Chapter 6

551 28 0
                                    

SUMMER

Tumakbo ako palabas ng caf at dumiretso sa paborito kong lugar.

Ang rooftop.

Pagdating ko dun, agad kong naramdaman ang napaka fresh na hangin. Linabas ko naman ang dslr ko at kumuha ng litrato.

*Click click*

"Anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako sa nagsalita.

Si Tristan.

"Tan-----" hindi pa ako nakapag tapos nang sumingit siya.

"Bat ka nandito?!" Medyo na iinis niyang tanong.

"Nag-----" lalapit na sana ako sakanya pero.....

"SABI KO BAT KA NANDITO?!" Hinawakan niya ko ng mahigpit.

"A-aray Tan...n-nasasaktan ako..." Sinubukan kong pumiglas pero ang lakas niya.

Nasasaktan ako.

"Diba sabi ko WAG MOKONG SUNDAN?!" sigaw niya.

"Hindi naman Kita sinusun------" nagulat ako sa bigla niyang ginawa at muntik ng bumigay ang mga tuhod ko.

*Boogsh crack*

Napa luhod ako ng tuluyan. Napaiyak. Napa hagulgol. Hindi...hindi pwede...ang dslr ko....bigay to ni Mommy sakin...

Wala akong pakialam kung nakikita niya akong umiyak, kahit humlakhak pa siya diyan...

Kahit iwan niya ako ng tuluyan.

May sentimental value to sakin. Sobra. Maraming kaming mga memories ni Tristan dito...iningatan ko to...pero wala na...sira na....

Sobra sobra na...tumayo ako at pinahid ang mga luha ko.

"Bakit Tan?" Tanong ko sakanya. Sige lang Summer, ilabas mo lahat ng sama ng loob mo.

"Bakit mo ginagawa sakin to?!" Hindi ko na mapigilan na sigawan siya.

"Ano bang ginawa ko sayo? Sainyo? Bat ba lahat nalang kayo ayaw sakin. Wala naman akong ginawa ah! Nagmahal lang naman ako Tan...nagmahal lang naman ako...." Napahagulgol ako ng tuluyan.

"Ang tanga ko talaga..hahaha. Alam ko namang hindi mo ko Mahal eh. At kahit kailan hinding hindi mo rin ako mamahalin..." Ang sakit lang masampal sa katotohanan. Ang sakit sa puso.

"Walang araw na hindi ako masasaktan. Sa labas o sa loob man. Okay lang naman sakin kung prankahin moko na ayaw mo talaga sakin at ipaliwanag ang lahat kung bakit para hihinto na talaga ako. Wag lang yung pinapahirapan ako ng ganito. Sobra na eh. Sobrang sakit na..." Pinahid ko ang luha ko...at nagsalita ulit.

"Bakit ba kasi Tan? Mga babae nga diyan na kumakandarapa sayo at lapit ng lapit, dikit ng dikit sayo wala kang ginawa. Ngunit ako na walang ginawa kundi mahalin ka ginaganyan mo. Ni kailan hindi mo nga akong magawang pansinin o nginitian man lang. Pinapasin mo nga ako pero para mo naman akong pinapatay sa mga masasakit na salita na binibitawan mo. Sabihin mo nga sakin kung bakit?! Sobrang sakit na eh!" Parang dinudurog ang puso ko. Parang unti-unti ako nitong pinapatay.

I'm fallin' to pieces.

"Tao rin ako Tan at maaari rin akong masaktan. Hindi kasi ako manhid, hindi kasi ako pusong bato tulad mo. Sadyang tanga lang talaga ako....hahaha...Ang tanga ko no?....napaka tanga ko..*sob*" Para akong baliw dito na tatawa tawa pero iiyak pagkatapos.

"Ang saya talaga pag pinag laruan ka noh? Yung binubully ka araw araw...Ang sakit, tagos hanggang buto...lapit ng lapit, layo ka ng layo...ganyan ako sayo. Akoy lalapit, ikaw ay lalayo. *Sob*....Ang sakit talaga dito oh!" Sabay turo sa puso at sinusuntok suntok ito.

"Parang unti unti akong pinapatay eh. Konti nalang at mag susurrender na....na experience mo na ba yun? Kasi ako, sobra...dati pa..." Patuloy parin ako sa pag-iyak. Kahit na Hindi na ako makahinga, linalabas ko parin lahat ng nararamdaman ko.

"Alam mo iyong feeling na ikinakahiya ka ng taong gusto mo? Yung pinapahiya ka sa harap ng maraming tao? Yung sinisigawan ka sa harap ng mukha mo? Minsan..
Tinatanong ko ang sarili ko, hihinto na ba ako? Pagod na ba ako? Pero hindi eh. Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Kasi alam ko, dadating ang panahon na papatawarin mo ako." Napapikit ako ng tuluyan. Sana mapapatawan mo pa ako, Tan.

"Kung hindi ka lang sana habol ng habol ng habol hindi sana mangyayari lahat ng to." Bigla niyang sabi kaya napa ngiti ako.

"Wag kang mag alala Rain...kasi simula ngayon, gagawin ko ang lahat makalimutan lang kita. Aalisin na kita sa puso at isipan ko. Salamat sa lahat. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Kahit papano, may parte ka pa sa puso ko. Dahil ngayon, alam ko na kung pano maging manhid, pano maging tanga. Pano magpaka manhid, pano magpaka tanga. Hanggang dito nalang...paalam." Sabi ko sakanya at umalis na ng rooftop.


RAIN

"Wag kang mag alala Rain...kasi simula ngayon, gagawin ko ang lahat makalimutan lang kita. Aalisin na kita sa puso at isipan ko. Salamat sa lahat. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Kahit papano, may parte ka pa sa puso ko. Dahil ngayon, alam ko na kung pano maging manhid, pano maging tanga. Pano magpaka manhid, pano magpaka tanga. Hanggang dito nalang...paalam." Sabi niya at umalis.

Ba't ganun? Diba dapat maging masaya na ako kasi sa wakas lulubayan na niya ako?

Pero...nung tinawag niya akong Rain, bat feeling ko ang sama sama ko ng tao?

Ganun na ba talaga kasakit yun sakanya? Kung ganun, edi hindi ko na problema yun.

SUMMER

Pumasok ako sa room at hindi binati ang mga taong bumati sakin. Kahit sina Janna.

Dirediretso lang ako sa upuan ko.

"Hi Summer!" Pero hindi ko parin sila pinansin.

"Anubayan, ang init init bat ang lamig?" Sabi ni Ellesse...Alam ko ako ang tinutukoy niya.

Hindi ko na sila pinansin at sinubsob nalang ang mukha ko sa desk.

***

Pagdating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko ng mag ring ang phone ko.

Si Mommy.

"Hello ma?" Bungad ko sakanya.

"Summer anak, kailangan mo nang pumunta dito." Mommy

****

All About Us_(Completed✓)Where stories live. Discover now