Prologue

29 1 0
                                    

PROLOGUE

Grade 7 pa lang ako nung napansin kong may gusto sa akin si Edward Tamayo. Oo, grade 7. Si Edward ang isa sa mga crush ng bayan lalo na dito sa school namin. Halos lahat ng babae e nagsisitilian kapag siya na yung naglalakad sa corridor. Alam mo yun? Hindi lang pala sa movie nangyayari yun. Sa sobrang paghuhumaling nila kay Edward e sinabi nila na siya ay epitome ng isang Prince Charming.

Basketball player siya at singer kaya naman sa tuwing may laban siya e todo nood ang mga babae sa amin. Tapos kapag nakapuntos, sigawan na. Nananalo rin siya sa mga singing contest. Pero ang galing ah? Pwede siyang magdribble habang kumakanta. Hihihi.

Nagsimula ang lahat nung magkatabi kami nung grade 7. Mabait siyang katabi, hindi naman madaldal at hindi rin naman makalat. Naalala ko nun kapag wala akong baon at nakastay lang sa classroom, bigla niya na lang ako bibilhan kahit walang pasabi. Tapos sa tuwing kumakain ako, nakatingin lang siya sa akin with matching ngiti. Kita mo yan? Grade 7 pa lang kami n'yan ah pero ang landi hihihihi.

Makikipagkwentuhan siya sa akin habang kumakain. O kaya naman mangangamusta siya. Nagbibiro pa nga siya eh. Di ko lang alam kung benta mga jokes niya.

"Saan nagtatrabaho ang isda?"

"Hmmm....saan?"

"Edi sa offish! HAHA!!!" sabay tawa siya nang malakas.

Alam mo yun, mas marami pa ata sa hibla ng buhok ko yung beses na nagbiro siya.

"Uy may joke ako!" natatawa niyang sabi.

"Hmmm ano naman?" tanong ko.

"Anong english ng balon?"

"Eh? Balon? 'Di ba english na yung balon?"

"Hindi!!! Yung balon! Yung may tubig!"

"Ahhhh," nagisip ako kahit wala akong isip. "Well?"

"Tama! Ano naman english ng balong malalim?"

"Deep well" mabilis kong sagot

"Mali!"

"Hala? Edi ano?"

Tumawa muna siya ng 20 seconds siguro bago niya sabihin yung joke. Ganun talaga siguro kapag masaya ang buhay 'no?

"Edi very well! HAHAHAHA!!!" napanguso na lang ako. "Ang cute mo kapag ganyan ka!"

Minsan naman, nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin tapos nakangiti.

"Bakit?"

"Wala..."

"Bakit nga???"

"Wala nga!!!"

"Sus, alam ko namang nakakatawa mukha ko 'no hmp."

"Hindi ah. Nakangiti ako ngayon kasi napagtanto kong ikaw yung piiiiiinakamagandang seatmate sa buong buhay ko."

"Ay weh?"

Mapagbigay si Edward. Ultimo pad paper, sa kanya galing. Kapag naman ihahati yung pad paper, willing siyang lawayan sa gitna para hindi na ako kumilos. Nararamdaman kong maraming naiinggit.

"Uy akin na lang yang may laway ni Edward! Bigyan kita ng isang plastic ng pad paper!"

"Akin na lang yan! Bayaran ko yan!"

"Wow. Sana ako na lang ikaw!"

Hindi ko makakalimutan yung pagiging mapagbigay niya lalo na kapag may quiz. Minsan nga sa sobrang busy ko, nakalimutan ko na magreview. Physics kasi 'yun tapos ang dami! Alam kong favorite ni Edward yun kasi lagi siyang highest sa Physics. Nagkataon na si Mrs. Perez ang teacher namin. Masungit pa sa masungit yun!

The Chair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon