Chapter 11

601 9 5
                                    

Chapter 11

                Unang gabi na wala sila kasama sa mga bahay nila ay bumili si Slater ng dinner para sa kanila ni Christine.  Alas syete ng gabi ng mag doorbell sya sa gate ng bahay ng dalaga.

                “O, bakit nandito ka?” Nagulat na tanong ni Christine sa binata.

                “Dinner” Si slater itinaas pa ang dalang pagkain.

                “Hindi ka pa nag dinner?” Tanong ng dalaga.

                Umiling lang ang binata. Binuksan naman ni Christine ang gate at pinapasok ang binata.

                Pag pasok sa bahay ay si Christine na mismo ang nag ayos ng pagkain.

                “Actually nag dinner na ako, pero sige sasabayan kita. Sayang naman punta mo dito if ikaw lang din ang kakain.” Sabin g dalaga.

                “Kunyari ka pa dyan, sayang ang punta. Ang sabihin mo matakaw ka talaga.” Biro ni Slater.

                “Ang yabang nito.” Nakalabing sabi ng dalaga. “Sige ikaw nalang kumain. Sa sobrang takaw ko tumataba na nga ako.” Matamlay na sabi ni Christine.

                “Hala si Tin-tin biro lang, kain ka na. At saka hindi ka naman mataba. Tama lang kaya yan. Ang pangit kaya ng sobrang payat.” Si Slater.

                Ngumiti naman si Christine at masaya na silang nag dinner. Hindi nila maipaliwanag kung paano nagkakasundo sila ngayon. Hindi sila nag aaway. May mga oras na nag aasaran sila pero hindi naman sila napipikon bagkus ay may kilig pa nga sila nararamdaman.

                Matapos kumain ay nagligpit na si Christine katulong ang binata. Matapos ay ang timpla si Christine ng kape para sa kanilang dalawa at pumuwesto sa poolsideng bahay.

                Huminga ng malalim si Christine nang nakaupo na sila sa labas. “This is my favorite place.” Nakangiting sabi ng dalaga.

                Si Slater naman ay nananalitiling nakatitig sa dalaga. “This is my favorite spot” Sabi naman nito. Napangiti sya ng maalala ang araw na pinanood nya ang dalaga habang nag su swimming dito.

                Napalingon naman si Christine sa binata ng marinig ang sinabi nito, at parang nagtatanong.

                “Oo, this is my favorite spot. I saw you once na nag su swimming dito. That was a perfect scenery.” Matapat na sabi ng binata.

                “Binobosohan mo ba ako?” Si Christine na tila sinisita si Slater.

                “Binobosohan ka dyan? Feelingera ka Tintin.” Natatawang sabi ng binata.

                “Yabang mo.” Si Christine kay Slater.

                “Pwede ba maki swimming ngayon?” tanong ni Slater.

                “Bahala ka.” Si Christine.

                “Dali na swimming tayo.” Anyaya ng  binata.

                “Ayaw ko, ikaw nalang.” Sabi ng dalaga.

                “Huwag na nga.” Sabi ni Slater na tila nagtampo.

                “Ang arte, konsensyahin pa ako. Sige na nga. Magpalit lang ako.” Tatayo na sana ang dalaga ng bigla sya buhatin ni Slater at tumalon na ito sa pool kasama sya.

                Sa sobrang gulat naman ni Chrsitine ay napayakap sya sa binata.

                “Ang salbahe mo talaga.” Inis na sabi ni Christine ng nasa tubig na sila. Pero nananatiling naka yakap sa binata. Habang ang mga mga braso naman ni Slater ay nakayakap parin sa dalaga.

                “You’re so beautiful Christine.” Puno ng paghangang sabi ng binata.

                “I know.” Sabi nalang ng dalaga para hindi mahalata ang kabang nararamdaman.

                “Yabang!” Sabi naman ni Slater sa biro ng dalaga.

                “Bakit? Totoo naman ah. Ikaw rin naman ang nag sabi. Si Mama, si Anthony si Jake. Lahat sila nagagandahan sa akin.” Biro pa ni Christine.

                “Naniwala ka naman? Si Tita natural na magagandahan sayo. Si Anthony at Jake, binobola ka lang non.” Sabi ni Slater.

                “Ikaw talaga, panira ka.” Nakalabing sabi ng dalaga. Bumitaw sa binata at nag langoy palayo.

                Sumunod naman si Slater sa kanya. Nang abutan ang dalaga at sumisid ito at hinila ang paa ng dalaga. Kaya naman napasigaw ito.

                “Loko ka talaga, lulunurin mo pa ako.” Sigaw ng dalaga.

                “Hahaha. Huwag ka mag alala hindi ka malulunod. Lulutang ka kasi para ka ng salbabida.” Pang iinis ni Slater.

                “Bwisit ka talaga. Hindi naman ako ganon kataba” reklamo ng dalaga.

                “Hahaha” Tawa naman ng tawa si Slater.

                Matapos ang ilang oras na pag lulunoy sa pool ay pilit ng pinauwi ni Christine si Slater.

                “Oi, umuwi ka na nga, pagod na ako. Gusto ko ng matulog.” Si Christine.

                “Grabe ka Tin tin, kung makapag palayas ka ng bisita?” Reklamo si Slater.

                “Hindi ka naman bisita. Sige na uwi ka na.” Pilit ni Christine.

                “Oo na uuwi na ako.” Naka simangot na sabi ni Slater. “Hindi man lang ako natuyo, tingnan mo o basang basa pa ako.” Reklamo parin nito.

                “Buti nga sayo. Kasalanan mo yan” Si Christine.

                Tatalikod na sana si Slater para umuwi ng mag ring ang phone ni Christine.

                “Hello Jake?” Si Christine, nakapag pabalik naman kay Slater at nakinig sa usapan ng dalawa.

                Nangmakita na bamalik sa Slater ay tinakapan pa nga ang phone para hindi marinig ni Jake na may kausap sya. “Ano? Bakit hindi ka pa umaalis? Uwi na.” Si Christine kay Slater.

                “Bakit kasi tumawag pa yan?” Usisa ni Slater sa dalaga.

                “Ano naman ngayon?”

                “Sige enjoy mo lang pagiging single mo, pag nakasal kana, hindi na yan makakalapit sayo.” Si Slater.

                “Sige na. Uwi  na.” Pagtataboy ulit nya sa binata.

                Wala na nagawa si Slater kundi ang umuwi na.

CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon