Brielle woke up with a mixed emotions. She's happy yet sad and she knows why!
Nag-unat muna sya ng katawan bago tumayo para magpunta sa banyo para maligo.After taking a bath. She headed to the kitchen where she saw Scott sipping his coffee. "Good morning.." Bati sa kanya nito ng mapansing papasok sya sa kusina.
"Morning" she replied. Napansin nyang andito na ulit ang mga kasambahay.
"So...when are you leaving?"
Napalingon sya sa sagot ng asawa. "Tomorrow morning..".
" I see.."
Naglagay nalang sya ng isang bag ng tea sa cup na may mainit na tubig. "Any plans today?""Yeah! I can handle it." Yon agad ang nasagot nya ng mapansing gusto nitong tulungan sya.
"You sure?"
"Yeah..."
"Okay..." Tumayo na ito at nilapitan sya bago hinalikan sa noo. "I'm gonna miss you Brielle. I hope you'd find your self again and when that time happens hope you'd also find forgiveness of what I did. Nagsisisi na ako sa mga nangyari. It's killing me now seeing you here and the thought that you're leaving tomorrow. I just have so much hopes that this will work after." wika ni Scott bago sya hinalikan ng mariin sa mga labi at niyakap sya nito. Nanlaki ang mata ni Brielle ng mapagtantong umiiyak ito dahil ramdam nya ang basa sa kanyang balikat. She hug him back and caress his back.
"Thank you Scott. Thank you and I'm sorry!"
Kusa ding lumayo si Scott sa kanya at dire-diretsong naglakad. Kinuha pa muna nito ang coat na nakasampay sa couch at lumabas ng bahay. Napabuntong-hininga si Brielle. Hindi lubos maisip kung tama o mali itong desisyon nya. First time nyang nakitang umiyak ang asawa dahil sa lahat ng pagkakataon noon sa mga nangyari sa kanila ni minsan hindi nya ito nakitang nagsisisi o magmakaawa. Palagi itong mapagmataas sa kanilang dalawa. Ngayon lang!Naihilamos nya ang mga palad at marahang umiyak. Ano po ba naging kasalanan ko sa inyo at ganito ang pinaparanas nyo sakin?
Hindi nya na nagawang inumin ang kanyang tsaa dahil bumalik ulit sya sa kwarto para umiyak. Sobra na. Sobra-sobra na.Nagising sya mula matapos umiyak ay nakatulog sya ulit. Naligo nalang sya ulit at aalis papuntang mall. She put on her black jeans and white crop top and wear her heels.
"Manang dumating na po ba si Scott?"tanong nya sa isang katulong na nagva-vacuum sa sala.
"Wala pa po ma'am"
Dumiretso nalang sya sa labas ng bahay at nagpahatid sa mall. Bumili lang naman sya ng mga ipamimigay nya sa mga katulong na maiiwanan nya sa kanyang paglayo.
It took her 4 hours inside the mall. Kaya nagdesisyon na syang umuwi. Pumara lang sya ng taxi at nagpahatid na. Pagkatapos magbayad ay sinimulan nya ng balutin ang mga gifts nya pagkatapos ay pinamigay din ito agad.
"Ma'am.." Mangiyak-ngiyak na Wika ng katulong nilang si Norma. Niyakap nya lang ito dahil sya man din ang Naiiyak na.
"Pangako nyo po saking alagaan nyo po si Scott habang wala ako."
"Opo ma'am! Mamimiss ka po namin ma'am." Nasa sala silang lahat ngayon pati drivers and gardeners nila. Yong guard pinaabot nya nalang sa mga drivers dahil medyo Malayo ang posts ng mga ito. Nagpaalam nalang sya at umakyat na. Sinimulan nyang gawin ang scrap na naisip nyang eregalo kay Scott.
Busy sya sa paggugupit ng mga pictures ng hindi nya namalayaang gabi na pala. Kumatok na ang isa sa mga katulong para sabihing handa na ang dinner nya. Dinner mag-isa.