Starrish's POV
Bago lagyan ng blindfolds ang mga mata nila rhio ay sinabi na ng MC ang mga rules. Syempre unang una ang touch move, ang touch move ay kung ano ang chess piece na mahawakan mo yun ang gagalawin mo. Pangalawa, ang castling pwedeng pagpalitin ang rook at king kung silang dalawa nalang ang nasa dulo ng board. Pangatlo iyong pag pinindot mo yung timer dapat isang kamay lang, example pag kaliwang kamay ang ginamit mong pang pindot dapat yun lang ang gagamitin mo hanggang sa matapos ang laro.Yun lang ang natandaan ko sa sinabi ng MC eh. Tapos pag may nalabag daw na rules, magkakaroon sila ng warnings pag naka-tatlong warning na that means disqualified na. Tumingin ako kay deinna na nakatitig kay rhio, siguradong pinapatay na ng bestfriend kong 'to yung katapat nya. Kilala ko iyang si deinna pag may nanakit sakin, kakalabanin nya. Ganyan sya maging kaibigan ayaw nyang may nananakit sa mga kaibigan nya, so that i've been looking for her future. Pag kaya nawala ako sa piling nya iiyak sya?
"Let the blindfolds on!" Utos ng MC kaya naman umakyat na sa stage yung ibang estudyante. Sila yung mga maglalagay ng blindfolds kila deinna. Yung babaeng maglalagay ng blindfolds kay rhio nangingisay na. Ah jusko ginoo ang OA nya ah. Akin na yang lalaking yan! Markado na yan.
Pagkalagay ng blindfolds kay rhio nung bumababa na yung babae ayun nagkaron ng eppilepsy. Iba talaga ang charm ni rhio whu!"Let the game begin!" Lintaya ng MC. Pinindot na ni deinna ang timer dahil sya ang unang titira. Nakablindfolds si deinna pero parang hindi dahil hindi sya yung tipong pakapa-kapa pa. Napangisi ako. Go deinna! Kaya mo yan!
Unang ginalaw ni deinna yung pawn na katapat ng Knight. Sumunod si rhio na kinuha ang Knight at ipinwesto sa tapat rin ng pawn. Lumipas ang ilang minuto lamang si deinna ng dalawang piece kay rhio.
Habang naglalaro sila rhio may napansin ako sa bandang tenga ni rhio na parang antena. Antena ba yun? Mas lumapit ako sa stage para mas makita pa ng malapitan kung ano man ang nasa tenga ni rhio.
Nang makalapit ako nakumpirma kong antena nga! Pero para saan ang antena? Nakakapagtaka lang na parang chill lang si rhio kanina pa, hindi ba sya natatakot na baka magkaron sya ng warning? O baka magkamali sya ng moves kasi naka-blindfold sya? Hindi kaya yung antena na yun ay nakakonekta sa isang tao na magsasabi kung ano ang dapat gawin ni rhio sa laro? Aba! Nandadaya sila! Hindi iyan patas!
Lumingon ako sa mga estudyanteng nanonood dito na may kahina-hinalang kilos. Napatingin ako sa Education building na hindi masyadong kalayuan mula dito sa quadriangle, parang may tao doon na nagmamasid saamin, kung sino man yun nararamdaman kong kasabwat iyon ni rhio.
"Ang galing ni rhio noh? Partida nakapiring pa yan pero parang wala" narinig kong bulong ng isang estudyante mula sa likuran ko.
"Syempre Chess Master yan e. Tsaka kahit nakapiring yan siguradong panalo na yan e daanin pa naman sila sa pera" napakunot ang noo ko sa sinabi nung isa pang estudyante.
Sinong sila ang tinutukoy nya?
Humarap ako sa kanila para magtanong."Excuse me pwedeng magtanong sa inyo?" Magalang kong tanong. Nakita ko naman na parang nagulat yung dalawang lalaking estudyante sa biglaang pagtanong ko. Bakit? Hindi ba nila ine-expect na kakausapin sila ng isang maganda? Hindi ko pa pala sinasabi sa inyo maganda ako. Sinong nagsabi? Bestfriend ko hihi parehas kaming pretty.
"Oo n-naman. Ano b-ba yun?" Nauutal na tanong ng lalaki na parang nerd kasi may makapal syang salamin, de charot feel ko lang nerd bakit ba, Tinutulak pa nung lalaking nasa harapan ko yung kausap nya kanina. Napatawa naman ako ng mahina, iba talaga ang charms ko e HAHAHA.
"Itatanong ko lang sana kung sino yung sinasabi nyong 'sila' kanina?" Seryosong tanong ko sa kanila. Napalunok naman sila, ang ayoko sa lahat may sumisira sa plano namin ng bestfriend ko.
YOU ARE READING
Sana
Teen FictionIsang storyang binuo at winasak ng salitang sana. Storyang akala mo perfect na, yun pala komplikado pa. Si Deinna Grace Litsworth, A Mean Girl but soft hearted pagdating sa mga taong malalapit sa kanya. But one day he met Rhio. Ang lalaking misteryo...