Cris
Since Hideo will go to Singapore tomorrow, we didn't invite him on our Boys Night Out for this week. Idadagdag ko rin na hindi lang siya ang kulang sa barkada namin sa kasiyahang nagaganap ngayon.As expected from Deimos, he quickly turned down Jock's invitation when he told him last time that we will have a Boys Night Out. Nagbakasakali kasi kami na mapapapayag niya si Deimos dahil matagal-tagal na rin noong nakasama namin siya sa inuman.
"Dude, cheers! Ah! Ito ang pinaka-paborito kong araw sa buong linggo. Matapos sa school, nagkaroon rin tayo ng oras upang magsaya."
The music is very loud in this place where we at pero dinig na dinig ko ang mga sinabi ni Clark kanina. Apat kaming mga lalaki na nandito sa bar pero parang siya lang ang tanging nagsasaya sa mga oras na 'to.
"Guys, why don't you have some fun? Hindi ba kayo natutuwa na malaya tayo ngayon?"
Sumasama ako sa kanila dahil ayokong maging killjoy sa mga kaibigan ko. Yun nga lang, hanggang pag-inom lang ang ginagawa ko hindi gaya ni Clark na laging naghahanap ng bagong babae tuwing pumupunta dito.Clark is obviously having fun while flirting with a random girl. With our other friends, magkakapareho kaming umiinom-inom lang. Dahil tahimik kaming lahat, aakalain mong may sarili kaming mga mundo.
After a minute, tumayo na si Clark habang nakaakbay sa kasamang babae.
"We'll go ahead now. Kung hindi man ako makabalik mamaya, good night! If Deimos wants to know where I am, just tell him that I'm busy."
Hindi na niya hinintay ang pagsagot namin dahil hinatak na siya ng kasama niyang babae palabas ng bar. Kaming apat ay naiwan sa lounge at hindi pa rin nag-uusap.
While waiting for the others to talk, sinilip ko muna ang phone ko para alamin kung nagchat ba si Vivian. Pasado alas singko pa lang kasi ng hapon sa France kaya alam kong gising pa siya ngayon.
As expected, may message siya sa akin. She told me to enjoy while hanging out with our male friends. Sa amin kasing magbabarkada, alam nilang Boys Night Out tuwing friday ng gabi.
"Gusto niyo pa ba ng inumin?" tanong ni Keisley out of the blue.
"I think the drinks are enough. Nabawasan na tayo ng isa eh. Mukhang tayo lang din ang uubos ng mga 'to dahil lugmok na ang iba nating mga kasama."
I'm referring to Jock, who's very gloomy, since he and Mika broke up last Wednesday and Shone, a friend of ours, who's now sleeping in the corner.
Uminom muna si Keisley ng beer bago magsalita ulit. By the way, Keisley is Arshiya's older brother. Nakagraduate na siya last year at full time barista siya dito sa bar.
"If you need something else, just call me at the counter. Babalik muna ako sa trabaho ko."
When he left our place, binigyan ko ng isang tadyak sa paa ang dalawa.
"There are only three of us left here. Kapag hindi pa kayo nagsalitang dalawa d'yan, yayayain ko na kayong umuwi."
Ang bagong gising na si Shone ay umayos ng upo samantalang si Jock ay nakatulala pa rin sa kawalan.
"Mukhang malakas ang tama nito ngayon." mahinang sabi ni Shone matapos humikab.
"Jock, if you won't do anything except from spacing out and letting yourself drunk, you can't get your relationship back on what it used to be."
Mula highschool, magkasintahan na sila Mika at Jock. Tanda ko pa noon na halos langgamin ang buong classroom nang yayain ni Jock si Mika maging girlfriend nito. Those days were the sweetest part of their relationship.
BINABASA MO ANG
As You Find Me
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ A story about a commoner inside a very rich world right in time of her good college years in an extravagant Luxury Academy. Posted in Wattpad: April 6, 2019 Date Finished: October 13, 2024 Genre: Teen Fiction, Romance, College, Friends...