2

19 0 0
                                    

Bakit niya ako pinapalabas? Anong meron? Ang dilim pa naman! Tsaka oras na oh.

What if nawala pala phone ni Edward tapos may nakapulot. Tapos gusto akong makita nung nakapulot? Tapos may masama pala siyang balak sa akin.

Paano kung killer yun? OMG!!!

Joke lang. Hindi pala horror kwento ko.  Hihihihi.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at tanaw rito ang mga taong nakatayo sa labas ng gate. May mga munting liwanag akong nakikita. Marami-rami sila ah. Omg? Sandali anong meron? Familiar sila ah.

Ilang hakbang at binuksan ko na ang gate saka bumungad sa akin ang lalaking kinababaliwan ko. The man I fall in love with. Hihihihi.

5 sila kasama yung 4 kong mga shungang friends. Nasa gitna siya. Kita ko yung mga dala nila. May mga regalo (obvious naman dahil sa balot pa lang),  cartolinang may 'happy monthsary!', cartolina ulit na puno ng larawan namin ni Edward at kandila? Bakit may kandila? Para naman silang kultong naglilibot sa gabi! Ang dilim sa labas kaya siguro may dala sila. Nagtataka ako kung bakit nakauniform pa rin sila e alas-dose na.

Nabalik ang tingin ko kay Edward nang kumanta siya...

"Minamasdan kita

Nang hindi mo alam

Pinapangarap kong ikaw ay akin

Mapupulang labi

At matinkad mong ngiti

Umaabot hanggang sa langit..."

Nakakakilig talaga kapag kinakantahan ka ng lalaking gusto mo. Kita ko yung sincerity sa kanyang mga mata. Ang ganda ng boses niya talaga. Para siyang anghel na maganda ang boses tapos nahulog muna dito sa lupa para mahalin niya ako. Hihihi ano ba yan! Kinikilig ako sa naiisip ng malandi kong utak!

"Huwag ka lang titingin sa akin

At baka matunaw ang puso kong sabik..."

Natutunaw pala ang puso 'no? Hihihi waley.

"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling

At sa tuwing ikaw ay gagalaw

Ang mundo ko'y tumitigil..."

Teka naman sandali, bakit siya humahakbang palapit sa akin? Mata sa mata. Napalunok ako. Natingala lang ako sa kanya. Hinahaplos niya pa pisngi ko. AHHHH kinikilig ako!

"Para lang sayo

Ang awit ng aking puso

Sana'y mapansin mo rin

Ang lihim kong pagtingin."

Pagkatapos nun ay ngumiti muna siya, "Happy monthsary sa nag-iisang Hyacinth Grace Guvado ng buhay ko..."

"Hihihi happy monthsary din..."

"Yieeee kilig ka namang gaga ka!" natawa ako sa sinabi ni Darlene.

"Minsan lang 'to! Hihi." tugon ko.

"Bakit pa pala kayo nakauniform?" tanong ko.

"Kasi kanina lang naman namin 'to pinaghandaan Hyacinth. No need to bihis na. Kanina lang din kasi sinabi ni Edward na may paganito siya and kailangan niya ang tulong namin. Ang rush nga ng pagkakadikit sa mga pictures oh..." sagot ni Kaye.

The Chair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon