Wrong Move 2
***
"Ang sakit ng ulo ko!" Angal ko kay Maki na katabi ko ngayon dito sa classroom.
"E, sino ba naman kasing nagsabi sayo na wag ka matulog kagabi?" Sagot nya habang nagbabasa ng notes. Kakatapos lang kasing mag-discuss ng teacher namin at may short quiz kami pagkatapos ng break time. Ugh.
My swollen eyes stared at her for seconds as my mouth formed a small o. I don't believe this! "And you're seriously asking me that question matapos mo ako sabihan ng kung anu-ano kahapon?"
"Ikain mo na lang yan or ibasa ng notes. In any minute, matatapos na ang break time at magqquiz na tayo. Bahala ka." She answered as she grinned. Paano ko ba naging best friend ang babaeng 'to?
"How can I eat kung hindi mo ako binili ng pagkain when I asked you? I can't even manage to stand because I feel a bit dizzy!"
Nang tumawa lang sya sa sinabi ko, umiling-iling na lang ako at sumubsob sa table. I honestly don't like Maki when she's this mean. She's really being inconsiderate! Kung tutuusin sya naman ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito ako ngayon. Kung hindi nya ako pinilit dun sa gusto nya edi sana hindi ako napuyat kagabi kakaisip kung paano ko gagawin ang pag-amin ko kay Shou. Edi sana ngayon hindi ako nagugutom dito at nag-aaral na ako para sa quiz. Ugh! Sumasakit lalo ang ulo ko!
I was so busy ranting on my mind that I didn't notice na may kumukulbit sakin. It was only when that person spoke that I knew. Ito na naman yung puso ko.
"Fei..." He called again pero hindi ako tumingin. I didn't even move kasi I want him to call my name again.
"Fei..." This time, he's now whispering right in front of my ear. I can even feel his breathing.
At that moment, I lifted my head up and looked at him dahil baka hindi ko na kayanin pa yung ginagawa nya at mayakap ko sya nang wala sa oras. Geez. He can easily drive me insane in seconds.
"I bought this for you." Pambungad nya the moment na tinignan ko sya. He was holding a sandwich and a bottled orange juice. "I just thought that you're not feeling well since kanina ka pang tahimik at nakasubsob dyan sa table mo."
How can you be... "Concerned ka pala sakin?" Biro ko sa kanya habang kinukuha yung mga pagkain na binili nya. "Libre 'to diba? Wag kang umasang ililibre rin kita dahil dito, ha?" I added while laughing. Great Fei, ang galing mo talaga um-acting.
Imbis na sagutin ako. Natigilan ako nang bigla nyang pinatong ang kamay nya sa noo ko. "Silly, I will always be concerned of you." He chuckled. "Mabuti na lang wala kang lagnat."
"Wala naman talaga akong lagnat, masakit lang ulo ko." I answered sabay iwas ng ulo ko sa kamay nya. Kahit nakakabitin, kailangan kong gawin yun for my feelings' sake. Tsaka ko na lang lulubusin yung mga ginagawa nya kapag naka-amin na ako.
"Puyat ka kasi nang puyat." He paused dahil may kinuha sya sa bulsa nya, then inabot sakin. "Dumaan ako kanina sa clinic at humingi ng gamot, inumin mo yan para maging okay ka na."
"Wow, salamat." I said and smiled. Lalaking 'to, masyado akong pinapasaya. Ugh.
"Mag-aral ka na rin. Baka bumagsak ka, nakakahiya naman sa image ko dahil kaibigan kita." Nang-aasar na banat nya.
I rolled my eyes at him. "Hambog."
Tumawa lang ulit sya pagkatapos ay ginulo ang buhok ko. He went back to his seat after that. Siguro tinitignan nya ako habang nagkaklase kami kaya napansin nya. Di ko tuloy maiwasang hindi mapa-ngiti sa dahil dun.
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Romance[RIGHT PATH'S PART 1] Shou and Fei have been friends since primary days. They've been friends for such a long time, but the thing is, one of them is in love with the other. What happens if that one finally had the guts to confess, but accidentally m...