Wrong Move 8

255 10 0
                                    

Wrong Move 8

***

Ian was so happy yesterday. Nope, he was beyond happy yesterday. Ugh.

Pasimple kong hinampas ang noo ko ng dalawang beses. Mabuti na lang at hindi napapansin ng mga nakakasalubong ko yung kabaliwang ginagawa ko. I know I'm making a weird face right now too, but I couldn't care less. I just hate myself so much right now. Bakit ko ba kasi yun sinabi?

I think masyado akong nadala sa sitwasyon namin kahapon ni Ian that I said those to him. At ngayon, nagsisink-in na sakin na isang malaking kalokohan yung mga sinabi ko. I should've just rejected him that time. I should've just told him that I won't fall in love with him. I should've just been honest. Mas lalo ko lang syang pinapaasa sa wala. Mas lalo ko lang syang sinasaktan. I sighed in my mind. I want to bang my head on the wall right now. I'm really capable of making things from better to worst.

I was on my deep thoughts nang biglang may umakbay sakin, kasabay rin nun yung biglang pagbilis nang tibok ng puso ko. Hay, sino pa nga ba?

"Shou, wag ka ngang basta-basta na lang sumusulpot!" I irritatingly told him. Buti sana kung palaging handa yung puso sa mga ganito. Ugh.

Tumawa lang sya sa sinabi ko. "You're in deep thoughts. Anong iniisip mo ha? Regalo mo para sakin?" Tinaas-taas pa nya yung kilay nya habang sinasabi yun.

Pasimple kong kinagat yung babang labi ko matapos nya sabihin yun. Oonga pala, Pasko na sa isang araw. Wala pa akong regalong nabibili para kay Shou. Ugh.

"Saan ka pala pupunta?" Tinanong na lang nya nang hindi ako sumagot. And that question made me realize another thing again. Saan nga ba ako pupunta?

Minutes ago, nagpaalam lang ako kay Mama na aalis ako at may bibilhin lang kahit na ang totoo, wala at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang gusto ko lang, umalis sa bahay para makapag-isip. Ayoko naman kasing ma-witness pa ni Mama yung pagiging lutang at wala sa sarili ko. Siguradong magtatanong lang yun ng kung anu-ano at mag-aalala lang sya sakin. Wala naman akong balak na dalawin si Ian ngayon sa ospital dahil kakadalaw ko lang sa kanya kahapon. Kung bumili na lang kaya ako ng regalo para kay Shou? Pero mahihirapan naman ako na gawin yun ngayon dahil kasama ko sya. Hay, ano ba yan?

"Ewan." I just told him the truth. No choice na rin naman. "Gusto ko lang talaga maglakad-lakad."

"Is that so?" Bigla syang tumigil nun sa paglalakad sabay alis ng kamay nyang naka-akbay sakin. "Pareho lang pala tayo ng dahilan." Tatawa-tawa nyang sabi.

"Seriously?" Tinaas ko pa ang isa kong kilay sabay cross-arms. Akala ko ba ako lang ang baliw samin?

"Yeah, funny how we're having the same reason right now." Napakamot sya sa ulo nya. "Mabuti nga at naabutan pa kita. I went to your house earlier at sabi ni Tita, kakaalis mo lang daw kaya hinanap agad kita. Sasama kasi sana ako sa kung saan ka pupunta."

"But I'm not going anywhere. Maglalakad-lakad lang talaga ako."

"Ganun ba?" Hinawakan nya yung baba nya as if nag-iisip. Then seconds after, bigla na lang nyang hinawakan yung kamay ko at hinila ako.

"Hoy, saan mo ba ako dadalhin? You don't need to pull me, you know." Mabuti na lang, even in this situation where he's holding my hand, I can still manage to be calm and keep my mataray attitude.

Nang hindi sya sumagot. Hinayaan ko na lang syang hilahin ako. Until we arrived at the place he thought of bringing me.

"This place..." I slowly uttered as I looked at the whole area. Gaano katagal ko na rin ba 'tong hindi napupuntahan?

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon