Deinna's POV
Kinabukasan, maaga akong nagising. Pumunta ako sa kusina para mag-almusal dahil may pasok pa kami. Pagpasok ko sa kusina, nakita ko ang lalaki kong kapatid na si clicky. Pangiti-ngiti pa sya habang hawak ang kanyang cellphone.Aba, mukhang nagbibinata 'to ah. Naglakad ako papunta sa harap nya sabay hablot ng kanyang cellphone.
"Ate! Akin na yan!" Pagpupumilit nya. Itinaas ko ang kamay ko para hindi nya maabot. Tiningnan ko ang cellphone nya at nakita ko ang messange nya. May itinype ang kapatid ko na 'i love you' at may nagtext naman sa kanya ng 'i love you too' Sinasabi ko na nga ba eh! Itong bata na 'to kebata-bata pa may pa ganyan na eh ako ngang mas matanda sa kanya walang pang ganyan.
Niliitan ko ang mata ko habang tumitingin ako kay clicky. Napaatras naman sya sa tingin ko.
"Alfred Clicky Litsworth, Pwede bang ipaliwanag mo sakin ito?" Ipinakita ko sa kanya ang screen ng cellphone nya. Gulat naman syang tumingin sakin.
"Sino 'tong ka text mo?" Tanong ko.
"Ah yan ba ate? Kaibigan ko lang yan" Sagot nya.
"Kaibigan? Bakit may pa 'i love you' kayo sa isa't isa?"
"Eh syempre ate, friendly i love you lang iyon" Palusot nya. Asus, may pa-ganyan ka pang bata ka ha. Batukan kaya kita? Hindi ako naniniwala
"Aamin ka o Isusumbong kita kay papa na kumuha ka ng 5 piso sa bakery?" Pagbabanta ko sa kanya.
"Wala naman akong dapat aminin ate"
"Sigurado ka?"
"Wala nga ate" Hindi na sya makatingin sakin. Nagsisinungaling 'to, lumalaki ilong eh.
"Totoo?"
"Oo nga ate!"
"PAPAAA!! SI CLICKY KUMUHA NG---"
"OO NA ATE MERON NA! WAG MO LANG AKONG ISUMBONG HUHU" Yumakap sakin si Clicky habang nagmamaka-awa. Sabi na eh! Aamin ka rin Clicky my lil brother, ay hindi big brother na pala kasi may girlfriend na sya. Pwede na kong pumasok sa PBB OTSO! Ok corny.
"WOOY! BAKIT BA KAYO NAGSISIGAWAN?" Sigaw ni papa. HAHA natawa nalang ako kay papa kasi nakakunot yun noo nya samin.
"Wala papa. May Ipis kasi na dumaan kaya napatili si clicky"
"Anong ako---" Tinakpan ko yung bibig ni clicky. Eto naman 'tong kapatid ko, Gumagawa na nga ako ng paraan para hindi sya mahuli eh. Hindi pa kasi pwede mag-girlfriend si clicky kasi nga bata pa sya. He is just 13 years old. Ewan ko ba sa mga kabataan ngayon, ang aga nila lumandi.
"O sige na 'pa. Kakain na po kami" Sabi ko kay papa. Umupo na ako sa hapag kainan saka ngumiti kay clicky.
"Salamat ate ah" Sambit nya. Naku, kung hindi ko lang talaga 'to mahal eh. Tumingin ako sa orasan namin. It's already 6:30 AM at may 30 minutes pa kami papunta sa school, binilisan ko na ang pagkain saka ako naligo.
Inihatid na kami ni papa papunta sa school gamit ang trycicle namin. Yep, may sarili kaming trycicle. Minsan bumabyahe rin si papa para dagdag kita.
Unang hinatid ni papa sa school si clicky. Pagkatapos naman ay ako. Humalik ako kay papa sa pisngi.
"Wag ka ng mandadaya anak ha? Para hindi ka na ulit magkaroon ng punishment" Tumango ako sa sinabi ni papa sabay ngiti. Naala ko tuloy yung kahapon na magkasama kami ni rhio.
"Opo papa, Asahan nyo po iyan. Bye!" Nagpaalam na ko kay papa para pumasok na sa school, 6:45 AM palang.
Pagkatapos itanong sakin ni rhio kung bakit daw ang ganda ko, napangiti nalang ako sa kawalan nun. Dahil wala pang nakapagsabi sakin na maganda ako. Tanging ang sarili ko lang ang sinasabing maganda ako pati si Papa at Clicky. Maski nga si Starrish hindi pa sakin sinasabi yun. Nahihiya lang siguro pero alam kong maganda ako, syempre ida-down ko ba sarili ko? Syempre hindi!
YOU ARE READING
Sana
Teen FictionIsang storyang binuo at winasak ng salitang sana. Storyang akala mo perfect na, yun pala komplikado pa. Si Deinna Grace Litsworth, A Mean Girl but soft hearted pagdating sa mga taong malalapit sa kanya. But one day he met Rhio. Ang lalaking misteryo...