Chapter 1

845 8 1
                                    

Chapter 1

                Isang araw habang nagkakagulo ang mga estudyante ng St. Therese Academy sa canteen nito ay umagaw ng pansin ang awayan na nagaganap sa pagitan ni Christine Patrimonio at Denniese Serapio. Aksidente kasing nabuhos ang juice ni Christine kay Denniese ng nabungo si Christine ng isang estudyante sa likod nya.  Kasalubong ni Christine si Denniese ng mabunggo sya kaya naman sa kaharap na dalaga nabuhos ang juice na dala ng dalaga.

                “I’m so sorry Denniese.” Hinging paumanhin ng dalaga sa kaklase.

                “Anong you’re sorry? You intentionally do that. Tapos now you’re sorry?” Mataray na sigaw ni Denniese.

                “May nakabunggo sa akin kaya natapon yung juice.” Paliwanag ni Christine.

                “Muka mo.” Galit parin si Denniese.

                Nang makita ni Fretzie ang pagtatalo ng dalawa ay lumapit na ito, para pigilan si Denniese, nakita nya ang mga pangyayari at alam nya na walang kasalanan si Christine, aksidente lang yun.

                “Ate Denniese aksidente ang nangyari. I saw it, it wasn’t intentional.” Paliwanag si Fretzie.

                Sakto naman ang pag dating ng nobyo si Denniese, para sunduin ang nobya.

                “What happen here?” Tanong ni Slater ng makita ang pagtatalo ng mga babae.

                ”Ito kasi eh!” Turo ni Denniese kay Christine. “Binuhusan nya ako ng juice.” Sumbong nito sa nobyo nya.

                “Look Denniese, I told you it was an accident, and I’m sorry.” Si Christine.

                “Sinadya mo, dati pa galit ka na sa akin, kaya I know sinadya mo yun!” Sigaw ulit ng dalaga.

                “Kuya, listen. I saw everything at wala kasalanan si Ate Christine.” Singit ni Fretzie, si Fretzie ay nakakababatang kapatid ni Slater.

                “Okay, stop it na.” Si Slater pero hinarap nito si Christine. “Miss, next time, pwede mag ingat ka naman. “ matapos sabihin yun ay si Fretzie naman ang hinarap. “Ano sasabay ka ba pauwi?” tanong nito sa kapatid.

                “No!” mataray na sagot ni Fretzie sa kuya nya.

                “Fine.” Si Slater naman sa kapatid. “Let’s go Denniese ihahatid na kita” baling naman nito sa nobya.

                Inirapan muna ni Denniese si Christine bago tuluyang lumayo kasama si Slater.

                Nang maiwan sina Christine at Fretzie. “Nakakainis talaga yang si kuya, naniwala nanaman sa maldita nyang girlfriend.” Gigil na sabi ni Fretzie.

                “Kuya mo pala ang boyfriend ni Denniese?” tanong ni Christine sa dalaga.

                Magkakilala na talaga sina Christine at Fretzie. Fourth year college na si Christine samantalang first year college naman si Fretzie. Kaibigan ni Fretzie ang pinsan ni Christine na si Ivan kaya naman nakilala nya ang dalaga.

                “Oo, sana nga mag break na sila. Yang si Kuya Slater talaga lagi nalang sablay. Nakakainis na talaga sya.” Reklamo ni Fretzie.

                “Tama na, okay lang yun. Kuya mo yun, mas matanda sayo kaya, huwag mo pagsalitaan ng ganyan.” Si Christine.

                “Kasi naman noh, napakalayo ni Kuya Slater kay Kuya Luke.” Si Luke naman ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid.

CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon