Chapter 16

592 9 7
                                    

Chapter 16

                Ilang araw ang lumipas ay hindi nagpapakita o nagpaparamdam manlang si Slater kay Christine.

                “Nakakainis talaga yang lalaking yan! Gusto mag pakasal pero ilang araw na hindi naman nagpaparamdam, paano naman ako maniniwala sa kanya?” Ito ng mga naiisip ni Christine tuwing naaalala nya ang binata at ang pag babalewala nito sa kanya.

                Ilang araw din nag isip si Christine kung tatawagan nya ba o pupuntahan si Slater. Aminado sya sa sarili na mimiss nya ang binata. Isang araw ay napag desisyunan nya na puntahan ito sa opisina nito at dalhan ng lunch, katulad ng mga ginagawa ng binata dati sa kanya.

                Dahil sa kagustuhan na manumbalik ang maganda nilang samahan at para narin makita ang miss na miss ng binata at naglakas loob na syang gawin ito, bahala na kung ano ang isipin ni Slater.

                Nag ayos sya ng sarili at nagpaganda pa lalo para mapansin ng binata bago ng tungo sa opinisina nito dala ang inihandang pagkain para sa binata. Pagdating sa opisina nito ay ang secretary nito na si Adel ang humarap sa kanya.

                “Nandyan ba si Slater?” magalang nyang tanong sa secretary ni Slater.

                “I’m sorry maam but he’s out for lunch.” Malungkot na sabi ng Secretary nito.

                “Ganon ba? Can you give this nalang to him pag balik nya.” Malungkot na sabi ni Christine. Nag effort pa sya para mag luto at mag paganda hindi naman pala sila mag aabot ng binata.

                “Sige maam ibibigay ko po sa kanya. Pero sino po ang sasabihin ko na nagbigay?” Si Adel parin, ngayon lang nya nakita si Christine kaya hindi nya kilala ito. Pero unang kita palang nya sa dalaga ay gusto na nya ito. Maganda at mukhang mabait, bagay sa kanyang amo, sa isip ng secretarya.

                “Just tell him galing kay Christine.” Nakangiting wika ng dalaga.

                “Ms. Christine Patrimonio?” Nagulat na tanong ng secretarya.

                “Yes.” Si Christine ulit.

                “Naku Maam, ang ganda ganda nyo pala.” Bulalas nito.

                “Naku, salamat.” Nakangiti nyang wika kahit na hindi nya maintindihan bakit parang kilala sya ng babaeng kaharap.  Magpapalam na sana si Christine ng biglang dumating ang ama ni Slater na si John.

                “Christine, hija. I’m happy to see you here.” Masayang bati nito sa kanya.

                “Hi, Tito.” Bati nito at bumeso pa sa ama ng binata.

                “Si Slater ba ang dinalaw mo dito.” Nakangiting tukso pa nito sa kanya.

                “Si Tito talaga, ilang araw na rin po kasing mukhang busy si Slater.” Nahihiyang sabi ng dalaga.

                “Have you seen him?” Tanong ulit ng matandang Young.

                “He’s out po pala for lunch.” Si Christine.

                “Ows! sayang naman pala ang dalaw mo, why don’t you come to my office nalang muna. Lets have a lunch nag pa order narin naman na ako at nang magkausap rin naman tayo.” Imbitasyon naman ng ama ni Slater.

                Kahit gusto ng umalis ni Christine ay pumayag narin sya sa imbetasyon nito. Nahihiya rin kasi syang tanggihan ang matalik na kaibigan ng kanyang mga magulang.

                Makalipas ng 30 minutes ay masayang nag kukwentuhan naman sina Christine at Tito John. Maraming istorya ang matanda tungkol sa kanyang mga magulang. Kung paano niligawan ni Alvin ang kanyang ina. Ang mga patagong dates ng mga ito. Aliw na aliw si Christine sa mga kwento ng ama ni Slater.

                Samantalang kakarating lang ni Slater kasama si Denniese, ng salubungin sya ng sekretarya nya.

                “Sir, ipinabibigay po ni Maam Christine. Hindi po nya kasi kayo inabutan kanina.” Sabi ni Adel sabay abot ng pasalubong ni Christine sa kanya.

                “Nagpunta dito si Christine?” Hindi makapaniwalang sabi ng Slater. Parang tumalon ang puso nya sa sinabi ng sekretarya. Nakalimutan din nya na kasama nya si Denniese ang dati nyang nobya.

                Hindi pa nakakasagot ang sekretarya nya ng lumabas sa opisina ng kanyang ama si Christine. “Bye Tito John, salamat po sa masarap na lunch.” Masayang sabi nito at paalam sa ama ni Slater. Nagulat pa sya ng matapos mag paalam kay Tito John ay makita si Slater. Pero ang mas ikinagulat nya ay ang nakitang kasama nito. Si Denniese.

                “Ang walang hiya, kaya pala hindi nag paparamdam, may pinagkakaabalahan.” Inis na inis na sabi ng dalaga sa isip.

                “Christine..” Tawag ni Slater sa dalaga.

                “Hi, I have to go.” Bati at paalam ng dalaga. Hindi nya kayang harapin si Slater ng sandaling iyon. Masamang masama ang loob nya. Kanina lamang ay nilunok nya ang pride nya ng siya pa ang dumalaw dito. Hindi nya inaasahan na madadatnan nya si Slater na may kasamang ibang babae at si Denniese pa ang dati nitong nobya at kinaiinisan pa nya.

                “Wait” Si Slater ulit.

                “I really have to go Slater. Kailangan na ako sa shop. Just see you around. Bye. “ Iyon lang ang nagmamadali ng umalis ang dalaga.

                Matapos naman ang ilang minuto na makaalis ang bisita ni Slater na si Denniese ay nagtungo si Mr. John Young sa opisina ng kanyang anak.

                “I’m not happy na nangyari ngayon Slater.” Bungad nito sa anak.

                Hindi naman sumagot si Slater, alam niya ang tinutukoy ng kanyang ama. Maging sya ay hindi rin gusto nag nangyari. Minsan lang dumalaw si Christine pero nagkaproblema pa.

                “I think tama ka, mas makakabuti nga siguro kung hindi nalang matuloy ang kasalan sa pagitan nyo ni Christine.” Malungkot na wika ng kanyang ama.

                Nagulat naman sya sa sinabi ng ama. “Dad? Are you givin up on me?” Hindi makapaniwala si Slater.

                “No son, actually I just realized na instead na mapalapit lalo ang mga pamilya natin at ng mga Patrimonio ay baka masira pa pag ipinilit naming ang kasalan.” Si John.

                Umiiling si Slater. Hindi nya matanggap na pati ang ama ay ayaw na sa kasalang sila mismo ang nagplano.

                “Slater anak, gustong gusto ko si Christine para sa iyo. Pero sa nakikita ko, masasaktan lang sya. Hindi dahil wala ako tiwala sayo kundi natatakot ako sa nararamdaman mo. You havn’t found the one siguro na mamahalin mo, maybe its not Christine.” Malungkot paring sabi ng ama.

                “Pero Dad, I’ve told you before, just give us time.” Si Slater.

                “No need Slater. I’ve also learned to respect you son. Tama ka, may sarili kayong buhay. Hindi naming dapat pangunahan iyon. Don’t worry kakausapin ko ang Tito Alvin mo. .” Iyon lang ang umalis na si John.

                Sa isip ni John. Mabuting bata si Christine, kahit sasandali palang nya itong nakikilala. Mabuting tao ang mga magulang nito, kaya naman hindi nila deserve ang masaktan at ayaw niya ang magkasira ang dalawang pamilya.

CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon