Krriiiing!!! Krriiiing!!!.......
"Ano ba yan...ang ingay- ingay". Reklamo niya habang kinakapa sa side table ang alarm clock.
Pero bigla siyang napa balikwas. "Naku!!..may work na pala ako". Sabay tayo at pumunta sa banyo.Lumabas na siya para mag-almusal. Tamang tama may naamoy na siyang nagluluto. Siguradong ang mabait at masipag niyang Mudra. Ugali na nitong gumising ng maaga para ipaghanda sila ng almusal bago pumunta sa school o sa trabaho.
"Wow!!...smells good. Anong breakfast menu natin ngayon Ma?". Tanong niya. Nakangiti ito ng makita siya. Nakaayos na ang mesa. May sinangag na maraming bawang na gustong-gusto ko naman. Sunny side up na egg at cheese hotdog. Alam na alam talaga ng Mama niya ang favorite breakfast niya. Siguradong marami siyang makakain ngayon.
Inabutan siya nito ng pinggan. "O hayan. Kumain ka na para 'di ka ma-late sa trabaho mo". Sumaludo siya sa Mama niya at sinimulan ng kumain.
"Grabe, busog na busog ako." sabi ni Jayeanne. "I think Ma, kahit mamayang lunch. Hindi pa rin ako gugutumin. Matagal pa 'tong matutunaw sa tiyan ko."
Malawak na ngumiti si Mama. "Natutuwa naman ako at nabusog ka. O siya, maligo ka na. Para makapag bihis ka na. Sige na. Bilis na." pagtataboy niya sa anak.
Nasa biyahe na si Jayeanne. Nakaramdam ito ng antok. Siguradong dahil sa dami ng kaniyang nakain.
Hindi nga nagkamali. Ilang sandali lang ay nakatulog na siya. Naistorbo ang tulog niya sa isang sigaw. "Crossing na. Yung bababa ng crossing pwede ng bumaba." sigaw ng kundoktor.
Feeling niya nasa bahay pa siya sa sarap ng tulog niya. Pasalamat na lang at hindi tumulo ang laway sa pagkakatulog.
Bumaba siya at naglakad na papuntang office. Malapit lang naman at maigi na rin yun. Kasi para medyo matunawan na rin ng konti at magising.
Nakarating na rin sa wakas. Wala pa yung iba kong ka officemate. Maaga pa talaga. Makakapagligpit pa ako ng gamit ko at maayos ko na agad yung mga tatrabahuin ko.
Pero nagulat si Jayeanne ng may biglang nagsalita. "Wow!! ang aga naman ng aming new officemate. " Pasigaw na sabi ni Marie.
Tugon niya, "Uy! andyan ka na pala. Hindi kita napansin.
"Nag CR ako. Kaya siguro hindi mo ako nakita. Kararating ko lang din. Nauna lang ako ng konti sa'yo. Maaga akong pumasok baka abutan ako ng traffic. Alam mo na...". Nagsusuklay si Marie ng buhok at naupo na sa kanyang pwesto.
Siya naman ay nagsimula ng pumindot sa keyboard ng kanyang computer. "Maganda rin yung maagang magsimula para maaga ring matapos." bulong ni Jayeanne sa sarili niya.
Masaya naman ang kaniyang routine araw- araw. Nakasanayan na rin niya ito.
Nakakapagod minsan. Pero sulit naman pagdating ng payday. Sabi nga nila. Bayad na ang paghihirap mo.💜💜💜
Jayeanne treat her sister on her first salary. She took her on a pizza parlor that she loved the most.
Naging masaya ang bonding nila. Her sister told her, "Pag ako naman ate ang nakatapos at nagkatrabaho. Ako naman ang magti-treat sa'yo". Nakangiti lang si Jayeanne while her sister is boasting about her future plans.
Lumipas ang oras at napagod na silang dalawa mag-ikot. Napagpasiyahan na nilang umuwi na. Kasi may pasok na sila bukas. Ang hirap pa namang magbiyahe pag lunes.
Out of the blue. Her sister ask Jayeanne. "Ate!". Tumingin siya na may pagtataka sa mukha. Sagot niya "Bakit? Ano yun?".
"May balita ka pa ba tungkol kay Kuya Mike?" Nakatitig siya sa ate nito.
Nagulat siya sa tanong nito. Hindi siya makapag salita. Dapat ko pa bang alamin kung nasaan na siya o dapat ko na bang kalimutan. Wala na akong alam tungkol sa kaniya. Simula ng kalimutan niya ako. Mike...nasaan ka na nga ba?. Tanong niya sa isip nito.
***************************Please vote and add me to your reading list or follow me if you like my stories.
I'll be glad to make more stories that you will enjoy to read.
Write your comments and questions. I'll make sure to answer it.
Thank you everyone!!!!!!!!
Happy reading........................
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤📖📖📖📖📖📖📖📖📖📖📖
BINABASA MO ANG
Mr. Torpe meets Ms. Mahiyain Book 2 (A Promise To Keep)
RandomCan a promise be kept for a long time? What if, kung ito ay sadyang kinalimutan na. ❤❤❤ Will you wait and be faithful to a promise that you kept holding on? With no assurance kung ito man ay matutupad or just let the fate...