Sobrang pagod akong nakauwi. Hindi ko na talaga gagawin yung takbo-takbo. Yung aso rin kasi eh! Panira ng trip!
Medyo nangangamoy yung palda ko. Ayoko naman sabihin yung nangyari kay mama. Baka masabihan pa akong tanga tas isip-bata pa dahil sa takbo-takbo. Huhu. Tapos pangaralan niya pa ako hanggang sa mapunta na sa kung saan-saan yung usapan.
Sa kasalukuyan, naghuhugas si mama ng mga plato.
"Ano yung nangangamoy? Hmmm! Bakit parang ang panghi?!" lakas naman ng pang-amoy ni mama kahit nakatalikod siya't naghuhugas. Napatingin siya sa akin. "Huwag mong sabihing umiihi ka pa sa palda mo."
"Ma! Hindi ah!" sabay shoot ng pinaghubaran ko sa basket. "Eh kasi naman, kukuha sana akong tubig pandilig sa garden. Eh yung gripo sa school namin, ang bantot ng tubig. Nabuhusan pa ako." pagsisinungaling ko.
"Oh anong tawag sa'yo nun?"
"Hmmm maganda? Hihihi."
"Nako, Hyacinth. Sinungaling ka talaga ano?"
"Mana lang sa'yo 'no!"
"Sus, dinamay mo pa ako ha!"
Sumulpot bigla si Ariana sa gilid dala-dala yung mga papel niya. Mga assignment niya ata.
"Siya nga pala Hyacinth, turuan mo naman si Ariana kahit mabilis lang. Si Ariana kasi mali-mali mga sagot."
"Ano ba lesson?"
"Iba-iba. Basahin mo na lang. Ariana, bigay mo yan kay Ate. Patulong ka sa kanya."
Nahihiya pa ang batang 'to i-abot yung mga papel pero kapag nantitrip ang galing-galing! Pati si Jackson, ganun!
Sinuri ko yung mga nakalagay. May mga pictures ng kung ano-ano sa kaliwang bahagi tapos may mga kahon naman sa kanan. Ah, parang pupunan ng letra yung mga kahon para mabuo yung pangalan.
May picture ng carrot tapos sinagot ni Ariana ay parrot. Pangalawa, imbes na apple ay appol nilagay niya. Meron pa, imbes na duckling ang ilagay, kwakkwak yung nilagay.
Sinuri ko naman yung pangalawang papel. May mga scenario'ng nakalagay tapos magbigay ng akma at malayang sagot kung ano ang dapat gawin ayon sa sitwasyon. Inuna kong basahin yung mga mali niya.
4. Nadapa ang iyong kaibigan dahil naghahabulan kayo. Ano ang nararapat na gawin bilang kaibigan?
Naloka naman ako sa sagot ni Ariana.
Sagot: tatawa kasi nakakatawa siya ayoko tulungan may paa naman siya
6. Bumili ka ng pagkain. Walang pagkain ang iyong katabi at halatang nagugutom. Ano ang dapat gawin?
Sagot: enggetin ko siya sino ba siya para bigyan ko
Grabe! Napakasama naman ng kapatid ko!
10. Hindi pa pumapasok ang iyong teacher dahil nakikipag-usap pa siya sa ibang teacher sa labas ng classroom. Late na siya. Bilang estudyante na gustong matuto, ano ang dapat mong gawin?
Sagot: sisigaw kasi tamad si teacher sayang bayad ni papa at mama
"Ma, wala akong masabi sa mga sagot ni Ariana."
------
Nagmadali akong pumunta sa tindahan. Nakakahiya kasi. Tinuruan ko pa naman si Ariana kaya natagalan ako lalo. Nadatnan ko si Tita Alice, nakabihis na pero hindi pa rin umaalis. Buti 'no?
"Oh Hyacinth, nandyan ka na pala."
"Ay wala po Tita, andun ako oh." turo ko sa malayo.
Natawa siya, "Loka-loka ka talaga, Hyacinth."
![](https://img.wattpad.com/cover/178649829-288-k316943.jpg)