Chapter 3 - love at first fight

7 0 0
                                    

Deinna's POV
"So ayun ang nangyari kaya naging kami" sabi sakin ni starrish matapos nyang ikwento kung paano naging sila ni rhio. Habang papauwi daw si starrish galing sa school kahapon nakasalubong daw nya si bao este si rhio tapos kinindatan sya. Eto namang kaibigan ko malande kinilig masyado pagkatapos ay niyaya daw syang mag cofee and then tinanong sya ni rhio kung pwede na daw bang maging sila at ayun hindi na pinahuli ng kaibigan ko ang pagkakataon, pogi daw kasi. Hay naku porket pogi lang papatulan nya agad wala man lang ligaw ligaw? E, kakakita ko palang nung rhio na yun matapos nyang makipag break sa ex-girlfriend nyang kalahating araw lang ang tinagal ah, ngayon si starrish naman? Aba, matinde!

"Ganun lang ang nangyari? Tapos naging kayo na? Ni hindi mo nga kilala yun tapos sinagot mo agad? Ay, hindi ka nga pala nya niligawan" sabi ko habang inaayos yung notebook ko para sa susunod naming subject.

"Ano ka ba friend, gwapo na yung lumapit sakin oh! Ni isang beses sa buhay ko, ngayon lang sakin nangyari 'to kaya bakit ko pa palampasin?" Nakangiting lintaya nya. Naiintindihan ko naman yang si starrish. Sa buong buhay nya ngayon lang sya nagkaron ng boyfriend, gwapo pa! Ang inaalala ko lang e baka malunod sya dyan sa pagmamahal nya sa rhio na yun pagkatapos ay iwan lang sya. Ang problema playboy yun! Ano ba yan!

"Starrish nalala mo yung kinwento ko sayo kanina? Yung lalaki na ng iwan sa babae dahil lang hindi binigyan ng tinapay yung lalaki?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman, bakit?" Sagot nya

"Sya yun! Si bao yun! Yung lintik na lalaking bao yun! Pagkatapos nya sa babaeng yun, ikaw naman ang paglalaruan aba---"

"Teka nga, bakit ka ba sumisigaw? Atsaka sino yung lalaking bao?" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi nagsalita si starrish. Ay, patay natawag ko yung boyfriend nyang bao

"Maniniwala ka ba pag sinabi kong si rhio yung lalaki? Ang ibig kong sabihin playboy ang lalaking yun starrish!" Pagdiin ko kay rhio. Ang itsura naman ni starrish parang natatawa na natatae na ewan. Hindi ba magagalit? Playboy kaya yun!

"Ano bang pinagsasabi mo dyan deinna? Alam kong nag aalala ka sakin katulad ngayon na may boyfriend na ako at first time sa life ko to, pero sana suportahan mo nalang ako bilang isa sa mga kaibigan ko. Atsaka hindi playboy rhio, alam ko yun" sinsiryidad na sinabi ni starrish. Dumating na ang aming prof sa english and yes magkaklase kami ng bestfriend ko.

"Paano mo nasabing hindi playboy si rhio?" Tanong ko

"Kasi maha---"

"Mr. Rhio! You're late!" Napatingin kami sa english prof namin sa harap. Nakita kong may tatlong lalaki sa may pintuan sa harap na tumatawa pa which is si rhio ang isa doon, habang si prof umuusok na yung ilong. Sige prof sa ilong kalang mag pausok baka kasi kung san yan lumabas.

"Ay omygod! Si baby rhio ko!" Mahinang pag tili ni starrish sabay kuhang lipstick sa bag nya saka naglagay sa labi nya. Ay, ang lande -_- Lumingon muli ako sa harap

"No one cares about that" malamig na tugon ni rhio sabay pasok sa room. Sa dulo sana sila uupo nang biglang tumayo si starrish at hinarang sila.

"Hi baby, gusto mo sa tabi ko nalang ikaw umupo? Dito oh, katabi mo rin bestfriend ko hihi" pag aya ni starrish kay rhio. Napatingin naman sakin si rhio saka tumaas ng kilay na parang sinasabing 'seriously?'

"Alam mo hindi kita kilala kaya wag mo ako sasabihan ng baby na yan. Hindi ka ba kinikilabutan?" Nalaglag ang panga ni starrish dahil sa sinabi ni rhio. Aba' t putakteng yan! Ang lakas nyang sabihan ang bestfriend ko ng ganyan ah! Samantalang kanina kung makaakbay sya kay starrish wagas kulang nalang baliin nya leeg netong bestfriend ko eh!

"P-pero boyfriend kita, s-sinagot kita kahapon lang. H-hindi mo ba naalala?" Nauutal na tanong ni starrish. Pinipigilan nya siguro ang luha nya. Takteng yan! Pag yan umiyak uupakan ko na yang bao na yan! Naku! Ipangbubunot ko sya sa mukha ng teacher naming maraming bukbok!

"Ah, yun ba? Oo nga boyfriend mo ako KAHAPON at hindi na NGAYON" Pinagdiinan talaga ni bao yung salitang kahapon at ngayon. Tuluyan ng bumagsak ang luha ni starrish. Putakteng bao yan!

"HOY! BAO!" Agaw atensyong sigaw ko sa harap ng bunot na 'to, napalingon naman sya sabay ngisi. Ang cute, ay! Taeng yan! Anong cute deinna? Putek!

"Sinong nagsabi sayong pwede mong pagsalitaan ang bestfriend ko ng ganyan?" Matapang kong sambit sabay duro sa kanya agad nya namang iniwas iyon. Talagang inuubos mo pasyensya ko ah!

"Eww, get your dirty hands off my face, it sucks" may pandidiring sabi nya. Aba may pa ganon bakit gwapo koya? Gwapo?

"Kung may tenga ka alam mo na kung sinong pwedeng mag sabi ng ganon sa bestfriend mong maharot" malamig nyang tugon.

"Aba't teka, anong maharot? Sino ang playboy sa inyo? Hindi ba ikaw? Teka baka matamaan ka" sabi ko sabay ngisi. Ngayon ko lang sya nakita ng ganito kalapit, totoo palang ang gwapo nya. Singkit ang mata, perpektong jawline, pinkish lips--- ay teka! Galit ako diba? Putakte naman kasi e, nakaka-admire sya.

"Sinong nagsabing sayong playboy ako? Stalker ka no? If i know kaya mo ko kinakalaban ngayon dahil gusto mo akong maging boyfriend sorry miss hindi kita type" sabi nya sabay irap. Ay bakla!

"Wala akong panahong sagutin ang mga tanong mong walang kwenta, basta ito ang tandaan mo. Wag na wag mong lolokohin yang kaibigan ko kung hindi..."

"Kung hindi ano?" Tanong nya

"Basta iisipin ko pa" napayuko nalang ako. Putakte kasi ang gwapo talaga nya . Yung mga mata nya... malamig pero ang lakas ng impact sa akin takteng yan.

"Deinna wag mo na patulan si rhio. Mag uusap nalang kami mamaya" bulong sakin ni starrish mula sa likod ko.

"Mag usap kayong dalawa. Wag na wag mo yang paiiyakin kung hindi babayagan kitang bao ka" pagbabanta ko sa kanya. Aish! Kabanas to ah! Nakita kong bumulong yung isang lalaki kay rhio saka sya ngumisi. Ano na namang balak neto?

"Sige mag uusap kaming dalawa sa isang kondisyon" napa 'omygod' yung mga kaklase namin saka narinig ko yung mga bulungan nila

"Ayan na magkakagera na namam dito"

"Pag talaga kondisyon ni rhio nakakasindak"

"World war 4 is coming!"

"Anong kondisyon iyan bao?" Tanong ko habang nakapamewang pa. Sige lang ibato mo na sakin lahat ng hamon *evil grin*

"Let's play chess..." sus chess lang pala eh.

"With blindfolds" nagulat ako sa sinabi nya. Never pa akong naglaro ng chess with blindfolds mukhang mahihirapan ako ah

"Kelan?" Tanong ko na parang hindi natatakot sa hamon pero sa totoo lang natatakot ako, marunong naman akong mag chess pero hindi ko pa talaga na try mag blinfolds. Paulit ulit deinna?

"Mamayang uwian" sagot nya sabay ngisi muli. Putakteng ngisi yan! Nakaka admire! Ay, ang lande deinna? Lande ah.

"MR. RHIO AND MS. LITSWORTH! SIT DOWN" Sigaw ng prof namin. Nandyan pa pala sya. Umupo na kami ni starrish sa upuan namin, sila rhio naman nasa dulo. I wonder kung paano ako makakalaban kay rhio mamaya? Playing chess with blindfolds? I think its gonna be exciting.

SanaWhere stories live. Discover now