Chapter 4

503 25 0
                                    

SUMMER

1 week had past at natapos na rin ang project namin ni Rain, nung dati excited ako na makasama siya. Pero hindi ko pala kaya. Sinasaktan niya kasi ako emotionally, ang sweet kasi nila ni Trisha. Sana ako nalang si Trisha.

Nandito ako ngayon sa gym...linalaro ang bola ng basketball. Ishoshoot ko na sana ng may bumato sakin ng bola at sakto naman na sa ulo ko ito tumama kaya natumba ako.

"Aray..." Ang sakit ng braso ko..

"Pfft...ahahahahaha!"

"Kawawa naman.."

"AHAHAHAHAHAHA"

"Loser."

Napatingin ako sa mga tumawa, sina Pryce. Ano bang ginawa ko sakanila? Ba't ba nila ako ginaganito?

Napatingin ako sa may exit ng gym. At nakita ko sina Rain at Trisha. Nag smirk si Rain sakin. Gusto kong umiyak. Pero ayokong maging mahina.

Malakas ka, Summer diba?

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya. Sobrang sakit rin ng tuhod ko. H-hindi ko talaga kaya...

"Ano loser? Masakit ba? Gusto mo ulitin ko? Yung mas masakit pa?" Natatawang tanong ni Pryce. Hindi ko siya pinansin.

Sinubukan kong tumayo ulit at buti nalang nakatayo ako. Paika ika akong lumabas ng gym habang patuloy parin sa pag agos ang dugo sa tuhod ko...

Naglakas loob akong tumakbo sabay pahid ng aking mga luha..Wala akong pakialam kung may nakakita man sakin.

Ang sakit lang. Deserve ko ba to?

JISELLE

Nandito kaming tatlo ngayon sa bench sa tapat ng gym. Ewan ko kung asan si Summer. Nag mukmok na naman siguro.

Masaya kaming nagtatawanan ng may nakita kaming babae na umiiyak habang tumatakbo palabas ng gym.

"S-si Summer ba yun?!" Tanong ni Ellesse at tinuro ang babae.

Tiningnan naman naming mabuti yung babae. At tama siya, si Summer nga.  Maya maya lang, may lumabas na dalawang tao sa gym...si Rain and Trisha.

Tumayo si Janna at akmang susugod na sana pero pinigilan namin siya.

"Not now Janna..." Padabog naman siyang umupo pabalik sa bench.

SUMMER

Nandito ako ngayon sa bahay, ginagamot ang mga sugat ko. Oo umuwi ako, tumawag sakin sina Janna kanina at sabi ko naman masama ang pakiramdam ko. At buti nalang naniwala sila.

Habang ginagamot ko ang mga sugat ko, may biglang tumawag.

"H-hello?" Pagsagot ko sa tawag. Sininghot ko muna ang sipon ko ng dahil sa pag-iyak.

"Hi anak!" Bigla akong napangiti ng marinig ko ang boses ni Mommy.

"Hi Mom." Ngumiti ako ng peke para hindi halata. Kahit hindi naman niya nakikita.

"So how's school? Is it okay?" Bigla akong napahinto sa pag pahid ng sugat ko at bigla nalang rin tumulo ang aking mga luha.

*Sniff*

"Anak? Umiiyak ka ba?" Tanong ni Mommy.

"H-hindi po Ma, namiss lang po kita. Uhm...okay naman po sa school, ang saya po." Pagsisinungaling ko..

"Oah...how sweet of you..." Biglang tumahimik sandali.

"Uhmm...anak, may allowance ka pa diyan?" Tanong ni Mommy...

Napatingin ako sa wallet ko..Wala na pala akong pera.

"Meron pa po Ma...marami.." Pagsisinungaling ko ulit. Sorry ma, ayokong maging pabigat sainyo.

"Mabuti naman nak..Hindi kasi ako makakapag padala sayo. "

"Ano ba naman kayo Ma, okay lang. Ayoko naman maging pabigat sainyo eh..hehe.." ako

"Mahal na mahal talaga kita anak.
Mag ingat ka diyan ha?"

*Call ended*

Pinatay ko na ang tawag at pinahid ang mga luha ko.

Kailangan ko ng magtipid. Naaawa ako kina Mama. Kailangan ko munang magsikap para sa sarili ko.

RAIN

"Rain!" Napatingin ako sa magandang babae na nasa tabi ko.

"Hmm?" Sagot ko sakanya.

"Hindi ka ba naaawa kay Sum---" Bago siya makapag tapos ng salita, nagsalita na'ko.

"Curse that name of hers, Trish. Don't you ever say that name in front of me again." Saway ko sakanya.

"Pero....ayaw mo ba talaga sakanya?" Tanong niya. Napa smirk ako.

"Kahit ibaon mo pa sa lupa. Kahit na mamatay man ako, hinding hindi ako makikipag sunduan diyan sa kanya. Mark.My.Word." Naiinis na sabi ko.

"Okay." Sagot niya at ngumisi.

JANNA

Malapit na. Humanda ka sakin Rain.

*Kriiiiiiiing*

Tumayo ako at pumunta sa harap ni Rain. Sumunod naman sakin ang dalawa.

"Anong ginawa mo kay Summer?" Mahinahong tanong ko sakanya. Mahinahon pero diretso. Pasalamat siya marunong akong magpigil.

"Pwede ba? Wag mong banggitin ang pangalan ng lampang yun. Nakaka suka." Relax lang Janna, relax.

"What's wrong with you Rain?! Alam mo bang nasasaktan na ng sobra si Summer?!" Bulyaw ni Ellesse sakanya.

"*Smirk* So? Asan pake ko?" Cool na sabi niya kaya nasampal siya ni Jiselle. Yan. Pasikat kasi eh.

"Ang tigas talaga ng puso mo, Rain. Alam mo bang ginagawa ni Summer ang lahat wag lang umiyak sa harap mo? Hindi ka ba naaawa sa kanya?! Alam mo ba kung anong sabi niya nung tinawagan namin siya kanina? 'Bat ba ganyan si Tan sakin?'" Mahabang sigaw ni Jiselle. nagulat kami ng biglang hinampas ni Rain ang desk niya.

Pati ako. Bigla akong napatalon.

"Pwede bang paki sabi diyan sa kaibigan niyo na wag akong tawaging Tan?! Si Trisha lang ang pwedeng tumawag sakin niyan!" Sigaw niya kaya napa smirk ako...

"Bakit? Anong tawag mo kay Trisha?.........Chan?" Nagulat kaming lahat ng bigla siyang nagmura ng malakas. Pati si Trisha napa talon.

"The heck, HINDI NIYO ALAM NA NASASAKTAN RIN AKO!" Sigaw niya samin at umalis.

"Rain, wait!" Maarteng sigaw nung malanding Trisha at sumunod kay Rain.

Nahampas ko naman ng malakas ang mesa at nag walk out.

******

All About Us_(Completed✓)Where stories live. Discover now