Chapter 32: Between Two Lovers

39 0 0
                                    

Selyn  
  
 
  
Kapag abala ka sa mga bagay-bagay, hindi mo napapansin na ang bilis lumipas ng panahon. Parang kailan lang noong magsimula akong mag-aral sa Luxury Academy. Meron na akong mga mahihirap na subject pero keri lang kasi nag-eenjoy naman ako sa pag-aaral.

Hindi ko akalain na dahil itinuon ko ang aking atensyon sa pag-aaral, ilang araw na lang ay patapos na ang unang term.

"Oh! It's rare for us to be almost complete in one place. Ang huli kong pagkakatanda na magkasama tayong lahat ay one or two years ago? Shall we plan for outing na ba?"

Isinama ako ni Mika sa lobby ng Anatomy Building at napansin ko din na kumpleto nga silang lahat. Noong una ay third wheel lang ako sa kanila ni kuyang nagvavape dahil ayoko pang umuwi ng bahay. Hindi ko namalayan na unti-unting nagsidatingan ang iba nilang mga kaibigan kaya gets ko ang pakiramdam ni Mika.

Si Cris na halos busy sa kanyang flight training ay nandito habang may bitbit na pusa. Ngayon ko lang nalaman na mahilig ito sa mga pusa at Russian Blue ang lahi na gustong-gusto niya. Dahil bihira lang ako makakita ng imported na pusa, hindi ko namalayang nakatitig na pala ako dito. Medyo nahihiya pa nga ako noong pinahiram niya sa'kin ang alaga niya. Hehehe.

Miski si Shone na busy din sa family business nila ay nandito din. Ayon kay Clark, naghihimala daw talaga minsan ito at may mga araw na hindi antukin. Noong una ay nagtaka ako kung bakit niya sinabing antukin si Shone. Yun pala, hobby nito ang pagtulog kaya madalas pinipiling matulog na lang kaysa makihalubilo sa kanila.

Sila Hideo at Arshiya naman ay magkasama dahil parehas lang ang kanilang class schedule. Itinanong kanina ni Mika kung nasaan si Alessiah. Ang naging sagot ni Hideo? Bakit daw siya naghahanap ng wala sa'min.

"Ang advance mo naman mag-isip. Pero sige, magplano na tayo. Tutal malapit ng matapos ang sembreak na 'to."

"Ito din pala ang unang outing natin na may matino kang rason para magsama ng babae out of our circle 'no?"

Nagsukatan ng tingin sila Mika at Clark. Bago pa man may makapagsalit ulit sa kanila, pumagitna si Jock sa usapan.

"Maganda't magsimula na nga tayo sa pagpaplano ngayon. Alam niyong bihira lang ang mga barkada na ganito kaseryoso magplano kaya mas maigi kung makapaghanda na tayo."

"Tama, Bhie! By the way, wala dito si Deimos." sabi ni Mika.

"I doubt if he'll go with us."

Siniko ni Cris si Shone at siya na ang sunod na nagsalita habang tinatapik ang ulo ng alagang pusa.

"I think he'll come. I can see how he improved compared before. For sure, hindi niya tatanggihan ang outing na 'to."

Inayos ni Cris ang iPad sa table kaya mas naging maayos ang pagkakakita ko kay Vivian sa screen. Naka-video call kasi ang girlfriend nito dahil nagkataong available at umaga na sa France. 
 
   
  
[Sana nand'yan pa rin ako. Anyways, I hope you guys enjoy a lot! Gusto kong makarinig ng good news especially to Deimos. We know that everyone wants him to be happy as well.]  
  
  
  
"Nakakamiss ka tuloy, Vi. Haha! Don't worry. Pipilitin kong sumama si Deimos whether he likes it or not. Bwahaha." sabi ni Mika.

"Hindi ka nakakatulong kung mamimilit ka na naman." kontra ni Clark sa kanya.

"Hindi naman kita pipiliting sumama, Clark. Duh!"

"Kapag hindi ako sasama, paano ko maisasama si Jes?"

"Ikaw lang ba ang close kay Jeserie? Selyn is here! They're bestfriends!"

As You Find MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon