1

23 0 0
                                    

GRADE 9...

Ilang buwan na rin pala ang nakalipas at m.u pa rin kami ni Edward. Wala pa ring pinagbago. Mas lalo pa siyang gumagwapo! Oh di ba? Tapos hindi pa lumalandi sa ibang babae. Ako lang ang dapat niyang landiin 'no! Ang lumandi sa iba, magkakapigsa sa pwet. Hihihi.

Hindi pa rin nagbabago ang mapagbirong Edward. Kahit saan, kahit kailan basta may maisip lang siyang biro.

"Huy Hyacinth, alam mo kung saan kumakain ang isang cell?"

"Hmmm saan?"

"Sa mang inacell."

Kahit kagigising ko lang, may biro na siya kaagad.

"Good morning Hyacinth! May joke ako! Anong tawag sa damit na may maraming bulaklak?"

"Floral."

"Eh kapag isang bulaklak lang?"

"Floral pa rin 'di ba?"

"Mali! Singular!"

Alam mo ba, sa sobrang landi ko e nakakaligtaan ko na yung mga gawaing bahay o kaya maligo! Char. Hindi naman ako dugyot 'no! Hihihi. Pero yun nga, nakakalimutan ko na talaga kapag abala na ako sa pakikipagtext kay Edward.

From: 3dzw4rDž

Ang cute mo 'no?

To: 3dzw4rDž

00_n4mAHn

From: 3dzw4rDž

nakakatacute ka kasi HAHAHA joke!

"HYACINTHHHH! YUNG SINAING MO, TUTONG NA! LECHE KA TALAGA!"

"Oo Ma! Papunta na! Hihi."

Pagkarating ko sa kusina ay kita ko ang nakasimangot niyang mukha. Pinitik niya pa nang malakas ang tainga ko, "Aray naman, Ma! Sakit naman!"

"Puro ka kasi text! Susko! Limang araw nang ganyan, Hyacinth!"

Pipitikin niya pa sana ako kaso nakaiwas ako, "Sige Ma susumbong kita sa boyfriend ko 'pag pinitik mo pa ako ulit." pagbibiro ko.

"May boyfriend ka?"

"Oo hihihi."

"Kawawa naman siya."

Math time namin ngayon at ipinapamigay na ang mga test papers. Ilan kaya score ko? Nagpuyat pa naman ako kagabi.

"Mataas kaya ako?" tanong ng kaibigan kong si Darlene.

"Asa ka pa girl, hindi ka naman nagrereview." sabi ni Jannah.

"Truly." pagsang-ayon ni Kaye.

"Truly." pati si Ashley.

"Domingo, Darlene --- 32/100..."

Natawa yung mga gaga. Natawa na rin ako s'yempre. Sira-ulo talaga mga 'to kahit kailan.

"Nagbasa naman ako kagabi nang kaunti pero bakit 32?" kunwareng naiiyak si Darlene.

"Tan, Jannah --- 20/100..."

"HAHAHA!" tawa ni Darlene. "Isa ka rin eh! Shungaerts ka!"

"Edi wow!" sabay irap ni Jannah.

Si Ashley naman ay nakakuha ng 54/100 habang si Kaye naman ay 49/100.

"Guvado, Hyacinth Grace --- 98/100..." anunsyo ng aming guro sa Math.

Kita ko yung paglaki ng mata ng mga babaitang katabi ko sabay sabing, "Sana all."

The Chair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon