Chapter 9

544 8 3
                                    

Chapter 9

                Sa narinig ay biglang na threaten si Slater. Hindi nya inaasahan na ganon ka vocal ang lalaking kaharap sa intension sa dalaga. Tumango lang si Slater sa sagot ng binata. Bigla sirang sira na ang gabi nya.

                Muli naiinis nanaman sya sa sarili. Hindi nya maintindihan bakit sya nag seselos, dahil hindi pa naman nya inaamin kahit kanino o kahit sa sarili na gusto nya ang dalaga. Pero sa mga pangyayari ay parang natatauhan na sya. Gusto nya ang dalaga at hindi mapadali na mapaibig ito. Maliban sa hindi nila pagkakasundo ay marami pa syang karibal dito.

                Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam na si Slater sa dalawa. “Salamat sa dinner, Mauuna na ako sa inyo. Baka nag hihintay narin si Maggie.” Paalam ng binata sa dalawang kasama.

                “Okay, pare. It’s nice meeting you.” Sagot naman ni Jake.

                “Okay Slater, ingat ka pauwi. Ingat sa pa da drive.” Hindi mapigilan ni Christine ang sarili na magpaalala rito.

                Medyo gumaan naman ang loob ni Slater sa paalala ni Christine. “Yes, thanks Tin tin. I’ll be careful. Uwi ka rin ng maaga ha. Huwag ka na magpagabi ng husto.” Humalik pa si Slater sa pisngi ng dalaga. At kinamayan muli si Jake.

                “Slater, kiss Maggie goodnight for me.” Nakangiting wika ng dalaga bago tuluyang umalis si Slater. Hindi rin maintidihan ng dalaga ang lungkot na nararamdaman. Parang ramdam nya ang bigat ng kalooban ng bagong alis na lalaki.

                Ngumiti naman si Slater sa dalaga. Pagdating ng bahay ay dumiretso si Slater sa kwarto ng anak anakan. “Hi Maggie.” Bati nya sa bata.

                “Hi Daddy.” Masayang bati ng bata sa bagong dating na ama.

                “How was your day baby?” Si Slater sa anak.

                “Good! Me and Tita Fretzie went to the park this afternoon. We played Hide & Seek.”  Kwento ng bata.

                “Good, have you eaten your dinner?” Si Slater muli.

                “Yes, Daddy.” Sagot ng bata.

                “It’s time to sleep na baby.” Si Slater at hinalikan ang bata sa pisngi. “It’s a goodnight kiss from Daddy.” At muling hinalikan ang bata sa isa pang pisngit. “It’s a goodnight kiss naman from Mommy.” Sabi ni Slater sa bata.

                Nagulat naman si Maggie sa sinabi ng ama. “Who’s Mommy?” Malaki ang mga matang tanong ng bata.

                “Your Mommy Christine.” Nakangiting sabi ni Slater sa bata. “Gusto mo ba syang maging Mommy?” Tanong ni Slater sa bata.

                “Yes Daddy. A big yes.” Nakangiting sabi ng bata.

                “Good, from now on Maggie, you have to call her Mommy. Okay?” Si Slater.

                “Yehey!” Masayang sabi ulit ng bata. “Does she really send those goodnight kiss for me?” Tanong muli ng bata.

                “Yes.” Si Slater.

                “I love you Daddy. Goodnight.” Masayang sabi ng bata at ipinikit na ang mga mata.

                Matapos makatulog ang anak ay nagtungo na si Slater sa kanyang silid. Pero dumiretso sa terrace para hintayin ang pagdating ng dalaga.

                Alas onse ng dumating ang dalaga. Hindi naman ito inihatid ni Jake dahil narin may dala naman sariling sasakyan ang dalaga. Nangmakapasok ng gate at matantsya na nakapasok na ng bahay ang dalaga ay pumasok narin sya ng kanyang silid ang naghanda na para matulog.

                Samantala sa tahanan ng mga Patrimonio. Si Yaya ni Christine ang nagbukas ng gate.

                “Christine, hinintay talaga kita kasi mag papalam ako sayo. Nagsabi na ako sa Mommy at Daddy mo. Uuwi muna sana ako sa probinsya. Mga 2 weeks lang naman. Bakasyon.” Ang sabi ng yaya nya.

                “Oo naman yaya. Wala naman problema sa akin yun. Basta babalik ka ha.” Malambing na wika ng dalaga.

                “Oo naman. Teka, saan kaba galing?” Tanong ng yaya nya.

                “I met, Jake. Kakabalik lang nya from Australia eh.” Si Christine.

                “Ow, date ba ito?” Tukso ng yaya nya.

                “Parang, pero ewan ko. Siguro.” Di tiyak na sagot ng dalaga.

                “Naku, ang alaga ko nakikipag date na. Paano naman si Slater?” Tukso ng yaya nya.

                “Naku naman ya. Labo naman nung si Slater. Wala yun.” Sabin g dalaga.

                “Ibig bang sabihin nyan si Jake ang mas may pag asa sayo?” Tanong  muli ng yaya nya.

                “Ya, gabi na. Magpahinga na tayo.” Iwas nya sa tanong ng yaya.

CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon