Chapter 1- Coconut Hair

7 0 0
                                    

Deinna's POV
"Goodbye teacher, thank you for teaching" pagpaalam namin sa teacher namin

"Uy deinna, alam mo ba yung sikat na kpop-group ngayon? Yieee ang gwapo nila!"

Makatili naman tong si starrish kala mo nakalunok ng microphone.

"Wala kong pake dun, tsaka ano ka ba ang ingay mo"

"  'To naman, kabanas ka talaga wala ka man lang pakiramdam o hindi ka man lang nagkaron ng ganon"

"Ang drama mo naman, sadyang hindi lang ako marupok katulad mo"

Napangisi ako haha burn!

"Napaka gangster mo kahit kelan! Ewan ko nga bakit kita naging kaibigan e"

"Nako,sabihin mo burn ka lang sa sinabi ko haha"

"Di ako burn! Brown lang ako! Brown! Litsi! Edi ikaw na maputi! Bye na nga!"

HAHAHA, Pikon talaga yun kahit kelan. Ah nga pala di pa ko nagpapakilala. Ako si Deinna Grace Litsworth, 18 years old at first year college. Yup, i am freshmen ay hindi freshwoman pala. Ang kursong kinuha ko ay Journalism and communication course dahil mahilig akong gumawa ng story at tula. At ang pinaka importante ako ang pinakamaganda sa balat ng tinalupan or i must say  i am the most gorgeous in the world the universe rather. O pak nasama pa yung linya ni vice ganda. Sige subukan nyong umangal alam ko bahay nyo *evil laugh*

Lumabas na ako ng gate para umuwi. Naglalakad lang ako tutal malapit lang naman yung school samin. Nadaanan ko pa yung baliw sa kanto, pagkadaan ko napasabi agad sya ng...

"Ang ganda mo" mag p-pasalamat na sana ako kaso may idudugtong pa pala sya

"Pag nakatalikod" Ang baliw nya diba? Sasabihan nya yung dyosa ng kagandahan ng ganon? O sige na nga prinsesa ng kagandahan nalang mamaya umangal pa ulit kayo e.

Malayo palang ako amoy ko na yung nilulutong pandecoco. Siguradong nagluluto na si papa ng pandecoco para ibenta. Meron kasi kaming maliit na bakery pero ka-kabukas lang namin nung isang linggo ang galing nga e ang dami agad naubos, iba talaga pag maganda. Pinag-aagawan chos, nag be-benta rin ako dun pero syempre kumukuha rin ng pandecoco, minsan lang naman masharep kashi~

"Hello pipooool!!!" Sigaw ko ng makapasok ako sa bahay. Pagkabungad ko sa bahay nakita kong nagbe-bake  si papa, sabi na e.

"Ano ba yan nak bakit ka sumisigaw?" Mukhang nairita si papa. Napatawa nalang ako kasi si papa puting puti yung mukha dahil sa harina hindi pa kasi sya sanay mag bake well pati rin naman ako. Ang hirap kaya pero keri lang.

" 'Pa ako na nga po, maghilamos muna po kayo ng mukha nyo para po kayong ibinudbod sa harina" sabi ko ng makalapit kay papa, napa atras naman si papa dahil hinawakan ko na yung harina na binubuo para maging tinapay.

"Talaga namang binudbod sa harina yung mukha ko nak. Pumupunta sakin yung harina pag binabagsak ko yan e" sabi ni papa tinutukoy nya yung hawak ko.

"Ateee! Pahugas!" Narinig kong sigaw ng kapatid kong si clicky sa banyo. Dumudumi na naman siguro yun tapos ako pa pinapahugas nya ng pwet nya, hindi pa kasi sya marunong.

"O, asikasuhin mo muna doon kapatid mo... ako na muna dito" pag-presinta ni papa. Tinulak pa nya ko ng bahagya, ay ang harsh :<

"Ito naman si papa, kailangan pang manulak eto na nga e" pabulong kong sabi habang papunta na sa banyo para hugasan ang kapatid ko.

"May sinasabi ka ba nak?" Tanong ni papa. Napalingon naman ako sa kanya.

"Wala po 'pa hehe" sabay ngiti. Pagdating ko sa banyo nakita ko ang kapatid ko na nakapatong sa inidoro na nakangisi.

"Hoy anong ngisi yan ha? Subukan mong ipaamoy sakin yang kamay mo galing sa ilong mo malilintikan ka saking bata ka" pag babanta ko. Ginagawa nya kasi sakin yun kaderder lang.

"Hindi ate a, bad kaya yun sabi ni mama" sabi nya sabay tingin sa taas kung nasaan ang langit. 5 years ago ng mawala si mama na-car accident sya. Tutungtong na ako ng high school non ng biglang syang mawala, ang pangarap ko pa naman ay maidala ulit sya sa entablado habang tinatanggap ko ang deploma at sinusootan nya ako ng medalya. Ang kaso nga lang agad syang nang-iwan. Hay naku, tama na nga ang drama.

"Oo bad yun, clicky kaya wag mong gagawin kay ate yun ha?"

"Opo" sagot nya. Habang hinuhugasan ko ang kapatid ko ay may biglang bumili hala patay! Nasa banyo pa ako

"Nak! May bumibili! Pwedeng ikaw muna? Hindi ko kasi pwedeng pabayaan itong bini-bake ko!" Sigaw ni papa mula sa kusina. Binilisan ko na ang pagbanlaw sa kapatid ko. Putek! kailangan ko pang magsabon ng kamay para hindi kaderder pag humawak ako ng tinapay.

"Pabili po!" Tawag ng boses babae. Sya ata yung bumibili

"Teka! Sandali lang!". Binihisan ko na ang kapatid ko.

"Pabili po ate o kuya! Pabili!" Narinig ko pa yung barya na kinakatok sa semento. Mukhang nagmamadali ito ah. Nag sabon na ako ng kamay ng mabilis at saka nagtungo sa may bakery.

"Ate! Kuya! Pabili!"

"Eto na nga diba! Masyado kayong atat!" Sigaw ko ng makarating ako sa harap nila. May isang babae na may hawak na wallet sya ata yung kanina pa kumakatok ng barya dito sa semento namin. May isa ring lalaking katabi nya, i would say gwapo sya kaso mukhang fuckboy 'to tsaka buhok bao pa. Pano ba naman kasi kung makahalik sa leeg ng babae kala mo sisinghutin nya lahat.

"Ano ba yon miss?" Tanong ko sa babaeng nasa harap ko habang patuloy pa rin  sa paghalik yung lalaki sa leeg ng babae.

"Isa ngang hihi empanada hihihi" malanding paghagikgik ng babae. Ano ba yan! Hindi ba nila alam na may tao sa harap nila? Kung makipaglandian kala mo nasa motel sila e.  Kumuha na ako ng empanada, tss isa lang pala bibilhin kung maka bulabog samin e daig pa isang dosenang tinapay bibilhin.

"Babe hindi mo ba ko bibilhan?" Tanong nung lalake.

"Uhm... babe isang tinapay lang kasi ang kaya ng pera ko, eto lang natira sa baon ko e" paghingi ng opinyon ng babae. Napairap naman yung lalaki sabay layo, ay oh dito pa ata sila mag a-away sa harap ko. Ngayon lang ako makakakita ng live show yieee.

"Leave now" mariing utos ng lalaki.

"Babe wala pa tayong kalahating araw tapos break na agad? Hayaan mo bukas, bibili ako ng para sayo kung gusto mo dalawa pa" sabi ng babae sabay hawak sa braso nung lalaki. Wala pa silang kalahating araw? Tapos magbe-break sila dahil hindi binilhan nung babae yung lalaki? Ay ang galing pero baliktad ata diba dapat lalaki yung nanlilibre sa babae? Ay pake ko ba.

"Get your hands off me i said leave" utos muli ng lalaki

"Pero babe---"

"No but's. No endearments. That endearment is totally dirty" kunwari pang nandiri yung lalaki. Dirty daw pero babe sya ng babe kanina, yung babae naman napayuko naku! Bakit ba sila dito nag aaway sa harap ko? Sungalngalin ko gilagid nila e. Isa nalang sisingit na ko sa usapan nila

"But i love you" ngumiti pa yung babae

"But i doesn't care" aalis na sana yung lalaki ng hawakan nung babae yung long sleeves nya.

"Please give me a second chance" pagmamaka-awa ng babae. Marahas na inalis nung lalaki yung kamay ng babae.

"I don't give second chances, pag niluwa ko na hindi ko na isusubo pa,  parang ikaw niluwa na kita dahil wala ka namang kwenta" sabay alis nung lalaki yung babae naman umiiyak. Wait, kaninong story ba to? Akin diba? Otor? Nu ginagawa mu?

"Please let me---"

"Hep!hep!hep! Tama na ang drama akin 'tong storya. Ako naman ang magsasalita" pag singit ko tumingin naman ako sa lalaking umalis hindi pa naman sya nakakalayo.

"HOY BAO!" Sigaw ko ngunit hindi sya lumingon. Aba, ako iis-nabin nya? Ako na nag iisang dyosa? No!

SanaWhere stories live. Discover now