Selyn
Ngayon ay Lunes na ng umaga! Sobra-sobra ang energy ko dahil inipon ko 'to mula pa kagabi para sa isang event na magaganap ngayon. Yup! It's my first day in Luxury Academy, my precious dream school since birth.Noong enrollment pa to-the-highest-level ang excitement ko sa Luxury Academy dahil matagal ko nang pinapangarap ang makapasok sa eskwelahang 'to. Tanda ko pa noong highschool graduation namin, may nag-offer sa akin ng scholarship sa Luxury Academy dahil ako ang Valedictorian ng alma mater ko. Walang paliguy-ligoy kong tinanggap ang scholarship na bigay ng school at halos sambahin ko pa sila that time sa sobrang saya!
Okay, enough with my cheap background. Magreready na ako for my first day in college!
"Nay! Tay! Good morning!" bati ko kila nanay at tatay na abala sa kusina.
"O anak! Magandang umaga rin! Naku! Unang araw mo pala ngayon dun sa bago mong eskwelahan. Halika't mag-almusal kana para hindi tanghaliin sa pagpasok."
Si nanay talaga oh. Ang sweet sa akin. Sino ba naman kasing magulang ang hindi matutuwa sa unang araw ng kanyang anak sa bago nitong school? Sabagay, mukha nga akong kinder sa nagaganap ngayon. Hahaha!
"Tay, ano balita natin d'yan?" tanong ko sa aking tatay na katapat ko habang nagbabasa ng dyaryo at tinatapik ang alagang manok na nasa ibabaw ng hita niya.
"Hindi na naman tayo nanalo sa lotto, 'nak! Sayang! Di bale, yayaman rin tayo kapag nakapagtapos kana sa kolehiyo. Magtatayo tayo ng negosyo na mas maganda sa mga sikat na kainan ngayon! Itong manok ko? Aba! Mas masarap pa 'to kesa sa Chicken Joy!"
Ayan naman si tatay. Palaging nagbabasa ng dyaryo tuwing umaga habang kasa-kasama ang pinaka-paborito niyang inahing manok. Kaya may manok sa bahay dahil may manukan kami sa likuran. Bukod kasi sa pagiging tsuper ni tatay, nag-aalaga rin siya ng mga manok na siyang binebenta ni nanay sa palengke kapag kinatay na. Simple man pero masaya ang buhay naming tatlo.
Noong nasa kalagitnaan na ako ng pag-aalmusal, napansin kong ilang minuto na lang bago mag-alas otso ng umaga. Patay kang bata ka. Hindi ako pwedeng malate sa pagpunta ng Luxury Academy dahil may dapat pa akong asikasuhin!
Mabilis kong kinain ang mga natitirang pagkain sa plato habang nag-iingat na makita nila Tatay at Nanay. Malalagot kasi ako kung malalaman nilang pinaspasan ko ang pagkain.
"Tapos na po ako!"
Tumigil sa pagkukwentuhan ang mga magulang ko nang makitang tumayo ako at inilagay sa lababo ang pinagkainan.
"Selyn anak. Ba't ang bilis mo atang kumain ngayon? Iilang minuto ka pa lang noong umupo dito sa hapag kainan ah?"
"Nako Nay, pasensya na po at kailangan kong bilisan dahil..."
Tinuro ko ang orasan naming basag ang ilalim kaya bigla siyang tumangom
"Ah ganun ba? O sige, ako na bahala sa tanghalian mo. Mahal, ihanda mo na ang sasakyan. Papasok na daw si Selyn."
"Tapang, tara na't sumakay sa maganda nating sasakyan. May misyon tayong ihatid ang prinsesa sa kanyang kaharian."
Natatawa akong umaakyat papuntang kwarto dahil sa mga biro nila Nanay at Tatay. As if namang may sasakyan kaming maganda. Kahit jeep lang ang sasakyan namin, may apat na gulong pa rin 'yon! Ilang taong pinag-ipunan ni Tatay ang jeep na 'yon para mabili niya sa dating amo. That's my tatay!
Oo nga pala, kung nakalimutan ko, Tapang naman ang pangalan ng inahing manok ni Tatay. Masyado daw kasing matapang ang manok na 'yon kaya ayun ang ipinangalan sa kanya.
BINABASA MO ANG
As You Find Me
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ A story about a commoner inside a very rich world right in time of her good college years in an extravagant Luxury Academy. Posted in Wattpad: April 6, 2019 Date Finished: October 13, 2024 Genre: Teen Fiction, Romance, College, Friends...