Chapter 4

557 8 2
                                    

Chapter 4

                Hindi na muling pumunta si Christine sa bahay nila Slater. Pero nagkikita parin naman sila ni Maggie paminsan minsan. Naging abala rin naman si Christine sa kanilang negosyo, may maliit na  negosyo ang kanyang mga magulang na naiwan dito sa Pilipinas kaya naman iyon nalang din ang pinagpatuloy nya. Isa itong Fashion Boutique, mga designs ng Mommy nya ang dating ibinebenta nila dito, pero dahil nasa America na ang ina, puro creations na nya ang makikita rito. Dress, Shoes, Bags & Fashion Accessories ay meron sila.

                Mabilis na lumipas ang isang buwan at nakabalik na nga ng Pilipinas ang mag asawang Alvin at Cindy. Ang mga magulang ni Cristine. Mga kaibigan naman ng mag asawang Salome at John Young.

                “Christine, may sasabihin sana kami ng Mommy mo sayo.” Isang gabi habang naghahapunan ay bungad ng kanyang Ama.

                “Sure, what is it po ba?” Tanong ni Christine.

                “We want you to meet sana yung mga kaibigan naming ng Mommy mo. Mga kaibigan naming sila since we we’re in highchool pa. May mga napagkasunduan kasi kami before, and we think its time para ituloy na yon.” Si Alvin ulit.

                “Is it business Dad?”

                “Christine, its more than a business.”

                “Ganon ba Dad? Okay, kailan po ba natin sila I mi meet?” tanong ni Christine.

                “Tommorrow night, We’ll having dinner with them sa Makati Shangrila. Its 7 pm. Make sure you’ll be there on time at anak, I know your beautiful na pero sana paghandaan mo ito. Medyo metikoloso kasi ang mga kaibigan namin.” Sabi ng kanyang ama na sinang ayunan naman ni Cindy.

                “Okay Dad, I’ll be there. “ Sabi lang naman ni Christine.

                Kinabukasan alas sinko palang ng hapon ay umuwi na si Christine mula sa opisina para paghandaan ang dinner kasama ang mga magulang at kaibigan nito.

                Ang mga magulang naman nya ay nauna na sa hotel. Nag check in narin kasi ang mga ito kasama ang mga kaibigan, dahil parang reunion narin nila ito matapos ang mahigit dalawang pung taon.

                Napili ni Christine isuot ay isang simpleng black dress, kaya naman lalong pumuti ang dalaga. Kita pa ang mga balikat nito dahil tube ang taas ng kanyang damit. Hapit hanggang beywang at lumuwang naman mula hips hangang taas ng tuhod. Maganda ang tabas ng kanyang damit na pinarisan ng black stilettos. Diamond earings at Diamond necklace naman ang suot nyang alahas na nagpa dadag naman ng pagka elegante pero simple nya ng oras nayon.

                Ang buhok naman nya na mahaba ay naka ka braid ng medyo maluwang, may mga iwan pa na iilang hibla ng kanyang buhok kaya naman nagmukha syang inosente. Simpleng make up lang din ang ginawa nya. Peach na lipstick at konting blush on lang. Nang makontento sa istura ay umikot pa sya sa salamin at muling pinagmasdan ang sarili.

                Nagwisik din sya ng pabango, pinili nya ng Bulgari Omnia Green Jade. Handang handa na sya. Bago tuluyang magtungo sa hotel ay tinawagan muna nya ang ina at sinabing papunta na sya.

                Samantalang si Slater naman ay kadarating lang sa Hotel, gwapong gwapo rin naman ito sa suot na suit. Hindi nya alam kung ano ang kakalabasan ng gabing ito. Ilan gabi rin nya pinag isipan ang lahat. Pag bibigyan nya lang ang mga magulang. Kikilalanin nya ang babaeng napili ng mga ito para pakasalan sana ni Luke, na kalaunan ay kanya rin naipasa.

CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon