ATARA
"Atara! Ang bagal mo naman mag lakad!" Naka ngusong sabi ni Daina habang ipinapadyak ang mga paa. Tss Can somebody tell me why Ms. Adel chose her to be my dorm mate?
Sa halos isang buwan na pag stay namin dito ay mas nakilala ko pa sya. Hindi rin naman pala ganun kasama na mag karoon ng ibang kasama bukod sa mommy ko. Maarte sya at maarte, yun lang yata ang katangiang nakikita ko sa kanya, feeling ko nga pati ako nahahawa na sa kanya dahil lagi kaming mag kasama.
"For sure sarado pa yung pupuntahan natin. Wag kang OA!" sabi ko sabay irap. Sanay na rin naman sya sa ugali ko kaya ayos lang na tarayan ko sya. Simula pa lang naman tinarayan ko na sya, walang bago don.
Sabay kaming naglalakad ngayon papuntang market. Wala na kasi kaming makain sa dorm namin, wala naman na schedule na gagawin ang mga new students kaya free kaming mag liwaliw.
"I'm not over reacting, okay? I'm really hungry. I just want to eat real foods. Two weeks na tayong nag di-diet!"
"Sino ba kaseng nag sabing mag diet tayo huh? Sino nag bawal mag dala ng heavy foods sa dorm?" Napanguso na naman sya dahil don kaya napairap na naman ako. Urgh! Please ilayo nyo ko sa kanya!
"Omyjiii girl, did you hear the news na ba? May bagong dating. Apat na lalaki. At ang gwa-gwapo daw"
"Really? Nasan daw? I want to see them girl. Baka pwedeng gawing jowa."
Sabay sila nag hagikgikan habang lumalakad palayo.
"What's that? Did you know that news ba Atara?"
"Nah, not interested." kaylan ba ko nag kainteres sa mga lalake?
"Eyy. I want to see them too. Please samahan moko?"
"Diba nagugutom kana. Let's go and buy some food."
"Ayoko. Tignan muna natin sila." Di ko na lang sya pinansin at nag tuloy tuloy sa paglakad.
Naririnig kong tinatawag nya ako pero hindi ko nalang sya pinansin. "What a bitch!" I stopped from walking for a second. Did I heard it right? Lumingon ako sa kanya dahil hindi pa naman ako nakakalayo masyado pero nakangiti naman sya sakin. Okaay? Maybe nagkamali lang ako ng dinig kaya nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad.
Nang masigurado kong malayo na ko sa kanya ay tsaka lang ako huminto sa pag lalakad.
At last, alone. I miss this, but I miss my mommy more. Di man lang sya tumatawag o text man lang. Nakakatampo.
Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko para sana tawagan na si mommy ng bigla nalang may bumungo sakin dahilan ng pag pagakakaupo ko sa mga damo.
"Aray!" Mag kasabay na sabi namin. Masama ko syang tinignan bago tumayo. Nagtaka pako ng makitang nakatulala na ito sakin, Sisigawan ko na sana sya pero naunahan nya na akong mag salita.
"Ingat naman miss!" maarteng sabi nya pagkatapos ng pagkakatulala. Teka bakit parang kasalanan ko?! Psh kalalaking tao daig pako kung mag react!
"Diba ako dapat nag sasabi nyan? Wag kang basta nalang susulpot bigla!"
Inirapan nya lang ako bago nag patuloy sa paglakad. Tsk bakla nga ata. Sayang gwapo pa naman.
YOU ARE READING
Wings University
FantasyAtara only wants to find her true self. Will she able to find it inside that magical university? A Fantasy story that will make you feel sad and happy at the same time.