Chapter 31

351 85 9
                                    

Bago ako nakaupo ay nakita ko pa na nasa loob na rin si Devin, diretso ang malalaki niyang paghakbang hanggang sa makarating sa kinatatyuan ko, hanggang sa makalampas ako.

At least, that's what I thought—

Kaya naman laking gulat ko na lamang ng bigla niya akong hilahin patungo sa dulo, may anim o limang pagitan mula sa kinauupuan nina Kyd.

“Sit,” he commanded.

Napalingon ako sa kaniya, hindi makapaniwala sa narinig.

Iba ang dating ng utos niya sa akin.

At matapos niya akong dedmahin kanina?

“I'm not a dog,” I voiced.

He couldn't do anything to me, right? Dahil nandito ang mga kasamahan nia at ang mga kaibigan ko.

Tinaasan niya ako ng kilay, “Who says you're a dog?”

“Kung makautos ka kasi para lang akong isang aso.”

I heard him heaved a sigh and gave me a bored looking eyes.

“Don't start me Coli, just sit,” anito na may kasama pang mahinang pagtulak sa akin patungo sa upuang malapit sa bintana

Hindi na ako nakasagot pa at ginawa na lang ang gusto ng hari.

May magagawa pa ba ako?

Pero bago ako tuluyang nakaupo ay nakita ko pa ang mga kasama namin na mga nakasilip mula sa kani-kanilang upuan. I could actually hear Ivy and Yassi's giggles, and some of them— no, I mean everyone has a smirk on their face.

Napapagtulungan-tulungan ba ako?

At talagang bang inisip ko kanina na kapag sinagot ko si Devin ay matutulungan nila ako?

I can't believe them!

Nang makaupo ako ay bumaling na lang ako sa bintana matapos kong ayusin ang seatbelt ko.

May ilang minuto na kaming nasa himpapawid at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko rito sa pwesto ko, samantalang ang katabi ko— si Devin ay busy sa harap ng laptop niya kakatipa ng kung ano.

“Laro tayo!” nakasigaw na ani Kyd mula sa gitna.

“Anong laro?” tanong ni Yassi.

“Hmm, any suggestion?”

“Two truths, one lie?”

“Truth or dare!”

“10 lives?”

“Riddles?”

“Yes, riddles!” ani Kyd na nakatawa pa. "May naihanda na akong set niyan, hinintay ko lang talaga yung suggestion."

“What? No! Devin's a riddle monster!”

Nang marinig ang pag-angal na iyon ni Yassi ay mabilis akong napalingon kay Devin, kasabay no'n ay ang pagtunghay niya mula sa ginagawa.

“I'm not joining,” he said with a bored tone.

“I really apreciate it Alpha, salamat!”

Matapos marinig iyon ay tumango ito at bumalik na sa ginagawa niya.

“So bago magsimula dapat ipakita ang prizes!” nakangising ani Kyd. “Feeling bata tayo ngayon kaya naman— miss!”

Kasabay nang pagtawag niya ay ang paglabas ng dalawang babaeng flight attendant, may dala silang cart na puno ng naglalakihang junk foods at chocolates!

The Devil's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon