CHAPTER 2

78 23 27
                                    

ATARA

Two hours! Dalawang oras na akong nakatulala dito sa gate ng skwelahan kasama ng ilan pang kabataan na kasabay ko ring dumating dito.

Sa labas ng napakalaking gate ay pansin na pansin na agad ang ganda nito.

Kulay ginto at may malalaking dyamante na nakadikit sa gilid. Buti hindi sila nananakawan. My gosh muka pa namang totoo.

Dahil sa lutang parin ang isip ko ay halos mapatalon ako sa gulat ng may mag salita.

"Welcome New Students! Lahat ay maari ng pumasok."

N-nag s-salita yung m-mismong gate! Is this for real?!

Nung mag bukas ang nagsasalitang gate ay halos hindi ako maka hakbang papasok. Kinakabahan ako na naeexcite!

Lumakad ako ng dahan dahan. Ganon din naman ang ginawa ng mga bagong studyante na kasama ko dito sa labas.

Okay Atara, this is it! Nung lahat kami ay nakapasok na ay hindi nako nagulat ng kusa ding sumara yung gate. Napatingin naman ako sa loob ng school (o school ba talaga to?) ay natulala na naman ako.

Goodness!

May mga fairy na lumilipad. Nakikita ko si Tinkerbell sa personal!

Mga bagay na nakalutang at ibang taong gumagamit ng kapangyarihan. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Gusto kong umiyak at mag party at the same time. All this time akala ko kami lang ng Mommy ko ang naiiba.

Mga limang minuto pa ang lumipas bago may lumapit saming babae. About my mom's age, I guess?

"Good evening newbies. I'm Adeline Floresca." Nakangiting sabi nya samin kaya medyo nabawasan ng kaunti yung kabang nararamdaman ko. "I will be your guide for tomorrow morning but now kaylangan nyo munang mag pahinga. Let's go? Ihahatid ko muna kayo sa magiging kwarto ninyo"

Thanks goodness at makakapag pahinga na ko. Masyadong naging mahaba ang araw nato para sakin.

SOMEOME'S looking at me. Ramdam ko yon kahit nakapikit ako.

But I'm sure na si mommy lang yon. Lagi naman nya yong ginagawa e, then after a minute ay sisigawan nya nako at papabangunin para kumain.

Pero iba yung nakita ko ng tuluyan ko ng idilat yung mga mata ko. Hindi sya ang mommy ko! Oh My God! May nakapasok sa bahay namin!

"Who are you?!" Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga dahil sa gulat. "Magnanakaw?! Tulong! May nakapasok na magnana-- hmmpp!" Bigla nalang tinakpan ng magnanakaw yung bibig ko kaya nahinto ako sa pag sigaw.

Baka hindi talaga sya basta lang magnanakaw! Baka mamamatay tao din sya. Mommy? Helpp!

"Hep hep! Teka nga. Magnanakaw agad? Diba pwedeng dorm mate muna?"

"Dorm mate?" Oo nga pala.  Ba't ko ba nakalimutan. Tss! Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwartong pintagtulugan ko, can't help but to be amazed. This room is just so beautiful! Just wow!

"Yes. Actually kanina ko pa hinihintay na magising ka." Biglang sabi nya kaya napabaling ulit ang tingin ko sa kanya at napakunot ang noo ko.

Wings UniversityWhere stories live. Discover now