Chapter 6

519 129 22
                                    

Kyd's POV

Matapos ang ilang minutong pagmamaneho ay nakarating kami sa pinakamalapit na passage patungo sa Underground Post (UG Post).

"Walang tao," sabi Casper na pasipol-sipol pa habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.

Bumaba siya at dumiretso sa front gate para mabuksan 'yon hanggang sa garahe tsaka ko ipinasok ang sasakyan kasunod ang kay Devin. Automatic na tumunog ang sensor ng maibaba ni Casper ang roller.

Kasabay ng pagpasok ni Casper sa sasakyan ay ang unti-unting pagbukas ng daan sa harap namin paibaba.

Ang UG Post ay dinisenyo para sa grupo, 20 meters underground. It is revealed with tunnels stretching in all direction. Inside the UG tunnels are countless numbers of passages spread out like a maze. Kaya kung hindi ka miyembro ay nasisiguro ko ang pagkawala mo. And of course, hindi mawawala ang ilan sa mga daanan na may trap.

Nagmaneho kami sa loob ng labing isang segundo bago nakarating sa base, mas mabilis ng apat na beses kung sa itaas kami dumaan.

Nasa ilalim ito ng Gallagher University, Admin's building, to be exact. Nang makababa kami ay sinalubong kami ng ilang tauhan at nina Taki sa hallway.

"Nasa loob na sila," anito na ang tinutukoy ay ang silid na nasa gilid namin, sa kanan. "May mga nakuha kaming pins ng isang organisasyon sa kanila, pero hindi sila miyembro, ni hindi propesyonal."

"Yes, and about their guns and bumbs, may ilang bumaligtad, sa'tin ang mga ginamit nila," dugtong ni Yachica.

"That explains kung paano sila nakapasok," Casper nodded.

"Alpha, what do we need to do next?" Taki asked.

"Go back to Xanadu, check the perimeters," matapos sabihin 'yon ay inilang hakbang lang ni Devin ang pintuan ng kwarto.

Binuksan 'yon ng bantay kaya malaya kaming nakapasok. Bumungad sa'min ang dalawang lalaki na nakatali ang mga braso at paa habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader. 

"Naghihirap na ba tayo?" I chuckled, "bakit hindi niyo 'man lang pinaupo ang mga bisita natin?"

"Shut it Collins," Casper shook his head.

"What?" tumaas ang kilay ko.

"Make them speak," nakatayo si Alpha  sa kabilang dulo ng kwarro.

"I'm on it," sagot ko habang naglalakad palapit sa dalawa.

Kasabay ng pagkasa ng baril na hawak ko ay ang pagkabuhay ng ulo nila. Hindi ko alam kung malakas ba ang pagkasa ng baril o baka naman nagtutulog-tulugan lang talaga sila mula pa kanina.

Mas lumapit ako sa isa.

"Gagamitin ko sa inyo ito o magsasalita kayo? Pili," swabeng tanong ko.

Pero wala siyang naging reaksyon kung hindi ang titigan lang ako.

Walang warning, isang putok ng baril ang nakapagpabagsak dito.

Head shot. Tang-na!

Namantyahan yung damit ko! Walang pasabi! Hindi 'man lang ako nakalayo!

Isa pang putok ng baril ang halos magpabingi sa'min dito sa loob. Sa kanang balikat naman ang tama ng isa. Ngunit ang nskakapagtaka ay ang pagkawala ng reaksyon nito. Kumunot ang noo ko.

"Kyd, open his mouth," may pagka-inip na ani Devin.

Nabingi yata ako sa narinig. Binalingan ko si Devin para sana magtanong pero hindi ko na nakagawa 'yon dahil nakatalikod na ito habang may kausap sa cellphone.

The Devil's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon