Selyn
Hindi ko alam kung bakit pero nahirapan akong makatulog dahil sa huling sinabi ni Deimos bago matapos ang tawag. Para dalawin ng antok, nagbasa ako ng chemistry book pero lumipas na ang alas dose ay gising na gising pa rin ang diwa ko."Kung umaga lang, bababa muna ako para mag-asikaso ng mga manok sa likod. Kaso hatinggabi na eh. Ano pa bang gawin ko para antukin?"
Sinara ko ang libro at kinuha ang phone para magbasa ng dating messages. Hanggang sa mapadpad ako sa number ni Deimos the Devil...
"Ang aga pa naman ng pasok ko bukas. Huhuhu. Gusto ko na matulog."
Kakabasa ng mga dating messages, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang hawak-hawak ang phone. Nalaman ko lang ito nang maalimpungatan at nakitang may kaunting liwanag sa labas. Pagkakita ng oras sa cellphone, bagsak ang mga balikat ko nang umupo sa higaan. Hindi pa man nakakalagpas ang limang minuto, narinig kong may kumakatok sa pinto ng aking kwarto.
"Selyn anak?"
Huminga ako ng malalim bago tumayo para pagbuksan ng pinto si Tatay.
"Tay, magandang umaga po." bati ko sa kanya nang makita ito.
"Hindi kita maihahatid mamaya. Aalis ako ng alas sais ng umaga ngayon."
"Ganun po ba? Okay lang po, Tay. Sasabay na lang ako ngayong oras sa inyo."
Nakita kong nagtaka ito.
"Ha? Parang ang aga ata ng pagpasok mo ngayong araw? Ang pagkakaalam ko'y alas diyes ang schedule ng una mong klase tuwing Lunes at Huwebes?"
Ngumiti ako kay Tatay at sumenyas na huwag siyang mag-alala.
"May kailangan lang po akong asikasuhin sa scholarship ko, Tay. Kaya maaga po akong papasok ngayon sa school. Iwas late na rin. Hehe."
"Ganun ba? Sige, hintayin kita at sabay na tayo sa pag-alis."
Pagkaalis ni Tatay ng kwarto, kumuha na ako ng uniform sa aparador at dumiretso sa cr. Matapos maligo, bumaba ako papuntang kusina at nakita doon si Nanay na nagkakape. Agad siyang ngumiti sa'kin nang makita ako kaya binati ko siya ng magandang umaga bago umupo sa'king upuan.
"Akala ko'y nagbibiro si Stefan nang sabihin niyang papasok ka ng maaga ngayong araw. May kailangan ka daw asikasuhin sa scholarship mo, anak?"
Pagkasandok ko ng kanin, saka ko lang sinagot ang tanong ni Nanay.
"Opo Nay. Oo nga po pala, nasaan po si Tatay?"
"Ayun, nasa likuran. Inaasikaso ang mga manok bago kayo umalis. Kahapon kasi'y napansin niyang nagkulang na naman ng mga sisiw ang isang inahin. Yun pala'y nasa kwarto mo lang. Kaya hiniram ni Stefan sa'kin ang susi ng kwarto mo para makuha sila."
Hindi ko alam pero bigla na lang ako natawa sa kwento ni Nanay. Madalas kasing may naliligaw na mga sisiw sa kwarto ko ngayong buwan at hindi namin alam kung bakit. Pwedeng dito tinatago ng inahin ang mga sisiw para hindi makain ng ibang delikadong hayop sa likuran. Pero alam mo 'yon, nakakapagtaka pa rin kung paano sila nakakaakyat sa kwarto ko.
Habang kumakain, nakita kong pumasok si Tatay ng kusina at umupo sa tabi ni Nanay. Sumabay siya sa'min kumain ng almusal at kwinento ang tungkol sa mga naligaw na sisiw sa'king kwarto. Tatawa-tawa namang tinapik ni Nanay si Tatay at sinabing kakakwento lang niya sa'kin iyon. Nagtataka namang tumingin si Tatay kay Nanay at kunwaring nagtampo ng kaunti dahil bakit daw siya inunahannsa pagkwento.
Matapos ang almusal, nagpaalam na kami kay Nanay na aalis na kami. Pagkasakay sa unahan ng jeep, sumunod na rin si Tatay sa driver's seat at maya-maya'y nakaalis na kami ng bahay.
BINABASA MO ANG
As You Find Me
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ A story about a commoner inside a very rich world right in time of her good college years in an extravagant Luxury Academy. Posted in Wattpad: April 6, 2019 Date Finished: October 13, 2024 Genre: Teen Fiction, Romance, College, Friends...