SUMMER
"Bye Mommy!" Paglabas ko ng taxi, iyan agad ang nadatnan ko.
Nakangiting nagpaalam ang school mate ko sa mommy niya. Nginitian naman siya nito at nag flying kiss.
"Love you, sweetie. Ingat ka ah?" Sabi ng Mommy niya at umalis na.
Bumuntong hininga ako. Naalala mo tuloy si Mama. Miss ko na siya.
Nandito na naman ako sa school. Ano kayang mangyayari sa araw na to?
"Ate, pahingi pong limang piso." Papasok na sana ako sa gate nang mapansin ko ang isang batang babae na nanghihingi sa ibang ka school mate ko.
"Eww! Don't touch me! Dun ka nga! Ang baho baho mo!" Maarteng sabi nung babae at itinulak ang bata. Medyo naawa ako sa bata. Ba't ayaw na lang niyang bigyan?
"Sige na po, ate. Gutom na gutom na po kami ng kapatid ko." Pagmamakaawa ng bata.
"Lumayo ka nga! Ang panget mo!" Sabi nung ka school mate ko at pumasok na sa campus. Naiwan naman yung bata na naka upo na sa semento at iiyak na. Lumapit ako sa kanya kasi naawa na talaga ako.
"Okay ka lang? Pasensiya na dun sa kanya, ah? Anong pangalan mo?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Medyo nahiya naman siya at umayos ng tayo.
"O...okay lang po." Narinig ko na kumulo ang tiyan niya kaya napaiwas siya ng tingin.
"Eto oh." Kumuha ako sa wallet ko ng 100 pesos at ibinigay sakanya. Biglang lumiwanag ang mukha niya pero napilitan naman ng hiya.
"Wag na po, ate. Nakakahiya." Sabi niya. Umiling ako.
"It's okay. Kailangan mo naman eh. Ako nga pala si Summer." Sabi ko sakanya na nakangiti.
"Salamat po ate. Ikaw lang po talaga ang mabait sa eskwelahan na ito. Gusto ko pong maging ikaw!" Masiglang sabi niya. Napatawa naman ako.
"Meron rin akong mga kaibigan na mababait. Wag kang mag-alala. Ipapakilala kita sakanila." Sabi ko sakanya. Ngayon ko lang na realize, mukha siyang si Janna. Ang ganda niya!
"Salamat po talaga ate Summer. Ako po pala si Ella."
-----
Naglalakad ako ngayon papuntang room. At nakita ko sa malayo ang grupo nina Pryce na nagtatawanan. Bukod kay TanTan, may isa pang nambubully sakin, si Pryce at ang grupo niya...Wala ng ibang madadaanan kaya no choice ako at dun dumaan sa harap nila. Nasa magkabilang daan kasi sila.
Papalapit nako at ramdam kong huminto sila sa pagtatawanan nang mapansin nila ang presensiya ko.
Didiretso na sana ako ng bigla akong binlackingan ni Pryce kaya namudmod ako sa semento.
"Pfft...."
"Ahaha...lampa talaga."
"Kawawa ka naman manang lampa! Pfft!"
"Ahahahahaha!"
Dinig na dinig sa buong pathway ang pagtawa nina Pryce kaya ang ibang estudyante ay nakitawa narin.
Tumayo nalang ako at hindi sila pinansin.
Pagkatapos ay dumiretso ako sa girl's comfort room. Pagkaharap ko sa salamin, kitang kita ko kung paano umaagos ang dugo ko sa bibig ko.
Umiyak ako saglit at hinugasan ang sugat ko sa bibig.
*Sigh*.
Masanay ka na Summer...Hindi, sanay ka na naman diba? Na ginaganyan nila?
Inayos ko na ang sarili ko at bumuntong hininga na lumabas sa comfort room.
Pagdating sa room ay nadatnan ko sina Janna na nag chismisan. Umupo nalang ako sa upuan ko.
"Hi Summer!" Bati ni Jiselle kaya naman nginitian ko siya.
"Okay ka lang?" Tanong ni Ellesse kaya tumango ako at pasimpleng tinago ang sugat ko sa bibig. Pero huli na pala ako.
"Wait, what happened to your lips?!" Gulat na tanong ni Janna at tiningnan ang bibig ko.
"Oh my!" Lumapit naman sina Ellesse...binawi ko agad ang mukha ko sa kamay ni Janna.
"What happened?!" Gulat na tanong ni Jiselle.
"O-okay lang ako..Wala to.." ngumiti ako ng pilit pero wa epek parin sakanila.
"Oh c'mmon Summer, sinong may gawa nito?" Galit na tanong ni Janna.
"Hindi kasi ako tumingin sa dinadaanan kaya namudmod ako kanina...wala lang to. Kaya wag kayong mag alala.." ayokong masali sina Janna sa katangahang ginawa ko na naman. Kung problema ko, problema ko na yun, ayokong may madamay na kaibigan sa ginawa ko.
"Oh, sige kunyari naniwala kami." Nakapamewang na sabi ni Ellesse.
"Wala lang talaga to. Hindi naman siya masakit eh. Pramis." Nag promise sign ako sakanya.
"Fine. Basta sa susunod, mag ingat ka ha?" Janna...I'm so happy na naging best friends ko sila. Na kahit hindi ako Mahal ni Tan, nandiyan sila para mahalin ako..
***
YOU ARE READING
All About Us_(Completed✓)
FanfictionI like him He doesn't like me I adore him He despise me I respect him He disrespects me I love him But he doesn't love me #LizKook