Chapter 41: An Angel From the Sky

22 0 0
                                    

Selyn  
  
  
  
Lumipas ang isang linggo bago ko nakausap ang mga kaibigan kong sila Jeserie at Yrania. Medyo tumagal ang pagkikita naming tatlo dahil naging abala ako sa pamilya ko bago ko sila nabalikan sa naging problema.

Sa loob ng isang linggo, nakilala ko na ang mga kamag-anak ni Nanay noong umuwi kami sa kanilang probinsya. Gaya ni Aunt Nitta, tuwang-tuwa ang lolo at lola ko nang makita ako pati si Nanay. Hindi sila nagalit kay Tatay nang ipaliwanag ng huli kung bakit hindi sila nagparamdam sa kanila. Natuwa ako sa kabutihang loob ng lolo at lola ko nang sabihing naiintindihan nila ang naging desisyon ni Tatay. Napasalamat pa sila kay Tatay dahil kinaya niya kaming buhayin sa kabila ng simpleng buhay.

Nang datnan ko sila Jeserie at Yrania sa napagkasunduan naming coffee shop, tahimik silang dalawa kahit binati ko ang mga 'to. Ramdam kong nahihiya sila sa'kin sa kabila ng mga nangyari noon.

"Kamusta kayo? Sorry kung ngayon lang ako naging available." sabi ko sa kanila.

Si Yrania ang unang nasalita.

"Medyo hindi pa busy dahil kakasimula palang ng mga klase sa ibang subjects. How about you?"

"Si Sir Leaf ang pinakamasipag naming prof at sa kanya kami maraming school works. Sa iba, ayos lang din."

"I heard that Deimos was still your classmate even this term."

"Oo. Pero doon na lang kami madalas nagkakausap, bukod sa oras na kailangan kong tumulong sa college dept. natin."

Nang tumingin ako sa direksyon ni Jeserie, saktong tumunghay ito at nanatili akong nakangiti sa kanya.

"Ikaw Jes? Kamusta ka?"

Ilang segundo ang lumipas bago siya magsalita.

"Sorry, Selyn. Sorry kung nagsinungaling ako sa'yo."

Umiling ako para hindi siya mag-alala pa.

"Nabigla ako sa mga nalaman ko pero hindi ibig sabihin ay galit na ako sa'yo, Jes. Naguluhan ako dahil hindi biro ang ginawa mong sakripisyo para lang protektahan ang napagkasunduan niyo ni Clark. Gusto kong maintindihan kung bakit mo 'yon nagawa. Kahit wala akong kaalam-alam sa pinagmulan ng desisyon mong 'to, ramdam kong hindi mo intensyon na makapanakit ng ibang tao."

Nakita ko ang pagtingin ni Jeserie kay Yrania na sinuklian naman ng isang pagtango ng huli. Matapos bumuntong hininga, pinaliwanag ni Jes ang lahat-lahat.

Nalaman kong nagmula ito sa kasunduan niya sa isang tao na nakapagbigay sa kanya ng trabaho para matustusan ang mga panggastos niya sa araw-araw at pag-iipon ng pera dahil may sakit ang nanay niya. Ang taong ito ay galit na galit kay Clark dahil ayon sa kanya, niloko daw ng huli ang kaibigan nito. Upang maghiganti, binigyan niya ng trabaho si Jeserie nagpanggap ang huli bilang isang babae na madalas hanapin ni Clark sa bar nitong pinuputahan. Hindi na naikwento ni Jeserie ang actual niyang ginawa para malinlang si Clark at sa huli ay matagumpay niyang pagnakawan ito.

Sa kasamaang palad, nakilala siya ni Clark at biglang pagganti ng huli, binantaan niya itong sasabihin sa'kin ang ginawa nitong pagkakamali at may plano itong tanggalan ng scholarship para hindi na makapasok sa Luxury Academy. Ayaw ni Jeserie huminto sa pag-aaral kaya pumayag siya sa kondisyon ni Clark, na ibalik lahat ng ninakaw nitong mga gamit. Yun nga lang, ang gintong kwintas na isa sa mga kinuha niya ay nawala at binigyan siya ni Clark ng ilang buwan para hanapin ito.

Ayaw ni Jeserie na malaman ko ang ginawa niya kay Clark at para hindi daw ako magsuspetiya sa mabilis nilang pagiging malapit na dalawa, pumayag itong magpanggap bilang girlfriend ng huli. Naitago nila ang pekeng relasyon at nalaman ko lang ito nang mag-away sila ni Clark sa likod ng Accounting Building.

As You Find MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon