6

22 0 0
                                    

"YEYYYY!" sigawan ng mga ka-team ko.

Malakas pa sa malakas sigaw nila. Pero okay lang. Kami kasi yung nanalo sa basketball!

Kanina nga, malapit na matapos yung game. Lamang na yung kalaban namin. Nakabawi naman kami agad kasi nga magagaling kami. Lalo na ako. Ang galing kong magtapon ng bola sa malayo.

May binigay na award sa akin si Coach Bueno. Gulat ako s'yempre kasi sa lahat ng members, ako lang yung binigyan niya. Yung award? MVP!

Matapos kong matanggap yung award, todo tawa ang mga gaga kong kaibigan. Hindi naman daw Most Valuable Player ang ibig sabihin ng award kundi Most Vovo Player. Binatukan ko sila 'no. Papatalo pa ba ako? 'Di bale ng vovo at least may award!

Nagpahinga muna kaming mga girls sa gilid dahil mga boys naman ang maglalaro. Buti na lang talaga at mahangin ngayon sa gymnasium. Tagaktak yung pawis ko. Parang yung umaagos na tubig sa labas ng baso na may malamig na malamig na tubig. Ganun!

Nagtipon kaming apat sa tabi para naman magpahinga at para mag-usap.

"Uy Hyacinth! Naloka ako sa nangyari kanina. 'No mga girl?" panimula ni Jannah. Tumango yung iba.

"Ay nako! Oo! Naloka ako sa ugaling inasal ni Sabrina kanina sa may bench. Hindi mo nakita. Late ka kasi." sabi ni Kaye.

"Oh anong nangyari?" tanong ko.

"Eh kasi may Grade 8 kaninang nagmamadali. Late na ata nun yung babae. S'yempre kapag nagmamadali, literal na mapapatakbo ka papuntang classroom. Eh itong si Grade 8, nabangga si ate mong Sabrina. Ayun, natapon yung iniinom na chocolate shake sa P.E niya." kwento ni Jannah.

"Hmmm tapos?"

"Pinahiya niya si Grade 8! Nakakaawa nga eh! Kung makapagsalita siya kanina para namang galing sa tiyan niya yung nakabangga sa kanya." wika ni Jannah.

"Buti na lang inawat ako ni Ashley kanina at may dumating na teacher." sabi ni Darlene. "Susugod ako sana para ipagtanggol yung Grade 8! Umiiyak pa naman yung pinapahiya niya. Para namang ang laki ng kasalanang nagawa sa kanya."

"Lintek na Sabrina yan. Dapat sinugod mo na." madiin kong sabi. "May attitude talaga yun 'no? Hindi ako magdadalawang-isip na samahan ka kung nandoon lang ako, Darlene. Pakainin ko siya ng floor wax eh."

"Wala akong masyadong alam sa kanya pero narinig ko yung chismis ng mga sources ko na napakasadista niyang girlfriend. Kapag may hinihingi raw siya sa boyfriend niya, tapos hindi nakukuha, bigla raw siyang magiging asong kumawala kung magwala tapos nananakit." kwento ni Ashley.

"Talaga ba?" sabay-sabay naming tanong.

"Oo! Lalo na kapag hindi raw siya nabibigyan ng gusto niyang kainin, magwawala na lang bigla. Makikita na lang daw ng mga sources ko na may mga sugat si Leo sa braso, sa leeg, sa legs."

"Psh. Kung sana ako na lang girlfriend niya..." ngisi ni Kaye.

"Ay gurl, pass kay Leo. Hindi ko trip si Leo para sa'yo." sabi ko.

"Eh siya yung type ko hanggang ngayon..." tugon niya. "Sana, landiin niya ako ulit.

"Hoy! Nakalimutan mo na siguro yung ginawa niya sa'yo ano?" madiing tanong ni Darlene.

"Biro lang! Kayo naman, masyadong naniniwala."

"Oh ano pa mga chismis niyo kay Sabrina?" tanong ko.

Wala na silang masagot. Wala rin naman kasi silang pakielam sa babaitang yun.

"Kamusta na kaya silang dalawa ni Leo 'no?" tanong ni Kaye.

The Chair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon