Chapter 7

560 9 3
                                    

Chapter 7

                “Feeling mo naman pinagseselos kita? Don’t you get it? I’m doing everything, as in everything matakasan lang ang plano ng mga parents natin.” Sagot ni Christine sa pang iinis ng binata.

                “Don’t worry Christine, pwede naman tayo magplano ng sabay. Huwag mong solohin para hindi ka sumasablay.” Pang iinis parin ni Slater.

                “Fine! Sablay na kung sablay. Pero wala ako tiwala sayo. Bwisit ka talaga!” Hindi maitago ng dalaga ang inis sa kausap.

                “Hep, hep tama nayan!” awat ni Carlo sa dalawa. “Look oh, pinapanood kayo ng bata.”

                “Tama, nagugutom narin ako, may klase pa ako later kuya, kaya pwede mag lunch na muna tayo.” Sang ayon naman ni Fretzie sa kanila.

                Lumabas na nga ang lahat para mag lunch. Habang kumakain ay pinagmamasdan parin ni Slater si Christine. “Ang ganda nya talaga, at ang sarap nya inisin.” Sa isip ng binata.

                Si Christine naman ay hindi na nagsasalita, wala rin sya gana kumain dahil sa inis kay Slater.

                “Kuya, don’t you remember? Si Ate Christine sya yung pinsan ni Ivan na sinungitan mo noon dahil sa juice na natapon kay Ate Denniese?” Paalala ni Fretzie sa insidente 1 year ago.

                Nagkatinginan naman sina Christine at Slater. Hindi na nagulat si Christine dahil noon palang ay hindi na nya nakalimutan ang binata. Samantalang si Slater naman ay ngayon lang naalala. Kaya pala parang pamilyar ang dalaga sa kanya.

                “Yah, right. Siya nga yun. Yung clumsy.” Muli gusto nanaman inisin ni Slater si Christine.

                Si Christine naman ay inis na inis na, pero dahil alam nya na ikatutuwa ni Slater pag napikon sya ay mas pinili nya nalang manahimik. Matapos ang ilang minuto ay nagpaaalam na si Christine.

                “I have to go, may mga designs pa ako na kailangan tapusin. Kailangan ko na bumalik sa shop.” Paalam nya sa mga kasama.

                “Are you sure, ni hindi ka pa nga nakakakain?” Si Carlo.

                “Okay na ako. I really have to go. Carlo send my regards to Wendz, tell her  I’ll see her soon.” Sabi nya kay Carlo. Matapos kay Carlo ay kina Fretzie at Maggie naman nagpaalam “Bye, Fretzie. I’m so happy to see you again, just keep in touch. Bye Maggie.” Paalam na nya at umalis na. Hindi sya nag paalam kay Slater, ni hindi nya ito nilingon.

                “Hala…lagot ka Kuya. Galit sayo fiancé mo.” Panunukso ni Fretzie. Na ikinagulat naman ni Carlo.

                “Fiance?” Tanong ni Carlo sa magkapatid.

                “Oo fiancé ko si Christine, kaya ikaw dumistansya ka. Pasalamat ka kilala kita kundi malamang nasapak na kita kanina.” Bantang biro naman ni Slater sa kaibigan.

                “Teka, paano nangyari? I don’t even know na mga girlfriend ka ngayon? Kahit si Christine, I know maraming nanliligaw sa kanya, kahit ako nanligaw don kaya lang basted, pero wala sya boyfriend tapos ngayon fiancé mo sya?” Hindi makapaniwala si Carlo.

                “Ganyan ka tindi ang charm ko” Biro ni Slater.

                “Hay, naku Kuya puro ka kalokohan. Masyado mo inisin si Ate Christine. She’s nice and vey pretty, bahala ka mamaya nyan sa sobrang inis nyan sayo, hindi ka na talaga pansinin.” Paalala ni Fretzie.

CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon