ATARA
Malapit ng matapos ang ilang buwang bakasyon namin. Ilang araw nalang ay magsisimula na rin ang klase.Sa ngayon ay ipinatawag ni Ms. Adel ang lahat para sa isang pagpupulong.
"Finally, lumabas narin ang muse natin." nang aasar na sabi ni Taryn sakin. Isa sa dorm mate ko.
"Don't tease her like that, Taryn. Baka sabunutan ka na lang bigla nyan." Naka ngising sabi naman ni Mineya. tsk sa ilang buwang pag sasama namin kilala ko na sila. At mahilig talaga silang mag asar.
Inirapan ko lang sya ng pabiro.
"Enough gals, kaylangan nating pumunta sa silver tree ngayon." and that is no other than Irina. My gorgeous friend. Well lahat naman sila actually.
Kaming apat ang sama sama dito sa dorm.
Matapos naming kumain ay sabay sabay na kaming lumabas papunta sa silver three. Doon ang meeting place muna ng mga bagong student bago pumasok sa pinaka loob nitong school.
We are actually excited dahil finally mag kakaroon na rin kami ng access na libutin ang buong university.
Hindi naman nag tagal ay dumating na si Ms. Adeline.
"Good morning, students. Handa na ba kayong pasukin ang totoong mundo nyo?" Naka ngiting sabi nya na nag pabilis ng heartbeat ko.'Yes, I think I'm ready'
Sa isang kumpas ng kamay nya ay biglang nag bago ang paligid. Malaking palasyo na gawa sa ginto, mga kakaibang puno at elemento sa buong paligid at marami pang iba. At sobrang lawak nito. Kung ang dati ay malaki na pero mas triple yata ito.
Lahat ng studyante ay napa nganga kabilang narin ako.
"Welcome to Wings University" ang tinig na yon ang nag pa balik sa diwa ko. Si Ms. Adeline iyon at may kasama pang isang babae.
"Ako si Aisle, Ang taga pag pasya kung saang klase kayo nabibilang." klase? Anong klase? Muling nag kaingay ang paligid. Sari saring bulong ang maririnig.
"Mahahati kayo sa lima, mag sisimula sa mahina hanggang sa pinaka malakas. Ang kaylangan nyo lang gawin ay ipakita ang elementong hawak nyo"
"What? Hahatiin nila tayo?"
"No way. Pano pag napunta ko sa loser group?!"
"Tss, that's boring"
"Easy. I can ace that"
"I'll make sure I'll be on top"
May mga mayayabang ay may mga kinakabahan. Tss. Ano ba namang pakulo to? Bat di nalang nila hatiin sa dalawa? Primary and secondary. Easy right?
"Girls, Let's just hope na mapunta tayo sa iisang grupo. Good luck and always do your best." Irina said.
Ngumiti naman ako sa kanya at ganon din ang ginawa ng dalawa. "Yeah, good luck"
"The fifth group will be GRAY, yeah, just like color gray. Ang grupong ito ang responsable sa gawing timog ng paralan. Sila rin ay inaatasan ng karapatan na gumamit ng kapangyarihan sa loob man o labas ng paaralan."
"The fourth one is GREEN. Tungkulin nila ang kaayusan sa loob ng ating paaralan. Magsisilbing taga bawal sa lahat ng lalabag at bibigyan ng kapangyarihan upang mag bigay ng nararapat na kaparusahan."
"Third group is MAGENTA. Magsisilbing taga balanse at taga protekta ng unibersidad sa kahit na anong kapahamakan. Our human shield. Kapangyarihan nila ay ating kaligtasan"
YOU ARE READING
Wings University
FantasyAtara only wants to find her true self. Will she able to find it inside that magical university? A Fantasy story that will make you feel sad and happy at the same time.