5. Grateful

1 0 0
                                    

Matatapos na ang isang buwang stay nya sa Ibiza. She needs to go back to Puerto Rico.

"Leaving Ibiza?" tanong sa kanya ni Nico na nakatayo sa labas ng bahay.

"Uh...yeah!" Sa halos isang buwan nyang pananatili sa Ibiza ay naging close nya narin ito. "Can you send me to the port?"

"I don't want to." Sinamaan nya ito ng tingin.

"I hate you!"

"Of course you are!" Natatawang sagot nito sa kanya. Totoo naman kasi dahil sa halos isang buwan nya sa Ibiza ay bad trip sya dito pero may oras na hindi. Ewan sa kanya.

"So...you chose!"

"Let's go?" aya nito sa kanya bago sila sumakay sa kotse nito at hinatid sya sa port. Hindi naman kalakihan ang Ibiza kaya mabilis lang silang nakarating. "When will you gonna come back?"

"Secret! Just keep you updated."

"The hell I care!"

"Ayaw mo?"

"Huh?"

"Adios!"Natatawa nalang sya kapag hindi ito makaintindi kaya lage nya itong napagti-tripan. Yumakap lang sya dito at nagpaalam na. " You take care of yourself! "Paalala nya dito. Tumango lang ito at kumaway sa kanya.

She's back in Madrid for her flight to Puerto Rico then she inform Cynth that she's coming over.

The moment the plane landed in Luis Munoz Marin Int'l Airport in San Juan she's as excited as fuck! Nagulat nalang sya ng nasa labas pala ang kaibigan at tuwang-tuwa itong makita sya.

"Domagneque!!!!"

"Cynth!!!" balik tili nyang sagot dito at niyakap."Oh my god! You're still beautiful! "

"Bolera!"

"Totoo naman e!" Iginiya sya nito sa kotseng naghihintay at andoon ang asawa nitong si Manuel.

"Nice to see you again Dom. Now that you're here, Hope we can take a break of my wife?"sabi ng asawa ng kaibigan nya.

"Wow!!! Gandang bungad ah!" Matatawag Sagot nya pero umoo din pagkatapos. Simula nung nag-asawa sya pinamanage nya na ito sa kaibigan since business management graduate ito. Unlike her, na isang vet medicine graduate. Ni- hindi nya nga nagagamit ang profession nya dahil pagkagraduate ay yong business na bigay ng ama nya agad ang inuna. Nung nag-asawa naman sya ay hindi sya pinapayagan ni Scott magtarabaho.

"Salamat Dom!" Ani Cynth. Ngumiti lang sya at nagpahatid sa bahay nya sa Calle E sa Isla Verde. Bukas nalang sya pupunta sa restaurant nya. When she was drop off to her space she felt tired. Halos buong araw nya nasa byahe sya.

Kinabukasan ay hindi din naka pasok ng maaga dahil sa dami ng aayusin sa bahay. Nagwalis sya sa buong bahay, nagtanggal ng mga agiw at nagpunas para mawala ang alikabok.

Namiss nya yong ganito na sya yong kikilos para sa gawaing bahay. Sa bahay kasi nila ni Scott puro katulong ni minsan hindi sya Nakahawak ng walis doon.

Nasa punto na sya ng pagpupunas ng pawis ng tumunog ang cellphone nya.

"Hello?"

"Kumain ka na ba bruha?"

"Di pa e.." Napakamot sya sa kanyang ulo. "Sorry Mukhang hindi ata ako nakakapunta dyan ngayon. Dami kong nilinis."

"Ano ka ba! Okay lang. Just take your time."

Napatango-tango naman sya na akala nya ang kausap ay nasa harapan lang. "Salamat Jacynth! Love you!"

"Uy! Grabe to. Pupunta ako dyan. Hahatiran kita ng pagkain. Ano ba tong may-ari ng resto nagugutuman." Tumawa ang nasa kabilang linya kaya natawa na din sya. Malaki naman na ang space ng resto nya pero wala pa syang balak magbranch out sa ibang lugar dahil sa sitwasyon nya ngayon. "Teka nga pala..anong pagkain ba?"

The Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon