ATARA
Maraming estudyante na ang nandoon ng makarating kami pero wala parin ang mga bago."Late na nga kami pero mas late pa sila, paimportante talaga." mahinang bulong ko.
"Tsk, wag ka na ngang magreklamo dyan girl, nandito naman na tayo kaya shut up kana, okay?" Sabi ko nga narinig nya yung mahinang bulong ko.
Ang init naman kase tapos nakabilad pa kami rito. Di ba uso gym dito? Kung pwede lang gamitin yung elements ko gagawin ko pero hindi kami allowed hanggat hindi pa nag sisimula yung klase.
"Omygod girls nandito na sila!"
"Ang gwapo ni Franco!"
"Sakin lang si Karl!"
"Renmar! Kyaaaah!"
"Sydrey please be mine!"
Mga mahaharot nato. Kung makatili akala mo naman artista na yung dumating.
Well, artistahin nga pero hindi naman ako ganun kababaw para tilian din sila. Pamilyar sakin yung isang lalaki pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita.
"SILENCE!" Malakas na sabi ni Ma'am Adeline dahilan kung bakit biglang tumahimik ang mga kababaehan.
"Bigyan nyo naman ng pagkakataong magsalita at mag pagpakilala ang mga bagong studyante. Boys introduce yourselves, please?"
Kahit naman hindi na mag pakilala yung mga yan okay lang dahil obvious namang kilala na silang lahat dito.
"Renmar, 19. Water"
"Franco, 18. Earth"
"Karl, 19. Ice"
"Sydrey, 19. Air and Fire"
Kaya pala pamilyar sya, sya kase yung maarteng bakla na nakabunguan ko kahapon. Sydrey pala huh?
Matapos nilang mag pakilala ay umingay na naman dahil sa tilian. Kamusta naman kaya yung tenga ko diba?
Pero sya pala yon. Yung may dalawang elements. I can't wait na mag simula na yung klase para mas makilala ko pa sila at masimulan ko na ang research ko tungkol sa buo kong pagkatao.
Dahil sa ingay ng mga maharot na babae ay wala ng nagawa si Ma'am Adeline kung hindi pabalikin kaming lahat sa dorm namin kaya walang tigil narin ang reklamo nitong kasama ko. Urgh! Maawa naman sana sya sa tenga ko!
"Ang haharot naman kase hindi ko tuloy natitigan ng matagal si baby ko!" nakangusong sabi nya. Tss maharot din naman sya.
"Kung maka sigaw kala mo wala ng bukas. Kainis!" Pumasok nalang ako sa kwarto ko kaysa makinig sa kanya.
Habang tumatagal ako rito ay padami rin ng padami ang mga tanong sa ulo ko. Pero kahit isa ay wala pa akong nasasagot.
Hindi ko hahayaang umalis sa lugar nato na wala akong nakukuhang sagot.
Nakaiinip. Nakakabagot palang tumulala ng ilang oras sa loob ng kwarto mo. Hindi nako makatulog gaya ng gusto ko kanina.
"Atara?" Rinig kong tawag ni Daina sa labas ng pinto ko.
YOU ARE READING
Wings University
ФэнтезиAtara only wants to find her true self. Will she able to find it inside that magical university? A Fantasy story that will make you feel sad and happy at the same time.