RAIN
Sabado ngayon at naglalakad ako ngayon papuntang room. Walang pasok pero nandito kami dahil may aasikasuhin kami para sa event ngayong Monday.
Habang naglalakad ako, marami ang naka tingin sakin..
Pagdating ko sa room, lahat sila nasa upuan ko. Anong meron?
"Ayan na siya."
"Ayan na pala si Rain."
"Nakakaiyak naman."
"Wala na siya..."
Nagtataka naman ako sa sinabi nila.
"Rain..." Napatingin ako kay Janna, may inilahad siyang letter sakin.
"Ano to?" Tanong ko pagka tanggap ko. Siguraduhin lang nilang worth it to sa oras ko. Hindi ako mag-aaksaya ng panahon sa mga nonsense na bagay.
"Basahin mo." Medyo kinabahan ako pero kahit ganun, naglakas loob akong basahin ito.
Dear TanTan/Rain,
Bata palang tayo, gustong gusto na kita. Naging mag best friends tayo. Walang araw na hindi tayo magkakasama. Mula sa gusto naging mahal na ang pagtingin ko sayo. Sobrang saya natin. Okay na sana yun eh. Kaso nag migrate kami papuntang Korea. At wala kang kaalam alam. Sorry kung hindi ko sinabi sayo, pero kahit ganun, sinubukan kitang kontakin. Pero hindi ka sumasagot. 10 years passed at dumating ang araw na babalik na kami dito sa Pilipinas. Sobrang saya ko dahil makikita ko na naman ang best friend ko, ang Mahal ko. Pero huli na pala ng malaman ko na simula nung umalis ako, may iba ka na palang best friend. Ang bilis mong mag move on. Haha. Hanggang sa dumating yung araw na parehas tayo ng school...lahat ginagawa ko mapansin mo lang ako pero wala eh. Masasaktan lang pala ako. Pati na rin sina Pryce..binubully ako. Hindi na ikaw yung TanTan na nakilala ko. Nasasaktan ako pag may kasama kang ibang babae. Sobrang Mahal kita na naging possessive nako sayo sa isipan ko. Ano ba kasing ginawa ko? Okay lang kahit hindi moko pansinin, ngumiti ka lang sakin sapat na. Pero wala parin eh. Alam kong diring diri ka sakin. Alam kong naiinis ka sakin. Pero sana naman dumating yung araw na papatawarin moko...Mahal na Mahal kita TanTan tandaan mo yan. Pero siguro ako naman yung mag move on. Kahit kailan hinding hindi kita makakalimutan Tan, kasi Mahal kita.....Ngayon ang Flight ko papuntang ng Korea. Hindi ako sigurado kung babalik pa ako. Pero as if naman kung may pakialam ka sakin diba? Haha. Sana hanggang pagtanda natin wag mo parin akong kalimutan ha?
Love, Chan
Nakumot ko ang papel. Hindi. Hindi pwede...
Aalis na sana ako ng may pumigil sakin...
"Rain, dito ka lang..." Napatingin ako kay Trisha.
"The heck, Trisha pwede ba kahit ngayon lang lubayan mo ako?!" Sigaw ko sakanya at dalidaling pumunta sa parking lot.
NAIA...
"Sorry sir, hindi po talaga pwede.." pagpigil ng guard sakin.
"Please! Kahit ngayon lang po! May kailangan akong habulin!" Sigaw ko sakanya.
"Sorry talaga sir pero hindi po talaga pwede eh!" Pagpigil niya. Napamura ako.
"Please! Sandali lang naman to! May taong napaka importante sakin na kailangan kong habulin!" Pagmamakaawa ko.
Summer, please. Wag ka nang umalis!
"Last nalang po talaga Sir at hindi kami magdadalawang isip na dalhin ka sa prisinto." Padabog akong umalis dun at pumunta sa counter.
"Miss, anong oras po ba ang flight papuntang Korea?" Tanong ko.
Tumingin naman siya sa relo niya.
"1 minute lang po ang nakalipas."
"1 minute lang po ang nakalipas."
"1 minute lang po ang nakalipas."
"1 minute lang po ang nakalipas."
Huli na ba ako......Chan?
***the end***
YOU ARE READING
All About Us_(Completed✓)
FanfictionI like him He doesn't like me I adore him He despise me I respect him He disrespects me I love him But he doesn't love me #LizKook