4

17 0 0
                                    

Lagi naming kinakamusta si Kaye. Minsan ay bumibisita kami sa bahay nila. Unti-unti naman siyang nagiging okay. Normal na rin siguro yung umiyak siya kapag naaalala si Leo 'di ba?

Yung mama niya naman e todo hanap kay Leo. Hindi pa rin sinasabi ni Kaye tungkol sa kanilang dalawa. Baka kasi hindi tigilan ni Tita si Leo. Mag-alburoto pa yun.

Kapag lumilibot kami ng school dahil wala naman kaming magawa sa klase, mapapadaan kami sa gymnasium. Makikita na lang namin doon si Leo kasama yung mga tropa niya at siyempre, si Sabrina. Nagtatawanan, nagkukulitan at naglalandian. Alam mo yung ngiti nila sa labi? Mas malapad pa sa ruler eh. Magiging madamdamin si Kaye kapag ganun kaya naman todo comfort kami sa kanya.

Ako pa nga taga-kanta kapag umiiyak siya eh habang yung iba e taga-haplos ng buhok, taga-advice at may taga-paypay.

"Okay lang yan Kaye..."

"Ang sakit pa rin mga beh...ang sakit..."

"Ilabas mo lang yang lungkot mo Kaye! Kakanta ako para sa'yo. 3...2...1!
At aalis magbabalik...At uuliting sabihin...Na mamahalin ka't sambitin...Kahit muling masaktaaaan!"

"Hoy Hyacinth! Nyemas naman, wasak na nga puso ni Kaye, pati ba naman eardrums niya!" reklamo ni Darlene.

"Para mas mafeel 'di ba?"

"Oo gurl... nafi-feel namin. Parang pabasa na. Leche ka." sabi ni Ashley.

Lahat na lang ng bagay, ikinakalungkot niya. Ultimo toothpaste na Happy, maiiyak na lang siya. Naalala niya raw kasi sarili niyang masaya nung kasa-kasama niya pa si Leo.

Sinabihan namin si Kaye na huwag na huwag pansinin talaga si Leo. Kahit sorry pa sabihin niya. Um-oo naman si Kaye. Buti na lang. Laklakin ni Leo sorry niya.

Ano pa ba masasabi ko? Ang bobo pa rin namin sa klase. Score ng isa, score na ng lahat. Ganun dapat. Walang iwanan. Minsan nga sa Science class, may activity kami tungkol sa mga planets. Eh ang tagal na since napag-aralan namin yun. Elementary pa siguro? So hindi na rin namin tanda pagkakasunud-sunod.

"Beh, anong sunod sa Mars? Hindi na kasi maalala ng utak ko eh." tanong ko kay Jannah.

"Aba malay ko. Nangamgamote nga ako kung anong sunod sa Earth."

"Shuta ka, Mars na yung sunod gurl!"

"Okay. Salamat. Hihi."

"So ano?"

"Pluto yata?" hindi siguradong sabi ni Darlene.

"Malayo pa yun 'di ba?" pagtatama ko.

"Oo nga pala. Baka naman Anus?" tanong ni Jannah.

"Anong Anus?! Parte ng katawan ng tao yun! Uranus tinutukoy mo gurl." pagtatama ko ulit.

"Ay Uranus ba."

"Mali gurl...malayo pa yun. Hindi naman Neptune?"

"Ay mga beh..." pagsabat ni Kaye. "Kasunod na lang ng Mars, hindi niyo pa alam."

"Oh alam mo naman pala, ba't hindi mo pa agad sinabi sa amin?" tanong ko.

"Heto. Mellow. Mercury, Venus, Earth, Mars, Mellow." pinakita niya pa sagot sa amin.

"Hala tama! Mellow. Tama siya pakinggan e. Mars, Mellow." sambit ni Ashley.

"Oo nga 'no..." agree ako sa sinagot niya.

Ang ending, mali kaming lahat. Jupiter pala sagot. Hindi ko naisip yun kasi akala ko sa Jupiter e uri ng sasakyan. Napagalitan pa kami ng teacher namin sa Science. Pinatayo pa kami. Huhu. Nahihiya tuloy ako kay Edward. Sinabi ng teacher namin na bakit namin pinagtitripan yung sagot. Once na pinagtripan namin yung sagot, parang pinagtripan na rin namin siya. Aba, ang gagang si Darlene, nakayuko tapos natatawa habang pinapagalitan.

The Chair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon