Wrong Move 1

938 8 0
                                    

Wrong Move 1

***

"Ito na, nagmamadali na nga, e!" Sigaw ko kay Shou habang kausap sya sa telepono.

"How many times do I have to call you para lang magising ka? Fei, magpapasko na pero late ka pa rin." Pangaral na naman nya, as always.

I rolled my eyes as if nakikita nya ginagawa ko habang sinusuot ang sapatos kong mukhang masikip na sakin. "Lumaki na naman ba ang paa ko?"

"Anong sinasabi mo dyan?"

Napatingin ako bigla sa hawak kong cellphone. I accidentally said it out loud pala.

"Wala, yung sapatos ko kasi medyo masikip na sakin." I answered as I went back inside our house para kunin ang bag ko. "Mama, yung baon ko po!"

"Iniwan ko na dyan sa ibabaw ng TV, kunin mo na lang!" Sigaw naman ni Mama mula sa kusina.

"Bilisan mo. In any minute, darating na first period teacher natin, terror pa naman si Ma'am Lopez." Shou added habang hindi na ako magpakali sa kung anong uunahin ko.

"Shou, for Pete's sake! Wag mo naman ako tarantahin! I'm doing my best to make it fast, okay?" Pasigaw kong sagot sa kanya as I went near the TV to get my baon. I decided na i-loud speaker na ang cellphone ko para hindi na ako mahirapang makipag-usap sa kanya while I'm hurrying on everything.

Narinig ko syang tumawa sa kabilang linya. Nang-aasar lang talaga sya. "Alam mo naman kasi na may pasok tayo ngayon pero nagpuyat ka pa kagabi."

"It's not my fault if the manga I was reading last night didn't want me to sleep early." I answered back.

The moment I was all ready ay nagpaalam na ako kay Mama at patakbo agad akong lumabas ng bahay para pumara ng jeep. Good thing maraming dumaraan nung time na yun.

"I'm on my way. Sige na Shou, I'm hanging up." I was actually about to hang-up since ugali ko na whenever kausap ko sa telepono si Shou to not let him finish his sentence at papatayan sya ng tawag, but I think it was a good thing na siningil ako ng driver ng jeep sa pamasahe that I was able to hear his reply before hanging up.

"Okay. I missed you."

Nakangiti ako the whole time hanggang sa makarating ako sa school matapos kong marinig yun.

***

I swear hindi na ako magpupuyat. I lied to myself nang makita ko ang dami ng estudyante sa lobby. Okay, I didn't see this coming? Bakit all of a sudden nagtambakan ang mga estudyante dito? But the thing is, late na talaga ako so I hurried as I went to my classroom. Nakipagsiksikan na talaga ako sa mga estudyanteng nakaharang sa lobby. Hindi ko alam kung ilang beses kong nasabi ang 'Excuse me' basta ang alam ko, I managed to survive that sudden uproar look-a-like na mukhang naging karma ko dahil sa pagpupuyat ko kagabi.

Damn. Bakit ba kasi ang layo ng classroom ko? Ugh. I just kept on running na hindi ko na inabalang pulutin yung ilang papel na nagliparan at naka-ipit sa mga hawak kong libro. Alam ko kasing mga scratch paper lang yun ng kunwaring pagso-solve ko tuwing may activity kami sa Math na hindi pedeng walang ipakitang scratch paper kung saan nag-solve kung hindi iisipin ng teacher na nanggaya ka.

Nang malapit na ako sa classroom ko, and maybe because my mind was full of thoughts about myself, not being allowed by the teacher to attend the class for the whole morning because of being late ay hindi ako nakapagpreno nang biglang may lumabas na lalaki sa classroom ng second section, which is, the room before ours. Nagkabungguan kami and fortunately, my books were scattered on the floor. Hay naku! Bakit ba kasi hindi ko naging ugali maglagay ng books sa bag? Ugh.

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon