Chapter 36: Killing Your Feelings

31 0 0
                                    

Jeserie     
     
      
    
Pagkamulat ng mga mata, halos masampal ko na ang lalaking katabi ko dahil sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. Idagdag mo pa ang isa niyang kamay na nakayakap sa bewang ko na para bang pinayagan ko siya sa ganitong close proximity!

Kahit gusto ko na siyang itulak palayo, mabait pa naman akong tao at dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ni Clark. Noong makalayo ako ng kaunti sa kanya, humarap ito patalikod sa'kin at napabuntong hininga pa ako dahil hindi pa siya nagigising.

Nang makita ko ang aking phone na nakapatong sa side drawer, kinuha ko ito upang tingnan kung mayroong text or chat galing kay Yna. May kasalanan kasi ako sa kanya dahil hindi ko siya nainform na magkasama kami ni Selyn sa outing ng barkada nila Clark.

"Huh? Uuwi si Deimos ngayon kaya umalis ng resort si Selyn para samahan siya? Bakit? Anong nangyari sa kanya?"

Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang may biglang humablot sa phone ko.

"I knew it. We shouldn't have asked Deimos to come here if he's not yet comfortable to go out. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kanya matapos ma-stress dito."

Pagkatingin ni Clark sa direksyon ko, sinamaan ko ito ng tingin bago subukang bawiin ang phone ko.

"Aish! Ano ba?! Ibalik mo nga sa'kin 'yan!"

Ngumiti pa si Clark na parang nang-aasar kaya hindi ko mapigilan ang magalit.

"Return my phone! You jerk!"

Halos pabato na niyang ibinalik sa'kin ang phone kaya hindi ko pa rin tinitigilan ang titigan siya ng masama.

"You're just wasting your time cursing me on your head. Get up and dress already. We've been staying here more than half a day and they might really thought something's happening between us."

Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya hindi dahil sa paraan ng pananalita nito. Dinadagdagan niya talaga ang pagkaasar ko sa pamamagitan ng patuloy niyang pagbibiro magmula pa kahapon.

Noong pulutin niya ang kanyang t-shirt na nakakalat sa sahig, kinuha ko ang isang unan at hinampas ito sa kanya.

"What the f*ck?!"

"Can you quit that kind of humor?! Nandidiri ako sa'yong bw*sit ka! Get up and dress already?! Huwag mo nga gamitin sa'kin ang mga linya mo sa tuwing... aish! Basta, alam mo na 'yon!"

Inirapan pa ako ng walanghiya bago ibinato sa'kin ang unan na hinampas ko kanina. Aray ha! Gumaganti talaga siya sa mga babae!

"Ikaw lang sa'tin ang nag-iimagine na merong nangyari sa'tin kagabi. Look at you right now. You're only wearing your two piece na hindi naman bagay sa'yo. That's why I told you to dress up."

Bago magsink in sa'kin ang sinabi ni Clark, sinuot na nito ang t-shirt bago padabog na pumunta sa cr. Napahigit tuloy ako ng kumot nang maalala kung bakit ganito pa rin ang suot ko, miski si Clark kanina na topless lang.

Wait, kailangan ko ba talaga alalahanin yung kagabi? Wala naman kaming ginawa bukod sa lumangoy sa dagat after ko siyang higitin kasi gusto kong gumanti sa pang-aasar niya. Noong umahon kami sa dagat, sumaglit lang kami kila Mika na nag-iinuman kahit hindi pa lumulubog ang araw. When I become tipsy, niyaya ako ni Clark bumalik sa cottage dahil gusto na nitong magshower at magpalit ng damit. Parehas kaming pumasok sa kwarto at habang hinihintay siyang matapos sa cr, hindi ko namalayan na nakatulugan ko na ang swim suit ko.

My God! Why am I so reckless whenever I'm with him? What if ang hinala ko kay Clark ay isa talaga siyang hindi mapagkakatiwalaang lalaki? Jeserie, hindi ka nag-iingat sa mga taong tulad niya!

As You Find MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon