" balik tanong niya sa akin na para bang nagtataka pa kung para saan iyon.

The Devil's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon