Chapter 24

287 71 2
                                    



"May taste si Klent," ngingisi-ngising ani Ivy habang umiikot ang cellphone na ibinigay ni Klent sa kamay niya.

Dahil sa suggestion ni Yassi kanina ay sakay kami ngayon ng isang sasakyan patungo mall. And of course! Katatapos lang ng interrogation nila sa akin.

"Anyway, after mag-mall pwede bang clubbing naman?" ani Ivy, she's one of the most excited about getting out and have been saying to go shop after shop.

Nasa tabi ko siya, sa harapan si Fossmae na katabi si Yassi na siyang nagda-drive ng van at nasa likuran naman namin sina Taki at Dawn.

"Let's try?" may pahagikgik na sagot ni Yassi. "Baka kasi mapagalitan tayo."

"Masyado naman kasing mahigpit, pwede ba tayong mabuhay ng gano'n?" komento ni Ivy.

"Nag-iingat lang," sagot mula sa likod.

"At kaunting tiis na lang naman 'yan, after ng exam we will have more fun!" segunda ni Yassi.

"Greece" Ivy giggles.

Hanggang sa makarating kami sa mall ay gano'n ang naging laman ng usapan na nabago na lang nang may makita kaming boutique.

"Humanap na kayo ng cocktail dress na gagamitin niyo sa party," ani Taki.

"Para mamaya?" tanong ni Fossmae.

"Nope, para sa party bago ang break," ngumisi si Yassi.

"Red or black cocktail dress for Gallagher University," paalala ni Dawn.

Nang marinig iyon ay hinila ako ni Yassi at nagkanya-kanya namang lakad ang iba.

"What do you want for a dress?" she asks.

"I'm fine with a simple black dress?" sagot ko.

"At yung papasa sa taste ko," nakangising dugtong niya.

Habang naglalakad-lakad kami ay bigla akong hinila ni Yassi para mapunta ako sa kaliwa niya, dahilan para siya ang mabangga ng isang lalaki na mabilis na tumatakbo.

Mabuti na lang at nasa likuran namin ang isang sales lady na mabilis naalalayan si Yassi!

"What the hell?" Yassi exclaimed.

"A-are you okay ma'am?" anang sales lady na inaalalayang makatayo ng maayos si Yassi gamit ang kaliwang kamay niya.

"I'm fine, yeah. Thank you," umiling-iling pa si Yassi tsaka inayos ang nagulong buhok. "What a careless man! Tumatakbo sa loob ng isang boutique! Miss please, make some report about that crazy guy!"

"Yes ma'am, I will," sagot ng sales lady.

"Okay, move."

"Yassi!" pigil ko dito.

"What? I want it to be an immediate report."

Lumalabas ang pagiging istrikta niya.

Umiling na lang ako at pinabayaan siyang kausapin ang sales lady na kaagad rin naman umalis matapos ang mga sinabi pa ni Yassi.

"Gosh! Huwag na huwag siya sa aking magpapakita ng buhay!" inis na utas nito.

"Just let that one go," pagpapakalama ko dito.

"Never gonna happen," umiling siya at nagpatuloy sa pagpili pero maya-maya pa ay bigla siyang napahawak sa akin ng mahigpit.

"What's wrong?" I asked.

"Medyo nahilo ako," sagot niya habang hinihilot ang sentido niya.

"Are you okay? Gusto mo maupo muna tayo?"

The Devil's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon