Wrong Move 10

463 10 0
                                    

Wrong Move 10

***

Bispiras na ng pasko pero hindi ko madama yung saya. Matapos yung lahat ng nalaman ko kahapon, hindi ko alam kung may karapatan pa akong maging masaya. Ian will no longer be able to play basketball anymore, and I was the main reason why it happened. I wasn't even able to sleep properly last night dahil sa pag-iyak, and my mom didn't even have any doubt nung sabihin kong umiyak ako dahil sa tragic movie na pinanood ko kagabi, though I really didn't watch one. Lately nga, napapansin ko na masyado na akong nagiging expert sa pagsisinungaling but I can't help it. Kasi hangga't ganun yung situation ni Ian, I don't think I can be honest with anyone, not even with myself.

"Magkikita ba kayo mamaya ni Shou?" Tanong ni Mama habang hinahalo yung spaghetti sauce na niluluto nya. Maaga pa lang ay naghahanda na sya ng mga lulutuin nya para sa noche buena. Kapag mga ganitong occassion talaga sa tingin ko pinaka-excited ang mga nanay.

"Magkikita po." Wala sa loob kong sagot habang pinuputul-putol yung hilaw na pasta na nakahilera sa harapan ko.

I'm helping her cook kaya nandito rin ako sa kusina. Sobrang dami nga ng lulutuin ni Mama ngayon kahit na kami lang dalawa ang nag-nonoche buena dito sa bahay. Nakipagtalo pa ako sa kanya nung una about dun pero nung sinabi nyang bibigyan nya rin yung mga kapitbahay namin ay hinayaan ko na lang sya.

"E, bakit parang hindi ka masaya?" Tanong na naman nya sabay lingon sakin. Kaagad ko naman binitawan yung pasta dahil siguradong papagalitan nya ako kapag nakita nya yung ginagawa ko sa pasta nya.

Hindi naman pala ganun ka-manhid si Mama. "Masaya naman po ako. Hindi lang obvious." Sagot ko sabay ngiti nang pilit. Sana kasi ganun kadaling sabihin kay Mama lahat.

Mukhang hindi naman nya talaga masyadong inintindi yung sinabi ko dahil hindi na sya sumagot pa kaya itinuloy ko na lang ulit yung pagputul-putol sa pasta.

"Paabot nga nung pasta, anak."

Mula sa pagkakaupo sa dining table, tumayo ako at inabot sa kanya yung pasta. Mukhang hindi naman nya napansin na kinawawa ko yun kasi wala naman syang sinabi na kung ano. Actually, medyo naninibago nga ako kay Mama dahil usually, hindi sya tumitigil sa pagkwento ng kung anu-ano pero ngayon hindi sya masyado nagsasalita. Ang tahimik tuloy ng lutuan namin at mas lalo ko lang nararamdaman yung lungkot. Ugh.

Nakatalikod na ako nun sa kanya at uupo na sana ulit nang biglang syang magsalita. "The last time I checked, nanay mo ako. Bakit pakiramdam ko ngayon hindi? Anak, alam ko kapag nagsasabi ka ng totoo sakin at hindi. Ramdam ko rin kung talagang masaya ka o malungkot."

Hindi ako nakasagot sa sinabi nya. But it was more like, nagulat ako sa sinabi nya. Seconds after, medyo natawa na lang ako. Sabi ko nga e, nanay ko sya.

I remained standing kung saan nakatalikod pa rin ako sa kanya. Magsasalita na rin sana ako nun nang unahan nya ako. "Tell me when you're ready to talk about it, anak. Nag-aalala rin naman ako bilang nanay mo." She said it in a way na parang nagbibiro lang sya. To help lighten up the slowly becoming heavy atmoshpere, I guess.

I just chuckled again. Hindi ako humarap nun kay Mama kasi ayokong makita yung itsura nya habang sinasabi yun or maybe, ako yung may ayaw na makita nya yung itsura ko. Paulit-ulit ko lang yun ginawa hanggang sa maging tawa na. And then all of a sudden, I felt her hand brushing up and down on my back. She didn't say anything, but she also didn't stop on what she's doing habang ako naman, tuluy-tuloy lang sa pagtawa na parang baliw. Pero ganun nga siguro kahirap magpanggap sa harap ng taong alam mong kilala ka na, because after laughing, I started crying.

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon