ATARA
Si Franco at Taryn palang ang nasa first group. Habang lumilipas ang oras ay lalo akong kinakabahan. Papa konti nalang ang natitira at wala paring nagbabago. Kami nila Mineya at Irina ay hindi parin natatawag."SILVER! Next, RENMAR please step forward" bakit parang contest naman yon. Hindi rin naman nag tagal ay pumunta narin ito sa harap. Isa sya sa apat na bago, kulay asul ang kanyang simobolo.
Lumapit si Renmar kay Franco at may binulong dito, tumango naman agad ito.
Pumunta sya sa pinaka gitna bago mag labas ng malaking bilog na tubig sa kanyang kamay.
Pinalibutan nya agad ng tubig ang kanyang katawan. Nag simula namang mag bato ng malalaking tipak ng bato si Franco dito pero walang epekto dahil kinakain lang ng tubig ang lupa nito at tinutunaw.Gumawa rin sya ng kung ano anong armas gamit ang tubig at makikitang sobrang pulido nito kaya ng sabihin na kung anong grupo sya nabibilang ay nag sigawan na naman dahil sa first group din ito.
"SYDREY SEVILE." Turn nya na? Mabilis syang naka punta sa harap.
Dalawang Primary Power ang nasa kanya kaya siguradong sa First sya mapupunta. Nadako ang tingin ko sa simbolo nya at napapanganga ng bahagya dahil pinag halong pula at pilak ang kulay nito. Napaka gandang pagmasdan.
Sydrey doesn't want to waste time dahil gumawa agad sya ng malaking buhawi. Makalipas lang ang ilang sandali, ang buhawing hangin ay napalitan ng napakalakas na apoy. Ilang beses itong umikot sa paligid nya bago unti unting humina at tuluyang mawala.
Akala ko ay mayayari na sya don pero muli nyang itinaas ang kamay at sunod sunod na nag labas ng fire ball sa gawi nila Franco, Renmar at Taryn. Agad namang kumilos ang tatlo, gumawa ng bakod si Taryn at Franco gamit ang lupa at sinubukan namang patayin ni Renmar ang apoy sa pamamagitan ng tubig.
Para kaming nanunuod ng isang totoong laban. Batuhan at iwasan lamang iyon pero halos mapanganga na kaming lahat. Sobrang galing nilang apat. Even Taryn, I didn't expect her to be that good.
Nang matapos ang munting palabas nilang iyon at muling nag kaingay ang paligid. Hiyawan at palakpakan galing sa manunuod.
Lumapit si Sydrey kay Ms. Aisle para malaman kung san syang klase nabibilang which is hindi naman na talaga kaylangan dahil obvious naman.
"FIRST!" Ako lang ba o talagang mayabang syang ngumiti pag katapos sabihing sa first din sya?
"ATARA MANOBAN"
Hindi maalis ang tingin ko sa kanya dahil sa inis. Kala mo naman sya yung unang napunta sa first group. Si Taryn kaya!
"ATARA?"
Pag ako din napunta jan, I swear hindi na sya makakangiti ng ganyan.
"Hey, ikaw na." nagulat pa ako ng bigla nalang sikuhin ni Mineya yung tagiliran ko.
"Huh?" Takang tanong ko.
"It's your turn." Si Irina na yung sumagot.
Teka ako na? Agad agad? Mabilis kong itinakip ang kaliwa kong kamay sa simbolo ko. Natatakot akong makita nilang kulay ginto ito.
Tumingin ako sa paligid at lahat nga sila nakatingin sakin, pati narin si Ms. Adeline at Ms. Aisle.
Mabagal akong nag lakad papunta sa harap. Nakita ko pang ngumiti sakin si Mineya at Irina habang tumango naman si Taryn
Hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Nanginginig lang ang buo kong katawan habang naka tayo sa harapan. What to do?!
Tumingin ulit ako sa gawi nila Irina at nakita ko silang nag 'aja sign' sakin. It means Fighting! I smiled a little because of that.
![](https://img.wattpad.com/cover/129948252-288-k634184.jpg)
YOU ARE READING
Wings University
FantasyAtara only wants to find her true self. Will she able to find it inside that magical university? A Fantasy story that will make you feel sad and happy at the same time.