Wrong Move 5

283 8 0
                                    

Wrong Move 5

***

"Mama, aalis na po ako." Paalam ko habang sinusukbit ang shoulder bag ko.

"Saan ka pupunta?"

"May bibilhin lang po ako. I'll be meeting Maki, too." Pagsisinungaling ko. Kapag nalaman ni Mama na may date ako ngayon, baka wala na akong bahay na uwian pagbalik ko.

"Sige, mag-ingat ka." She replied not looking at me dahil busy sya dun sa pinapanood nyang koreanovela.

I just waved her goodbye kahit hindi sya nakatingin. Kapag nalalaman nyang si Maki or Shou ang kasama ko, pinapayagan nya kaagad ako without any hesitation. Palibhasa, silang dalawa lang din yung kilala nyang kaibigan ko. Kaya nga aaminin ko, hindi ako hirap magpalusot kay Mama dahil malaki ang tiwala nya sakin. Nakokonsensya rin naman ako sa bawat pagsisinungaling ko sa kanya pero bumabawi naman ako sa grades. I think that's enough para ma-lessen yung guilty feelings ko whenever I'm lying to her.

Nasa may gate na ako nang may tumawag sa cellphone ko. Akala ko pa nga si Ian yun since sya lang yung tawag nang tawag sakin the whole morning reminding me about our date and stuff pero si Shou pala.

"Hello?" I said as I answered.

"Fei!" He shouted, dahilan para malayo ko bigla yung cellphone ko sa tenga ko. "Fei!" He shouted again.

"Shou, pede ba wag ka sumigaw? Naririnig kita, 'no!"

"Oh, sorry." Tumawa sya. "Akala ko hindi, e." Mas lumakas yung tawa nya after nun. Napa-irap tuloy ako nang wala sa oras. "Date naman tayo!"

Alam kong nagbibiro lang sya nung sabihin nya yun pero nagulat pa rin ako. First time din naman kasi nyang mag-joke ng ganun sakin. I don't know what's got into him at naisipan nyang bumanat ng ganun sakin but that was enough to make my heart beat fast again.

Habang tumatawa sya sa kabilang linya, I replied. "Sige, kailan ba?" Sakay ko sa biro nya. I tried to chuckle a little bit para hindi nya mahalatang I somehow meant what I said. Sana lang hindi nya napansing nanginginig yung boses ko.

Biglang tumahimik sa kabilang linya pagkasabi ko nun, pero sandali lang din yun. "Ngayon sana." He said.

Hindi ko alam kung imagination ko lang yun or dahil yun din yung gusto kong isipin but at that time, I thought he said it seriously. I was about to speak and say yes when suddenly, nagpop-out sa isip ko yung mukha ni Ian at yung date namin. Dun ko din na-realize na nagjo-joke nga lang pala sya at muntik na akong madala sa lokohan namin. Sana kasi totoo, e.

I tried to laugh at him. "Sira! Date ka dyan! Yuck!" Sinabi ko pa yun in a grossed tone.

Narinig ko syang tumawa na naman like what he always do. Sabi na e, joke lang yun. While he's laughing, nakangiti lang ako. I really like his voice when he's laughing. It makes me fall in love with him even more.

"Seriously Fei, gusto ko sana magpasama sayo ngayon. May bibilhin kasi ako, e." He finally said nang maka-move on sya sa pagtawa.

Oo. Gustong-gusto ko. "Ah, sorry. Hindi kita masasamahan, may pupuntahan kasi ako ngayon."

"Ganun ba?" He lowered his tone. "Saan ka naman pupunta?"

I started opening the gate of our house para makapag-abang na ng jeep na dadaan. "Secret. Bye."

I know he's about to say something pa but I ended the call na like I always do. Alam ko rin kasi na kapag hinayaan ko pa syang magsalita, mas mahihirapan lang ako gumawa ng dahilan sa kanya. Sumakay na ako sa napara kong jeep na papunta sa Mall. When Ian called me earlier, he asked me kung saan ko gusto pumunta pero wala akong nasagot kasi wala naman talaga akong gustong puntahan kaya sya na lang nag-suggest na sa Mall na lang kami mag-date to which I agreed with naman. Nag-insist pa sya na sunduin ako sa bahay pero tumanggi na ako dahil ayoko pang atakihin sa puso si Mama.

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon