Chapter I

1.2K 32 2
                                    


Jayeanne did her best para maging maayos ang unang pagpasok niya sa office na inaplayan niya. Ayaw niyang maging katawa-tawa o mag mukhang talagang walang experience. This is her first work experience after her graduation. Mabuti na lang maswerte siyang natanggap agad sa company na inaplayan niya.

She wanted to make an impression sa mga magiging officemate niya. A good impression to be exact.

Umupo na siya sa assigned post niya. As one of the accounting clerk. Dito sa Accounting Department.

Maganda naman ang table niya at may sariling computer. Malakas pa ang air-conditioning.

First day pa lang pero marami ng paper works. Siguradong magiging abala ang buong walong oras niya.

Lunch break na. Naisipan ni Jayeanne na sa labas na muna kumain kasi wala pa siyang gaanong friend sa office. May mga nag invite naman sa kanya sa pantry ng office kumain. Kaso wala siyang baon o take out food.

"Next time na lang ako sasabay sa inyong kumain guys. Sa susunod may lunch na akong dala rin. Para maki bonding. To know all of you well. By the way, thanks sa invitation. Sa labas na muna ako kakain." Pagpapaalam niya. Inayos na muna niya ang mga gamit sa table at lumakad na papuntang elevator palabas ng opisina.

After ng lunch busy na ulit ang lahat ng mga empleydo. Nasa kani-kanilang mga cubicle na sila.

Hindi namalayan ni Jayeanne na hapon na pala. Malapit ng mag-uwian. Hindi pa naman kailangang mag overtime kasi kaya pang gawin on time.

Time to go home. "Officemate! Saan ang way mo? Tanong ng isa sa mga kasama niya sa department. "Sa Paranaque pa ako" sabi ni Jayeanne.

"Ako nga pala si Marie. Magkatabi tayo ng cubicle. Hindi kita maistorbo kanina kasi busy tayong lahat. Deadline ng mga ginagawa natin. Hindi tuloy tayo makapag chikahan. Ikaw kilala na kita. Jayeanne right?". Sabi ni Marie. Tumango lang si Jayeanne at ngumiti. Tinanong niya ito kung saan ba ang way ni Marie. Nagkasundo silang dalawa na lagi na silang sabay umuwi dahil taga alabang ito.

In her first day at work. Nagkaroon agad siya ng kaibigan. Parang kailan lang dati mga classmate niya ang kasama ngayon offimate na.

Isang sikat na company ang pinapasukan ni Jayeanne sa Ortigas. Sunrise Enterprises Inc. Local and International ang operation. "I'm just lucky to be in this company. Maraming nagsasabing mahirap makapasok dito. Lalo kung wala ka pang experience."

Malapit na siyang bumaba. Hindi namalayan dahil sa kakaisip. Samantalng ang katabi niya himbing na himbing ang tulog at nakapatong pa ang ulo sa balikat niya.

Tinapik niya ito upang sabihing bababa na siya. Nagising na si Marie at umayos ng upo. "Sige ingat ka ha?".
"Salamat. Ikaw din. Baka makatulog ka ulit wala ka ng kasama. Sige bye baba na ako. Bukas ulit". Sabi ko. Ngumiti at tumango lang ito kay Jayeanne.

"Hay...salamat at malapit na akong makarating sa bahay. Nakakapagod din. Masakit na nga ang balakang ko sa maghapong kakaupo at pag encode sa computer. Pero okay lang. At least may trabaho kesa tambay sa bahay di ba?". Sabi ni Jayeanne sa sarili niya.

Pinara na niya ang trycicle na sinasakyan niya. Eksakto mismo sa gate ng bahay nila.

***************************
Please like and comment

Feel free to write your comments and questions.

Note:

To fully understand the story. Please read the first story Mr. Torpe meets Ms. Mahiyain.

Mr. Torpe meets Ms. Mahiyain Book 2 (A Promise to keep) is the continuation of their story.

Thank you.

Enjoy and happy reading.

Mr. Torpe meets Ms. Mahiyain Book 2 (A Promise To Keep)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon