JANNA
Nandito kami ngayong tatlo sa bench. Pati na rin ang tatlo naming kaklase na sina Faith, Grace, and Casey.
"Huy, alam niyo ba? Dadating daw ngayon yung bagong transferee." Biglang sabi ni Casey kaya napatingin kaming tatlo sa kanya.
"Transferee?" Takang tanong ko.
"Yep. Galing daw yun sa States." Faith. Talaga? Ba't di ko alam yun?
"Maganda ba?" Tanong ni Jiselle.
"Sobra daw." Mangha namang sabi ni Grace.
"Psh. Di yan. Alam kong hindi yan kasing ganda ng kuko ko sa paa." Sabi naman ni Ellese kaya napatawa kami.
"Pero siyempre kung ikukumpara yan Kay Summer, eh talo siya." Sabi ni Faih.
"*Smirk* Of course...si Summer yan eh..." Sabi ko.
"At balita ko raw childhood friend yun ni Rain." Muntik na akong maismid sa sinabi ni Grace.
Nagkatinginan kaming tatlo. Si Summer lang naman ang childhood friend ni Rain ah? So ano to, impostora?
Napatingin kaming lahat sa tapat ng gate ng campus...parang may bagong dating.
"OMG! Siya ba yun?"
"Yung transferee? Siguro."
"Ang ganda naman nung car!"
"Cool!"
Napatakbo kami bigla dun at nakipag siksikan sa mga tao.
"Excuse me excuse me..." Then finally, naka lusot kami. Nandito na kami sa pinaka harap.
Wow. Ang daming guards ah? And camera men? Anong ginawa nila dito? Artista ba tong transferee na to?
Biglang bumukas ang pinto ng van at iniluwa dun ang babaeng, maputi, mataas, mala model, maganda. Psh! So? Baka naman hipon girl yan.
Nagulat kaming lahat ng biglang lumapit si Rain sa babae at binigayan niya ito ng tatlong roses. Pero mas nakakagulat ang bigla niyang pagyakap dito. I never saw Rain like this before. Nakakapagtaka.
Bigla namang nag flash ang mga kamera at tila ba kinukuhaan ang moment nilang dalawa.
"B-bakit tatlo?" Tanong nung babae kay Rain. Ang pabebe naman nito.
"Because......I.Miss.You." Sabi ni Rain at nginitian ang babae. Naghiyawan naman ang mga tao.
Tiningnan ko sina Ellesse..Ang sama ng tingin nila kina Rain at sa babae...nilibot ko ang tingin ko ng may nahagip ang mga mata ko sa isang babae dun sa rooftop na naka tingin sa gawi nina Rain at biglang tumakbo. No! Hindi! Nagkakamali lang ako. Hindi siya yun. Baka namilik mata lang ako. Gosh! Kailangang ko siyang habulin!
SUMMER
*Click click*
Waaaah! Ang ganda ng mga nakuha ko!
Hello! Nandito pala ako ngayon sa rooftop. Kukumuha ng mga letrato. Rinig kong may mga naghihiyawan dun sa may gate. Ang transferee siguro yun.
Tiningnan ko ang mga letrato dito sa dslr nang mapansin ko ang isang kuha ko na para bang kumpol kumpol ng mga tao. Sa gate to ah?
Zinoom in ko lalo yung pic. Dalawang tao na nagyayakapan. Ang sweet naman nila. Sana ganyan rin kami ni TanTan.
Teka, parang familiar ang lalake dito ah? Tiningnan ko ito ng mabuti hanggang sa makilala ko kung sino yun. Si TanTan..Sino yung babae? Ang ganda niya.
Tiningnan ko sila sa may gate. Ang sakit. Ang sakit talaga.
Umalis ako dun sa pwesto ko at tumakbo paalis ng rooftop.
---
"Sum!" Biglang sigaw ni Janna pagdating nila dito sa room.
"Okay ka lang? Wala bang nangyari sayo? Umiyak kaba?" Mabilis na tanong niya. Anong nangyari kay Janna? Ba't parang natataranta siya?
"Ha? Anong umiyak?" Natatawang tanong ko. Ayokong malaman niya na may nakita ako kanina.
"Gosh. Salamat naman at hindi siya yun.. " bulong niya pero rinig ko parin.
"Bakit?" Tanong ko sakanya.
"A-ah...w-wala..." Biglang dumating si prof pati narin sina Ellesse, Jiselle at TanTan...Ang sakit parin...
"Please sit down class. We have a new transferee. Please get inside." Bungad ni Prof. Biglang may pumasok na isang babae. Wait, parang familiar siya ah?
"Hi, good morning! I am Patricia Laine Jacobs. Trisha for short. I'm here because I want to be with my my best friend again. And I want you to stay away from him. What is mine, is just mine okay?" Sabi nung Trisha. Napatingin naman ako kay TanTan at titig na titig siya kay Trisha.
Ang sakit.
"Okay, thank you. Please sit beside Mr. Scott please, as what you have requested earlier." Dali dali namang umupo si Trisha sa tabi ni Rain.
"Now class, we have a project and this is by pair. Blah and blah blah and blah...blah...blah...." Kami nalang tatlo nina TanTan at Trisha ang hindi pa natawag.
"Miss Allison and Mr. Scott." OMG! Totoo ba to? Ka partner ko si Tan!
"Yes." Bulong ko.
"Whut?! No! Dapat kami ni Rain!" Pagtutol ni Trisha.
"I'm sorry Miss Jacobs but bago ka lang. Hindi mo pa kasi naabutan ang lesson namin. But you can join them." Pagtukoy ni Sir samin.
"Urgh!" Pagmaktol ni Trisha at padabog na umupo.
Yeyy. Ang saya ko! Kinikilig naman ako!
"Wag kang kiligin. As if naman ginusto ko." Cold na sabi sakin ni Rain at nakipag harutan kay Trisha.
Okay lang na hindi mo gusto, at least makakasama kita kahit labag sa kalooban mo.
*****
YOU ARE READING
All About Us_(Completed✓)
FanfictionI like him He doesn't like me I adore him He despise me I respect him He disrespects me I love him But he doesn't love me #LizKook