Chapter 45: It's Time

31 0 0
                                    

Deimos  
  
 
     
When I found my car at the parking lot, I went inside without looking back where I came from. Mukhang wala namang nakasunod sa'kin kaya kampante akong walang pipigil sa aking pag-alis.

My escape from the bar is smooth and hassle free. Kapag nagkita kami ni Mika, ililibre ko din siya upang magpasalamat. Without her help, I think I won't be able to leave the bar without anyone from them knowing what I've been keeping. Lalo na si Jock na ubod ng ligalig at mausisa na daig pa ang babae, hindi ako makakatakas doon. Kahit ramdam kong may alam si Clark sa pagtakas ko, sa kasamaang palad pero mas mapagkakatiwalaan ko pa ang huli.

Since it's already evening, I expected that it won't take long to get on the commoner's place. Wala pang isang oras ay narating ko na ang kanilang lugar kung saan madadaanan ko muna ang isang waiting shed bago makapasok sa loob ng kanto.
 
Pagkatapat sa kanilang tarangkahan, bumaba ako ng sasakyan at nagchat sa commoner na kadarating ko lamang. From the windows of their living room, I saw moving silhouttes that means they're already aware of my arrival.

Hindi nagtagal ay nakita ko na ang commoner na lumabas ng bahay kasama ang Mama niya. Kahit gabi na ay masigla pa rin ito kung kaya't nakangiti din ang kanyang Mama nang magpaalam siya.

"Mag-iingat kayo sa biyahe, Selyn. Hijo, ikaw na ang bahala sa anak ko."

Tumango ako bilang paggalang sa kanya.

"Yes, Ma'am. You can trust me."

Lumingon ang commoner sa bintana ng kanilang bahay kung saan nakamasid ang Papa niya. Medyo madilim sa kinatatayuan nito pero naaninag ko pa rin ang mukha niya.

Bago lumalim ang iniisip ko ay narinig ko na ang commoner na nagyayaya palabas ng kanilang tarangkahan. Ayon sa kanya, hindi na niya papasunurin ang Mama niya sa labas dahil gabing-gabi na. Um-oo na lamang ako at kahit gusto ko pang tingnang mabuti ang Papa niya na parang nagtatago sa bintana ay inalis ko na ang atensyon dito.

Habang naglalakad sa pathway, tanging mga kuliglig lang at mga naaapakan naming mga tuyong dahon ang maririnig na ingay sa lugar.

"I thought you have small poutry here?" tanong ko habang pinapakiramdaman ang paligid.

"Nasa likuran 'yon, Deimos. Hindi mo na din makikita ang mga manok ngayong oras dahil natutulog na sila."

Tumango ako sa sinabi niya.

"Sabagay."

"Gusto mo bang makita? Kung sakaling maliwanag pa, posibleng may makita ka miski isang manok o mga magkakasamang sisiw. Madalas ay sa kanto palang sumasalubong na sila."

I see. It means I should be careful in driving while visiting here. Baka may masagasaan ako na sisiw o manok. Kawawa naman.

Nang marating namin ang sasakyan ko, kinuha ko sa commoner ang ilan niyang mga gamit para itago sa compartment ng sasakyan. Nauna siyang sumakay sa loob ng kotse. Nang matapos ako sa likod, sumunod na din ako sa kanya.

"Natulog ako ng kaunti kanina para hindi antukin sa biyahe. Hehehe." sabi ng commoner.

"You can sleep if you already feel drowsy."

"Naku, ayoko. Ikaw lang ang magdadrive eh. Delikado kapag wala kang makakausap, baka makatulog ka din."

"I already have long drives before. Madalas ay tahimik lang ako sa biyahe. Hindi ako ko nakakatulugan ang pagmamaneho."

"Ganun ba?"

"But if you really want to talk, go on. Wala namang problema sa'kin. Mukhang hindi ka naman ata mauubusan ng energy."

As You Find MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon