Chapter 17

340 5 2
                                    

Chaptep 17

                Sa kabilang banta ay inis na inis naman si Christine sa sarili. “Bakit ba kasi pinuntahan mo pa yung lalaking yun?” inis na sabi nya sa sarili. “Wala talaga, wala talaga aasahan kay Slater. Christine huwag ka na umasa sa lalaking yon.” Pilit nya kinukumbinsi ang sarili.

                Maya maya pa ay may tumatawag na sa cellphone nya. Si Slater.

                “Muka mo, akala mo kakausapin kita?” Sabi nya sa cellphone na patuloy na nag riring. Ayaw nya talaga makausap o makita manlang si Slater. After ng lahat ng effort nya, iyon lang pala ang mapapala nya.

                Sa sobrang inis ay I ni off nya nalang ang cellphone at nag desisyon na umuwi na.

                Pagdating sa bahay ay sinalubong siya ng ina. “Oh, you’re early?” Gulat na sabi ng kanyang ina. Sanay ang mommy nya na hindi nya umuuwi during working hours.

                “Masakit kasi ulo ko Mommy, magpapahinga muna ako.” At dali dali na sya nagkulong sa kwarto nya. Hindi rin sya bumaba para maghapunan. Nag panggap sya na natutulog na.

                Pag dating ng alas syete ng gabi ng dumating si Slater sa bahay ng mga Patrimonio.

                “Good Evening Tito Alvin, Tita Cindy. Pwede po ba makausap si Chrsitine?” Alanganin na sabi nya sa mga magulang ng dalaga.

                “Naku sorry Hijo. As much as I wanted na makausap mo ang dalaga namin, hindi pwede ngayon. Siguro bumalik ka nalang bukas. Maaga kasi natulog, masama daw kasi ang pakiramdam nya.” Si Cindy sa binata.

                “Bakit Slater? May problema ba?” Tila nanunukat na tanong ni Alvin sa binata.

                “Naku, wala naman po, may misunderstanding lang po kasi kami ni Christine.” Nahihiyang sabi ng binata.

                “Slater, boto kami sayo, pero kung papaiyakin mo lang ang dalaga naming, mabuting layuan mo nalang sya.” Banta ni Alvin kay Slater.

                “Tito Alvin, hindi naman po tayo aabot sa ganon, nangangako po ako, hindi ko po sasaktan ang anak ninyo.” Turan ni Slater habang diretsong naka tingin sa mga mata ni Alvin. Tila sinasabing sinsero sya sa kanyang mga sinasabi.

                “Bumalik ka nalang bukas, tulog na si Christine.” Iyon ang isinagot ni Alvin sa binata.

                Walang nagawa si Slater kundi ang umalis nalang muna.

                Kinabukasan ay maagang pumasok si Christine kaya naman hindi na sya muling inabutan ng binata ng muling dumalaw ito sa bahay nila. Isinubsob ni Christine ang isip sa trabaho para hindi na nya maisip ang inis kay Slater.

                Lunch time na nang tumigil si Christine sa pag gawa ng mga sketches dahil nakaramdam narin sya ng gutom.

                Nagtungo sa isang restaurant kung saan puro asian dishes ang isi ni serve. Nasa entrance palang sya ng nasabing restaurant nang makita nya si Slater, at muli kasama nanaman nito si Dennise. Tamang tama naman na napalingon si Slater sa gawi niya at nakita ang kanyang pagdating.

                Akmang lalapitan sya ng binata ng nagmamadali syang umalis ng lugar na iyon. Hindi nya matatagalan na mag stay sa isang lugar kasama ang dalawang iyon. Sa isip isip ng dalaga. Dahil nawalan narin ng gana kumain kaya dumaan nalang sya sa isang drive thru na fast food chain at bumili nalang ng makakain dahil wala na nga sya dinner kagabi pa at hindi pa sya ng breakfast.

CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon