Chapter3: my bed or my BED?

1.2K 8 0
                                    

yung picture ni Mary Rose ---------> look at her now. look at her now...

Si yummy gummy!!

"miss hatid na kita! Alam ko naman na hindi ka makakapagmaneho ng maayos e." pakikiusap nito.

"excuse me ? Do i know you? Hindi ko pa nga alam ang pangalan mo e ihahatid mo na ako. Baka mamaya may gawin ka pang masama sa akin" sinasabi ko habang nakataas ang kilay ko!

Tumingin siya sa buong katawan ko, napatigil yung mga mata niya sa dibdib ko. Tapos tumawa siya!

"sa tingin mo gagawan kita nang masama ? E flat nga yan e. tapos wala pang korte yung katawan mo. Im not interested!" panglalait niya.

"girl.girls youre both beautiful! Kanina niyo pa ako hindi pinapansin. Mabuti pa ako nalang ang ihatid niyo" si Jay

Nakasandal si Jay sa kotse niya. Siguro dito siya kumukuha ng lakas para makatayo. Namumula na siya alam kong mabilis siyang mamula kahit konti lang ang nainom niya.pero kanina parang wala nang bukas kung uminom siya. Alam ko din na hindi niya pinapahalata na hindi na niya kaya. Napatingin ako sa lalaking kanina pa nangungulit sa akin. Naisipan ko na sa kanya nalang ipahatid si Jay. Pero wala akong tiwala sa kanya. Magpapasama nalang ako sa kanya para ihatid tong si Jay! Tama! Para may taga buhat. haha!

Timingin ako kay yummy gummy. Parang alam na niya ang sasabihin ko.

"anyway my name is Russel Gomez! O yan kilala mo na ako siguro naman papayag ka na" nakangiting sabi nito.

Nagisip ako ng konti. Alam ko hindi magandang sumama kung kanikanino lang. Pero, bahala na basta ihahatid nalang muna namin tong si Jay.

"pwedebang ihatid nalang muna natin tong si Jay?" pakikiuasap ko.

Tumawa siya ng konti tapos tumingin ng makahulugan..

"sige, pero pumapayag ka din ba na ihatid kita ?"

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naihatid na namin si Jay sa Condo niya. Hindi ko siya pwedeng ihatid sa bahay nila dahil baka malaman ng mommy niya na naginom na naman. At baka kung anong isipin dahil may kasama pa kaming lalaki. Conservative kasi. Ganun din naman ang mga magulang ko. Dati nga sabi sa akin ng dad ko na kakalbuhin daw at ipapatigil niya ako sa pag-aaral kapag nalaman niya na may boyfriend ako. Yun tuloy! Patago kami ng bestfriend ko kapag may boyfriend kami.haha:)

"A penny for your thoughts, kanina ka pa jan tahimik. San ba kita ihahatid?"

San nga ba ? Sa condo ko ba o sa penthouse? Sa penthouse nalang. Mahirap na kapag sa condo. Pupunta si tita che para maglinis. Baka tanghaliin pa ko ng gising.

"sa Penthouse ko nalang sa Makati. Nasa Alabang kasi yung Condo ko."

It Started With a SignWhere stories live. Discover now