Chapter 14

616 9 6
                                    

Chapter 14

                Ng gabing yun ay sa bahay ni Christine natulog si Slater. Ipinagamit sa kanya ng dalaga ang isang guest room ng pamilya.

                Nagluto si Christine ng dinner para sa kanila at sabay sila kumain. Bago matulog ay panay ang paalala ni Slater sa dalaga. “Double lock mo yung door ng kwarto mo, never open it pag may kumatok. Itabi mo parati yung cellphone mo. Tawagan mo agad ako pag may naramdaman ka na kakaiba. Is that clear?” Paalala ni Slater.

                Tumango Lang ang dalaga at ngumiti. Masaya talaga sya dahil ramdam na nag sinseridad ng pag aalala ni Slater sa kanya.

                “Don’t hesitate to call me pag may kailangan ka.” Si Slater ulit.

                “Thank you Slater, I owe you a lot. Thank you.” Ang nasabi nalang ng dalaga.

                “No problem Christine. Good night, sige na pumasok ka na sa kwarto mo.” Utos ni Slater.

                “Nighty night Slater.” Sabi ni Christine sabay halik sa pisngi ng binata.

                “Pumasok ka na, goodnight” Pilit ni Slater sa dalaga. Natatakot din kasi si Slater na baka hindi nya na mapigilan ang sarili nya kung hindi pa papasok ang dalaga. Kanina pa nya ito gustong yakapin at huwag ng pakawalan pa.

                Pumasok na nga si Christine sa loob, nang masigurado ni Slater na naka lock na ang silid ng dalaga ay pumasok narin sya sa guest room ng bahay.

                Hindi makatulog si Slater ng gabing iyon, lalo na at naiisip nya na nasa kabilang silid lang ang dalaga, samantalang si Christine naman ay himbing na himbing sa pag kakatulog.

                Kinaumagahan ay pumasok sila ng sabay. Inihatid ni Slater si Christine at napag kasunduan nila na susunduin din sya ng binata pa uwi. Ganito ang naging routine nilang dalawa, minsan pati lunch time ay dumarating pa si Slater para sabay sila mag kumain.

                Mabilis na lumipas ang isang linggo at nakabalik na ang kanilang mga pamilya. Sobra ang pag aalala ng mga magulang ni Christine ng malaman ang nangyari. Naggalit pa nga ang mga ito nung una dahil bakit daw hindi sila sinabihan. Pero dahil sa paliwanag naman nila Slater at Christine na hindi naman iniwan ng binata ang dalaga ay nakampante narin naman ang mga magulang nya.

                Ilang araw din na hindi nagpakita si Jake sa dalaga dahil nag punta daw ito ng Palawan. Lunch time ng muling dumalaw si Jake sa opisina ng dalaga. Nag uusap ang magkaibigan ng dumating si Slater kasama ang anak na si Maggie.

                Iritable nanaman si Slater ng makita, na nauna nanaman si Jake sa kanya ng oras nay un. Naging kampante rin sya dahil hindi nag papakita ang karibal ng mga nagdaang araw kaya naman hindi nya inaasahan na muli itong makikita sa opinisa ng dalaga.

                “Mommy!” Excited naman na bati ng bata kay Christine.

                Nanlaki naman ang mata ni Christine sa itinawag sa kanya ng bata. Habang si Jake naman ay naubo ng marinig ang bata. Si Slater naman ay lihim na napangiti. Sa isip ni Slater “Buti pala naisama ko si Maggie.”

                “Hi Maggie, how was your vacation? Did you enjoy the beaches in Cebu?” Nakangiti naman nyang tanong sa bata.

                “Yes Mommy, sayang wala kayo ni Daddy. Sobrang saya at ang dami namim pinuntahan.” Pagkukwento ng bata.

                “Sayang nga, busy kasi kami. Pero next time promise sasama na ako.” Si Christine sa bata.

                “Yehey! Sasama si Mommy! Ikaw Daddy sasama Karin diba?” Baling naman nito sa amaamahan.

                “Ofcourse, sasama ako. Para buong pamilya na tayo.” Nakangiting sabi ng binata.

                “Anak mo pare?” Hindi mapigilan na tanong ni Jake kay Slater.

                “Yah! Anak namin ni Tintin.” Pang iinis ng binata sa karibal.

                Tumingin naman si Jake sa dalaga, na tila naghihintay ng paliwanag.

                Ngumiti lang si Christine kay Jake. Hindi sya pwede magpaliwanag sa harap ng bata. Ayaw nya magulo ang isip ni Maggie kung sasabihin nya ng harap harapan na hindi nya ito anak. Baka isipin ng bata na ayaw nya rito kaya naman pinili ni Christine ang hindi sagutin ang katanungan sa mga mata ni Jake.

                “Me and Maggie came here to invite you sana na maglunch, miss na miss ka na raw nya eh.” Si Slater sa dalaga.

                “Sige, na miss ko narin kasi si Maggie. Jake join us nalang sa lunch.” Paanyaya nya sa isa pang bisita.

                “Hindi na, mauuna narin ako. May pupuntahan parin naman ako eh.” Sabi ni Jake at tumayo na.

                “Are you sure? Lunch time na oh. Join us na pare.” Si Slater kay Jake.

                “Thank you. Pero next time nalang.” Si Jake. Nagkamayan pa ang dalawang lalaki bago tuluyang umalis si Jake.

CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon